Chapter 4: Her Distress and His Agony

26 0 0
                                    

Claudine's POV

Nagmulat ako ng mata. Puro puti ang nakita ko pero alam kong wala pa ako sa langit dahil wala namang aircon doon. Nasa ospital siguro ako. Ang cliche lang. Ilang beses ko nang na-encounter iyong ganitong eksena sa mga nobelang nabasa ko. Ganito pala yung feeling. Ang weird.

Nakita kong pumihit iyong door knob at pumasok ang isang babae. Siguro mga nasa forty na siya, nakasuot ng white na coat at may nakasampay na stethoscope sa may leeg niya. May dala rin siyang clipboard. The typical fashion of a doctor. Nang mapatingin siya sa akin ay awtomatikong napangiti siya.

"At last your awake, hijo."

Teka, Hijo? Malabo ba mata nitong si Doctora?

"Ah, bakit ho? Gaano na po ba katagal na wala akong malay?"

Parang may iba sa boses ko. Parang medyo lumagong ng very very light. O dahil siguro sa bagong gising lang talaga ako.

"Pitong araw kang walang malay. Kumusta na ang pakiramdam mo, hijo? "

Hijo na naman. Hindi ko malaman kung sadyang palabiro tong si Doctora, nagkakamali lang o nang-aasar na talaga.

"Ayos naman ho. Pero saglit, ganoon ho ba talaga katagal na wala akong malay? At saka, ano po ba talagang nangyari sa akin?"

"You're a victim of hit and run, hijo. May nagdala lang sa'yo rito. Kaya lang umalis siya saglit kasi may kailangang asikasuhin pero mamaya babalik ulit siya. Tamang-tama, para magkausap kayo."

Parang sumakit ang ulo ko nang marinig kong tawagin niya uli akong "hijo" sa ikatlong pagkakataon. Hindi ko na inintindi nang maigi iyong sinabi niya dahil nadi-distract ako sa pagtawag niya sa'kin ng "hijo". Oo, hindi nga ako kagandahan pero alam ko namang hindi ako mukhang lalaki. Nakakainsulto na talaga 'tong si Doctora.

"Ah doc, mawalang galang na ho. Pero puwede po bang tigilan niyo na ang pagtawag sa'kin ng hijo? Babae ho ako."

Napatawa siya.

"Ganoon ba? Naku, sayang. Ang gwapo mo pa naman hijo este hija pala. "

Hindi na ko nakaimik. Gusto kong igalang itong si Doctora pero medyo bastos siyang magsalita.

"Anyway, do you still remember any personal information like for example, your name, age, address, parents' name?"

"Opo, Ako po si Claudine Hizon. 18---"

"Ah, your real name hijo."

Ayan na naman siya. Nakakairita na.

"'Yon na nga ho. Claudine po talaga ang pangalan ko."

"Hay naku, talaga kayong mga bakla, nahihiya pa kayong sabihin ang totoong pangalan ninyo. Ganyang-ganyan din iyong pamangkin ko eh. Anthony ang totoong pangalan pero gusto niyang tawagin siyang Antonette."

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. A-ano raw? A-ako bakla?

"Utang na loob Doctora, hindi ho ako bakla."

"Hijo, bakla ka. A man claiming that he's a woman. Look at yourself, lalaking-lalaki ka. Isang lalaking may pusong babae."

"You look at me doctora, hindi mo ba nakikita na babaeng-babae ako? I know medyo hindi kalakihan ang dibdib ko pero hindi mo ba nakikita na---"

Natigilan ako nang wala akong nakapa...Anak ng tadpole! Napatingin ako sa dibdib ko. Nasaan na? Bakit pati ako hindi ko makita? Napahawak uli ako sa dibdib ko. Saan na iyon napunta? Maluha-luhang napatingin ako kay Doctora.

"Doc, talaga bang malala yung pagkakaaksidente ko? Bakeeet? Bakit niyo tinanggal?" hysterical kong tanong habang hawak ang dibdib ko.

Napapailing, at halatang nagpipigil ng tawa, na hinawakan niya ako sa balikat.

Then They Collide...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon