Chapter 3

57 4 3
                                        


Chapter 3

"Tawagan na lang ho kayo kapag may schedule ka na for interview."

Ani ni Manong Guard sa coffee shop na balak ko na pagtrabahuan. Nginitian ko lang siya at tsaka tumalikod na.

Gusto ko rin talaga na magtrabaho kahit weekend lang. Sayang din yung kikitain ko na pwede ko pa ipambili ng mga luho ko.

Sumakay na ako ng jeep pabalik ng school. May reporting pa ako na iprepresent sa Ethics.

Pero bago ako nakabalik ng school, naakit ako sa amoy ng dinikdik na bawang at sibuyas sa sawsawan ng kwek-kwek kaya kumain muna ako ng street foods dito sa may San Marcelino.

Umorder lang ako kwek-kwek at palamig.

Akmang dadamputin ko na sana yung palamig na iinumin ko nang biglang may kumuha doon at ininom ito, si Lucas.

"Hindi talaga kumpleto ang araw mo kapag di ako nab-bwiset 'no?" napahawak ako sa bewang ko at tinignan siya ng masama.

"Mas maganda ka kasi kapag nagagalit!" pang-aasar niya sa akin.

"Kahit ano namang expression ang gawin ko, maganda ako! At ikaw naman, kahit anong gawin mo panget ka pa rin." tsaka ko siya inirapan.

"Ang sakit naman nun Aye! Baka nakakalimutan mo na may fans club ako hmp! Lagot ka sa kanila!" pagmamayabang niya sa akin.

"Sus, sapakin ko pa mga nasa fans club mo eh" I rolled my eyes at nagpatuloy sa pagkain.

Totoo na may fans club si Lucas. Ang corny 'no? Pero hindi naman sobrang laki ng fan base. May banda kasi si Lucas tapos siya yung gitarista. Sa totoo lang magaling talaga sila lalo na si kuya Grei, sobrang ganda ng boses!

"Siya nga pala punta ka mamaya ah!"

"May gig?" tanong ko sa kanya.

"As usual."

"Saan naman?" tanong ko habang patuloy na sumusubo ng kwek-kwek.

"Sa Route 162, sunduin ko kayo ni Zoe mamaya!"

"Wow bigtime, may pasundo kineme na. Alam ba ni Tito na gagamitin mo kotse niya hahah!" sabay ngisi ko.

"Hoy siyempre naman nagpaalam ako. Ako pa ba? Eh ako ang pinakamabait sa lahat ng mabait na anak." Tinignan ko na lang siya ng masama dahil nakaka-irita na mga pinagsasabi niya.

Inubos ko na ang kinakain ko ay uminon na ng palamig.

"Alis na ako, may klase pa ako!" pagpapaalam ko sa kanya. Tumalikod na ako pero pinigilan niya ako, dahilan kaya napaharap ako sa kanya.

"May dumi ka pa sa bibig." mahinang sabi niya.

Kinuha niya yung panyo niya mula sa bulsa niya at tsaka niya 'yun ipinunas nang dahan-dahan sa bibig ko.

"Uhm, Salamat!" sabi ko.

Nagtaka ako kung bakit bigla siyang tumawa matapos niyang punasan yung bibig ko.

"Bakit ka tumatawa? Baliw!" tanong ko na may halong inis.

"Yung panyo na pinunas ko sa bibig mo, nakalimutan ko na na-siponan ko pala kanina!" patuloy pa rin siya sa pagtawa.

"Gago ka talaga kahit kailan, bwiset ka!" Inirapan ko na lang siya at tuluyan na iniwan. Bumalik na ako sa campus at sinimulan na naman ang bakbakan.

Pagkatapos ng klase, dumiretso na kaagad ako sa dorm at naligo. Pagkatapos ko maligo ay naghanap na ako ng susuotin para sa pupuntahan naming gig mamaya.

Nagsuot lang ako ng high waisted wide leg jeans tsaka fitted na tank top at nagsuot ng maong na jacket. Nag pulbo at lip tint lang ako dahil manonood lang naman kami ng performance nina Lucas, hindi ko naman goal na maghanap ng lalandiin. Ay pero char, makikita ko pala si kuya Grei kaya excited na ako!

Yesterday, Today, and TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon