March 5, 2013

37 0 0
                                        

Ash Wednesday.

Dismissal Time.

Pinag-iisipan namin kung saan pwedeng kumain dahil Ash Wednesday, bawal ang meat. Dumeretso na lang kami sa McDo. Bumili yung kaibigan ko ng fries. Fries = Potato I think that's fine. Pero isa lang siyang umorder. Nagkkwentuhan lang kaming mga hindi kumakain.

May dumaan.

Naka-black shirt at slacks.

Kevin Ferrer! ♥ Kahit na sa bintana ko lang siya nakita, kahit na lagpas na at nakatalikod na siya nung nakita ko, kahit na medyo naninibago pa rin ako sa bago niyang hairstyle, alam ko siya yon.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Gusto kong lumabas ng McDo, habulin siya, lapitan siya at magpapicture pero umiral na naman yung "okay na sakin yung nakita ko siya" at wala talaga akong lakas ng loob para lapitan siya.

Pagkatapos ng ilang minuto...

"Ayan na ulit siya!" sabi ng kaibigan ko.

"Huh?" sabi ko naman.

Tumingin ako sa bintana kung saan sila tumitingin. At nakita ko ulit si Kevin Ferrer. Pero this time, naka-commerce uniform na siya. Pero pinatong lang niya yun sa black shirt niya. Siguro kinuha niya yung polo niya sa kotse niya tapos tinamad na siya pumunta sa CR kaya pinatong na lang niya kahit black shirt yung pangloob niya. Ako lang ba napopogian sa mga basketball players tuwing nakikita ko silang naka-school uniform? ((Please say no, hahaha)) Parang ang ayos kasi nila tignan. Yung tipong ibang iba yung suot nila. Yung tipong hindi sila naka-jersey at pawis na pawis. Parang ang bango nila tignan. ((Pero for sure, mabango talaga sila ♥)) Syempre napangiti ako kasi nakita ko ulit siya. Habang nakangiti ako, nakatingin ako sa kanya. AND

HIS EYES MET MINE AGAIN!!! ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ :"> ANG GWAPO NIYA TALAGA!!! Alam ko mukha akong baliw na nakangiti doon habang nakatingin sa kanya. Pero siya lang naman ang rason pag ngiti ko eh. :) Cheesy pero totoo! Hindi na naman ako lumabas ng McDo para abangan siya. Buong buo na araw ko. Pinasaya niya yung araw ko kahit sobrang nalungkot ako nung umaga. Nawala lahat yun dahil sa kanya. Kaya sana, lagi ko na lang siya nakikita para lagi na lang akong masaya!!! ((For sure, di lang ako napapasaya niya ♥))

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary of a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon