Chapter 1

59 4 1
                                    

"Shet, gago nakapasa ako!!" napatayo ako at napasigaw sa sobrang tuwa ko nang makita ko ang pangalan ko sa list of passers ng mga nakapasa sa Philippine Normal University (PNU).


Simula sa araw na 'to, makakatulog na talaga ako ng mahimbing dahil natatanging 'yun na lang talaga yung univ na pinag-examan ko na hindi pa nagd-drop ng List of Passers.


Actually I passed all my Entance Exams including USTET, ACET, DCAT, PUPCET, AND UPCAT pero PNU talaga 'yung ini-aim ko na pasukan for college. Everyone's dream ang makapasok sa UST, ADMU, and DLSU pero sa katulad ko na namumuhay lang nang normal sa araw-araw, hindi ko afford 'yun at mananatili na lang na pangarap 'yun.


UP is also a dream, it is actually my dream school. I passed naman pero hindi sa preferred course ko. Kung practicality na lang rin kasi ang pag-uusapan, I'd rather choose my dream course rather than my dream school.


This time, I can't still say what will be my course in PNU because I know that we still need to take and pass our Majorship Exam bago mo malaman kung ano talaga ang major mo but I'm eyeing on their BSE Major in Biology Program.


Basta, I have instincts talaga that PNU will lead me to success kaya unang pasok ko pa lang nung admission noon, feeling ko para doon talaga ako. My heart shouts for it kaya baka doon ko na rin mahahanap ang bubuo sa puso ko. Charot lang ulit!


Charot lang kasi a person like me shouldn't prioritize finding love rather than working hard para sa studies ko. I have a lot of dreams for myself and my Mom and I won't let other people ruin it.


"Congrats anak!" my mom suddenly popped in front of me.


"Salamat Ma, magka-college na ako. After few years, makakatulong na ako sa inyo!" masayang sabi ko sa kanya.


"I am so proud of you anak, ang dami ng problema ang dumating sa atin anak simula nang namatay ang daddy mo pero hindi ka tumigil para magsumikap. Pasensiya na dahil wala manlang akong maihanda kahit simpleng salu-salo para sa'yo kahit na you've graduated as the vedictorian of your batch and passed all your Entrance Tests" mangiyak-ngiyak na sabi ni mama.


"Hindi naman na kailangan ng ganun Ma!"


Totoo na napakarami na ng problema na dumating simula nang mawala si Daddy noong 10 years old pa lamang ako. Nawalan kami ng bahay para ipambayad ng utang, pati kotse namin ay ibinenta na rin. Yung natatanging source of income na lang ni Mama noon ay yung coffee shop na pinakamamahal niya pero pati 'yun ay nawala simula nang magkasakit siya.


When I was on my 7th grade, my mom suffered from Ovarian Cancer. Naging magastos 'yun dahil kinailangan niya ng operasyon para mawala ang tumor na nakakabit sa kanyang ovary. Stage 2 na nang malaman na mayroon siyang sakit kaya grabe na lamang ang pag overthink ko nang malaman na may sakit si Mama. Wala na nga si Papa, mawawala pa rin ba si Mama sa buhay ko?


Noong mga panahon na 'yun, halos ginawa kong apartment ang ospital. Papasok ako nang galing sa ospital at doon din ang diretso ko pag-uwi galing ng school, wala kasing magbabantay kay Mama dahil nasa trabaho si Tita.

Yesterday, Today, and TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon