Graduation
Daniel's POV
Hmmm..Asan na kaya si Kath? Nagsilabasan na ang mga estudyante. Kelangan kong harapin ang katotohanan. Good news o bad news man matanggap ko okay lang. At least sinubukan ko.
Maya-maya ay may lumapit sa akin…..Si Albie…..
“Pare, pinabibigay niya…” sabay abot sa kin nang sulat..
“Asan siya?”
“Basahin mo na lang..” pagkasabi niya nun ay tinapik niya ang balikat ko at umalis na…
“Salamat pare!” sigaw ko sa kanya at kumaway na lang siya..
Kung ano man ang laman ng sulat na to babasahin ko pa rin. Umupo ako sa isang bench saka binasa ang sulat niya.
Dear DJ,
Tinanong kita kahapon kung kaya mo pa akong hintayin. Ang dahilan nun is DJ aalis kasi ako. Sasama ako sa papa ko sa Canada. Di ko alam kung kelan ang balik ko pero siguro di naman ako magtatagal dun. Pinaabot ko na lang kay Albie ang sulat kasi kelangan ko na agad pumunta sa airport. Kung ako pa ang mag-aabot sayo baka di na ako makaalis.
Nung inamin mo sakin na mahal mo ko. Nasiyahan ako kasi matagal ko nang gustong marinig mula sayo yun. Alam mo ba nung mga panahong akala ko di na talaga tayo magkakalapit, nalungkot ako. Inisip ko na lang na siguro nga di tayo ang para sa isa’t isa. Siguro nagtataka ka kung bakit ganito ang mga sinasabi ko. Kaya sasabihin ko na sayo ang totoo.
DJ, nung una kitang nakita sa jeep nun, crush na kita. Tinititigan kita nun kaya lang busy ka kakalaro ng cell phone mo. Kunwari ko namang hinulog ang panyo ko nagbabakasaling mapalingon ka sakin. Pero di nga ako nagkamali, kasi tinignan mo ako pero kinabahan naman ako nun kaya nagkunwari akong may tinitignan sa bag ko. Buti na lang tinawag ka ng konduktor kaya nagkaroon rin ako ng pagkakataon na sumulyap sayo ulit.
Sa mga sumunod na araw nalungkot ako kasi di kita nakasabay hanggang dumating ulit ang Monday at naalala ko yun yung araw kung kelan kita unang nakasabay sa jeep. Kaya lang nagkaproblema sa bahay nun kaya matagal akong nakaalis at nakarating sa jeep terminal. Akala ko di na ulit kita makakasabay pero nagulat ako na bigla ka na lang tumabi sakin. Inantok ka ata sa byahe kasi nakatulog ka at di inaasahang sumandal sakin. Gustuhin ko man na sumandal ka pa pero kelangan ko alisin ang ulo mo sa balikat ko kasi feeling ko nun sasabog na ang dibdib ko sa kaba. Nung nagising ka naman tinakpan ko ng panyo ang mukha ko kasi pakiramdam ko pulang pula na ako.
Nung sinundan mo ko papuntang classroom ko, napangiti ako. Pero kelangan kitang sungitan para di mo mahalatang nahihiya ako. Pero kung alam mo lang, ang saya saya ko nung araw na yun.
Naalala mo pa ba nung araw na lumapit ka sa table namin sa cafeteria? Akala ko ako ang lalapitan mo pero nalungkot ako kasi kay Julia ka lumapit. Alam kong wala akong karapatan masaktan o magselos nun kasi di mo naman ako girlfriend. Kaya nagdahilan na lang ako na kakausapin ako ng kapatid ko para makaalis at di ko makita na masaya ka na kausap siya.
Eh yung tinanong mo ako kung boyfriend ko si Albie, naaalala mo pa rin ba? yun sana ang araw na aaminin ko sa kanya na may iba akong gusto pero nung sabi mo na sasabayan mo si Julia pauwi, nasaktan ako kaya para makalimotan ang nararamdaman ko sayo pumayag akongmaging girlfriend ni Albie kahit alam kong kaibigan lang tingin ko sa kanya.
DJ akala ko nun paghanga lang nararamdaman ko sayo pero nung mas nakilala na kita di ko napansin na mas nagugustuhan na kita. Sa mga panahong si Albie ang kasama ko akala ko makakalimutan ko na nag nararamdaman ko para sayo pero nagkamali ako kasi ikaw pa rin ang iniisip ko. Pinapangarap na sana kamay mo ang hawak hawak ko at ikaw ang nasa tabi ko. Pero kuntento na ako nun na makita ka mula sa malayo at patuloy na umaasa na mapansin mo rin ako. Nung mga panahong nakakasama na kita. DJ, di ko man sinasadya pero minahal kita.
Kaya DJ sana hintayin mo hanggan sa makabalik ako pero kung hindi naman okay lang at least nalaman kong mahal mo ko. Kung sa pagbabalik ko at wala ka pang ibang mahal, DJ di na ako magdadalawang isip na ipagkatiwala muli ang puso ko at maging girl friend mo. Siguro naaalala mo pa yung araw na di mo sinasadyang mahalikan ako. Gusto ko lang malaman mo na yun ang first kiss ko. Masyado nang mahaba ang sulat ko. Kaya hanggang dito na lang.
Ang taong mahal na mahal ka,
Kathryn <3
Pagkatapos kung basahin ang sulat ni Kath, nasiyahan ako kasi nalaman kong mahal rin niya ako pero at the same time nalungkot din kasi nga aalis siya. Pero Kath, maghihintay ako kasi mahal na mahal kita..Kahit gaano pa katagal basta ba ipangako mo lang na babalik ka.
BINABASA MO ANG
Jeep (From a Glimpse of you to Forever)
Teen FictionWhen I first saw you in that jeepney, I knew it was just a crush. But as time went by when I got closer to knowing you that simple crush grew into something more complicated. Something I'm not even sure yet but I know someday I'll find out what that...