Daniel's POV
Unang araw ng klase ngayon kaya maaga akong umalis ng bahay....Mejo malayo kasi yung unibersidad na papasukan ko sa city proper kaya kelangan ko pang pumunta ng terminal ng mga jeep na papuntang school namin..
Sumakay na ako sa isang jeep at hinihintay na lang na mapuno eto para makaalis na..Wala pa masyadong tao sa jeep nun kaya kinuha ko na lang muna ang cellphone ko at naglaro ng temple run....
Maya-maya ay marami-rami na rin ang sumakay pero may isa pang bakante sa harap ko...nagpatuloy lang ako sa paglalaro nun nang may isa na namang estudyante ang sumakay...di ko na lang pinansin kasi ginagalingan ko ang paglalaro para magkaroon ng new high score...
Di pa rin ako natitinag sa paglalaro nang nahulog ang panyo ng estudyante sa harap ko...Kaya nadistract ako sa paglalaro at natalo ako..........Haist! Asar naman....tiningnan ko na lang ang estudyante sa harap ko habang nakayuko para kunin ang panyo nia...sinundan ko naman siya ng tingin hanggang inangat na nia ang ulo nia at umayos sa pag-upo nang....
*Dug dug dug dug dug
Ang bilis nang tibok ng puso ko.....Gusto nyo bang malaman kung bakit???
Eh kung ayoko?Hehehe biro lang...pero eto ang dahilan kung bakit....
1. Maganda ----------- check!!!
2. Morena ----------- check!!!
3. Matangos ang ilong -------- check!!!
4. Manipis ang mga labi ------- check!!!
5. Mapupungay ang mga mata ------ check!!!
6. Mahaba at maganda ang buhok -------- check!!!
7. Di masyadong matangkad at katamtaman lang din ang pangangatawan ------- check!!!
8. Siyempre mabait at girlfriend material ---------- siyempre di ko pa alam kasi di ko pa siya kilala
pero di ko talaga maalis ang tingin ko sa kanya......ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.....tinamaan na ba ako ng pana ni kupido??? ....Nakatitig lang ako sa kanya nang may nagsalita...
"Sir, Yoooohooooo......bayad nyo po?" yung konduktor pala...natauhan naman ako...hay...panira naman ng moment...>:D Buti na lang di namalayan nung babae na matagal akong nakakatitig sa kanya kasi parang may hinahanap siya sa loob ng bag nia..Siguro kumukuha siya ng pamasahe niya...
Nagbayad na ako sa konduktor at sumulyap ulit sa babaeng nasa harapan ko....maya-maya ay bigla siyang napatingin sakin....Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya at kunwaring tumingin sa labas ng jeep...
Kinabahan ako dun ha? Akala ko mahuhuli na niya akong kanina pa nakatitig sa kanya...Feeling ko pinagpapawisan na ako...Ano bang feeling to???Alam nyo???Kasi ako di ko alam eh...Nagkukunwari akong nakatingin sa iba pero feeling ko tinitingnan nia ako...Nahuli ba nia ako kanina??Sana hindi or baka napatulala rin siya sa kagwapohan ko???hahaha..Kapal ko naman..
Nakita ko namang lumingon na siya sa labas ng jeep....kaya eto ako ngayon....Pasulyap sulyap sa kanya....
Naalala ko tuloy ang kanta ni Yeng Constantino....yung jeepney love story.....
------------------------------------> Play nyo ang video sa side...
Di ko namalayang nakarating na pala kami sa school...30 minutes din ang byahe galing sa jeep terminal hanggang dito sa school pero di naman sabay sabay bumababa ang mga estudyante kasi magkalayo rin ang mga building every college department..malaki kasi ang unibersidad na to...may mga baka pa nga, kambing at iba pang hayop ang pagala gala dito..Yung unang building na dadaanan ay ang sa registrar, then business department, engineering at education, then yung iba nang college department...
Maya-maya ay huminto na ang jeep sa registrar pero konti lang ang bumababa...nung summer kasi inayos na nung iba ang sched kaya di na kelangan dumaan pa sa registrar sa unang araw ng klase ng karamihan...huminto naman ang jeep sa business department....tiningnan ko siya ulit di pa rin siya bumababa...hmmm...ano kayang course nito???
Sumunod naman ay huminto ang jeep sa engineering department...Since Electrical Engineering ako, siyempre bumaba na ako...pero before ako bumaba ay sumulyap ulit ako sa kanya saglit...
"Bye miss beautiful!" hahaha..pero siyempre sa isip ko lang yun..baka mamaya masampal pa ako ng di oras kapag sinabi ko sa kanya...tapos nun ay bumaba na ako...
Pagkababa ko ay huminto muna ako at tiningnan siya habang papalayo na ang jeep...Siguro magkikita pa naman kami ulit...Magstalk kaya ako???hehehe joke! basta makikilala rin kita.....sabi nga nila "Patience is a virtue.."
Hala sige....sa susunod na ulit at papasok muna ako...mabait atang estudyante to...HAHAHAHA!!! Bye for now! ^__^
_____________________________________________________________________________
End of Chapter 2
BINABASA MO ANG
Jeep (From a Glimpse of you to Forever)
JugendliteraturWhen I first saw you in that jeepney, I knew it was just a crush. But as time went by when I got closer to knowing you that simple crush grew into something more complicated. Something I'm not even sure yet but I know someday I'll find out what that...