---Jeep: Chapter 3

1.5K 33 2
                                    

Daniel's POV

Isang linggo na ang nakakalipas simula nung nakita ko si Miss Beautiful. Sa loob ng isang linggo ay tumitingin ako sa bawat sasakay sa jeep na sinasakyan ko. Para na nga akong tangang tumitingin sa labas ng jeep, sa waiting shed sa terminal at sa mga katabi ko baka kasi makita ko siya pero wala eh. Hay ang saklap naman, magkakacrush na nga lang ako sa isang taong pang di ko naman kilala..

Maganda naman ang unibersidad na pinasukan ko. Marami na nga rin akong naging friends. Sila Diego, Neil, EJ at Sam. Ang gugulo nga nila eh, mga maloko rin pero mga good boy naman. Kahit isang linggo pa nga lang kaming magkakilala ay naging close kami agad. May mga magaganda din naman akong nakita sa engineering department pero ewan ko nga ba, si Miss Beautiful pa rin ang crush ko.

Monday na ulit ngayon..Monday din nung nakasabay ko siya sa jeep last week. Kaya inagahan ko ang pag-alis sa bahay baka sakaling makasabay ko siya ulit. Mamaya pa naman klase ko pero malay nyo dba? Makita ko siya...Di muna ako sasakay hihintayin ko munang dumating si Miss Beautiful. Nagmasid masid ako sa paligid baka kasi andito lang siya..

Tingin sa kaliwa, wala.....

Tingin sa kanan....wala rin.....

Tingin sa likod....hmmm ang daming estudyante nakaabang pero wala si Miss Beautiful..

Tingin tingin sa paligid at.................

Boom! Ayun siya pasakay na ng jeep...Dali-dali naman akong tumakbo para sumakay....

Hay salamat may bakante pa....at alam niyo kung anong maganda?

Dito ako umupo sa tabi niya.....Dumadamoves ba???Hayaan niyo na minsan lang to..Sumusulyap sulyap lang ako sa kanya...mga pasimpleng moves kumbaga...Ganun lang ang ginawa ko habang naghihintay mapuno ang jeep..Napansin ko naman isang babae sa tapat ko kanina pa nakatingin sakin at pinipigilan niya ang tawa nia...

Naku! Kanina pa pala ako nakasmile...Akala niya siguro baliw ako....Nag.death glare naman ako sa kanya at umayos naman siya at tumingin na sa iba..Pakialamera siya ha? Ba't ba? eh masaya ako kasi katabi ko crush ko..Bahala nga siya dyan.. Bumalik na lang ako sa mga simpleng moves ko..Kunwari naman akong tinitignan yung mga nasa unahan ni Miss Beautiful pero yung totoo sa kanya ako nakatingin. Ang ganda nia. Simple lang siya pero kitang kita mo pa rin yung ganda niya. Ano ba yan? Umagang umaga lumalandi na ako.. >:D

Maya-maya ay napuno na ang jeep at umandar na..Nag-isip naman ako ng paraan para mapansin niya..

Ah! Alam ko na...kunwari inaantok ako...tama! tama!

nagkunwari akong tulog at naglean nang dahan dahan sa kanya...Nakasandal na ang ulo ko sa balikat niya..napasmile naman ako nang naramdaman kong inalis nia ang ulo ko sa balikat nia. Umayos naman ako at nag-umpisa na namang maglean ng dahan dahan. Pero ganun pa din ang ginawa nia...

nagkunwari naman akong nagising at tinignan siya..nakatingin lang siya sa labas ng jeep tapos tinatakpan niya ng panyo yung ilong nia..Ineenjoy ko yung view ko...Ang ganda kasi...Lumingon naman ako at napansin ko na naman yung babae sa harap ko na parang natatawa...Agad naman siyang tumingin sa malayo..Napaka-pakialamera naman nito..Pinapakialaman ang mga moves ko...

Maya-maya ay nakarating na kami sa school pero siyempre di na muna ako bumaba sa building namin..Kung bakit??Eh kasi para malaman ko kung san bababa si Miss Beautiful...Huminto na ang jeep sa Science and Math Department at sakto namang tumayo siya at bumaba....

Siyempre bumaba rin ako para sundan siya...Hahaha stalker lang ang peg ko...

Lakad

Lakad

Laka.....at bigla naman siyang huminto, lumingon sa likod nia at tinignan ako..Napahinto rin ako at agad agad ko naman kinuha ang cell phone at kunwaring nagtetext..Naglakad naman siya ulit...At sinundan ko siya..

Lakad

Lakad

Lakad...huminto siya ulit at lumingon sakin...at nahuli nia akong nakatingin sa kanya...

"Sinusundan mo ba ko?" mataray niyang tanong

Lumingon naman ako sa paligid ko pero kaming dalawa lang ang andito. Malamang ako yung tinutukoy nia..Tinuro ko naman ang sarili ko at kunwaring walang alam...

"A-ako?"

"Eh sino pa nga ba? Malamang ikaw?Tayo lang naman ang andito ah!" sabay turo niya sa kin na nakatakas ang kilay

"Siguro magnanakaw ka ano?Oh baka stalker!!!" dagdag pa niya

Lumapit naman ako sa kanya..

"Ako magnanakaw?Stalker?" sabi ko sa kanya sabay smirk "Sa gwapong kong to, pagkakamakalan mo kong magnanakaw at stalker?" sabay pogi sign...

nakita ko namang kumunot ang noo niya...ang cute niya pag naaasar..mejo may pagkamasungit pala tong babae to buti na lang crush ko siya..

"Ang yabang mo naman! Pag-ako nilipad ng hanging dala mo, kasalanan mo yun.."

"Eh di naman talaga ako magnanakaw o stalker ah.."

"Ba't mo nga ako sinusundan?"

"Sino bang may sabing sinusundan kita? Asa ka naman! Akala mo naman kung sino kang maganda.." maganda naman talaga siya pero siyempre joke lang yung sinabi ko ang cute kasi ng mukha nia halatang asar na asar na...okay ang bad ko..

"Ang kapal mo! Akala mo naman gwapo ka...Eh mukha ka ngang si King Kong! unggoy!" pagkasabi nia nun ay inirapan nia ako at naglakad na paalis...

"Bye Miss Sungit!!!" lumingon siya sakin at nag death glare lang...hehehe ang cute nia ang sarap pisilin nung pisngi niya...Nakita ko naman siya pumasok sa isang room at sinarado ang pinto...

Agad agad naman akong pumunta sa labas ng room...

"B.S Information Technology Computer Lab.." binasa ko yung nakalagay sa pinto ng room kung san siya pumasok. So BS IT pala course nia..maglalakad na sana ako nang may babaeng nakatingin sa akin na halatang kakarating lang..Teka siya yung babaeng nasa harap ko kanina sa jeep. Nakatingin naman siya sakin at nag-evil grin..

Kumunot na lang yung noo ko, inirapan ko na lang siya at nagsimula nang maglakad palayo nang may sumigaw...

"Crush mo siya noh?" Sigaw nung babae habang tumatawa at mabilis na pumasok sa room kung san pumasok si Miss Beautiful..

Akalain mo classmate niya yun? Bahala siya basta alam ko na kung anong course ni Miss Beautiful. Yes! Pero siyempre kelangan ko malaman name niya.. Malalaman ko rin yun..Ako pa? >:D Makapunta na nga lang sa building namin...

______________________________________________________________________________

End of Chapter 3

Jeep (From a Glimpse of you to Forever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon