January 20, 2014 (Cold Monday Morning)

59 0 0
                                    

The snow glows white on the mountain tonight

Not a footprint to be seen

A kingdom of isolation, and it looks like I'm the Queen

The wind is howling like the swirling storm inside

Couldn't keep it in; Heaven knows I've tried

Snooze (10 min.)

Dismiss

DISMISS

Monday na? Ugh. Ang araw na pinakaayaw ng lahat. At isa pa... Alam naman nating lahat na sobrang hirap gumising sa umaga lalo na kung malamig ang panahon. Sa tuwing sinusubukan mong bumangon sa kama eh parang hinihili ka nito pabalik. Balot pa rin ako ng kumot. Kung pwede lang eh matutulog na lang ako buong araw. Pero hindi pwede. Monday ngayon. Kailangang pumasok ng maaga sa school. So bumangon na ako.

Same routine: Kain. Ligo. Bihis. Suklay. Ayos gamit. Alis.

Nakasakay na ako sa jeep. Tingin ko malelate pa ako. Buti na lang sa iba dumaan si manong driver. Pero kahit bumilis yung travel time, hindi pa din talaga ako sinuklian ni manong driver. Wala daw siyang barya. Hanggang sa umabot na sa España. Bumaba na ako. Eto yung gusto ko eh. Sa España dumadaan. Alam niyo kung bakit? Syempre makakadaan ako sa QPav. ;) Makikita ko kung andon ba yung kotse ni Kevin Ferrer o iba pang player. Nakasabay ko sa paglalakad yung friend ko. And as usual, nakatingin lang ako sa parking ng QPav. Unfortunately, wala don yung kotse ni Ferrer. Pero may naaaninag ako na pasalubong.

Matangkad.

Basketball player.

Commerce student. (Pero di naman din kasi halata nung nakita ko siya nung umaga. Nakacivilian kasi siya. Alam ko lang na taga commerce siya.)

Si Eduardo Daquioag.

May kasama siya eh. Di ko lang napansin kung sino. Pero sigurado naman ako na hindi si Ferrer yon.

Umaga palang, kumpleto na araw ko. Kahi si Daquioag lang nakita ko, solved na ako. Ang bait niya kaya. Hindi pa snob. Down to earth. Yung tipong kapag grineet mo siya sa twitter, magrereply siya sayo. Simpleng bagay para sa iba. Pero para sa isang fan na katulad ko, malaking bagay na sakin yon.

Lagpas na si Daquioag. Medyo umasa tuloy ako na makikita ko din si Ferrer my loves.

Pero may isa pa akong nakita.

Basketball player.

Commerce student.

Hindi ganon katangkad. Di katulad ng ibang players.

Jamil Sheriff. Ilang beses ko na din siyang nakikita around UST. Isa din siya sa mga mababait at hindi snob na players. Nireplyan na din niya ako sa tweets ko sa kanya dati. Minsan talaga masasabi mo na lang na "Buti pa sila pinapansin ako".

Minsan kasi naiisip ko na snob si Kevin Ferrer. Di ko na mabilang kung ilang beses na akong nagtweet sa kanya at ilang beses na din niya akong inignore. Pero minsan iniisip ko na lang na sa dami ng followers niya, madami ding nagttweet sa kanya. Siguro nga natatabunan na yung tweet ko. Pero sa tuwing may nakikita akong may pinapansin siya na fan sa twitter, masakit. Pero masaya naman ako para don sa napansin niya. Alam kong sobrang saya nila.

Kung mapapansin niyo, hindi ako nagpapicture kay Sheriff at Daquioag. Sabi ko nga sa first chapter, si Kevin Ferrer lang talaga habol ko minsan. Fangirl eh. Pero kung magkakalakas loob naman akong lumapit sa kanila at sabihing "Pwede pong papicture?", bakit naman hindi?

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

Diary of a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon