Chapter Three - III: Metallica

198 4 1
                                    

‘Nakakainggit naman iyong babaeng nakasama raw ni Prince Cleff sa Storage Section ng Ancientix Tower.’

‘Grabe, nakulong raw sila doon at buong gabing magkasama. Sana naman walang ibang ginawa ‘yong dalawa, ‘no?’

‘Hay naku, sana lang dahil kung meron man at kung hinalay ng walang hiyang babaeng iyon ang prince charming ko, ‘wag na ‘wag siyang magpapakilala sa’kin!’

Iyon lamang ang tanging laman ng tsismisan at kwentuhan ng halos lahat ng kababaihan sa kapiterya  ng West Wing. Mapapansin talagang lahat sila ay galit na galit sa babaeng nakasama kuno ng kanilang prince charming na si Prince Cleff.

“Grabe pala ‘yang kapatid mo, Caldina. Halos lahat ng kababaihan dito sa MageFrells baliw na baliw sa kanya. Kulang na lang magpatayan pa sila sa harap mismo ni Prince Cleff.” Litanya ni Ellarfa sa kaharap na si Caldina. Kanina pa sila naroon sa kapiterya at iyon pa rin ang laging bukambibig ng bawat kababaihang naroon.

“Hay, eh di magpatayan lang sila,” pabiro namang saad ni Caldina.

“Eh sino ba iyong babaeng kasama niya nang buong gabi? Kilala mo ba?” naiintrigang tanong ni Ellarfa.

“Ewan, hindi ko rin kilala. Wala pa namang nababanggit sa akin ang kapatid ko tungkol sa bagay na iyan.” Sagot ni Caldina.

“Si Frankielle!” biglaang sambit ni Ellarfa na halos ikagulat ni Caldina. “Frankielle!” tawag nito sa gawing likuran ni Caldina.

Lumingon naman si Caldina sa kanyang likuran upang doon ay mapagsino ang babaeng kasama ng babaeng marahil na tinutukoy ni Ellarfa na Frankielle, walang iba kundi ang pinsan niyang si Callista.

Lumapit naman sina Callista at Frankielle sa kinaroroonan nina Caldina at Ellarfa.

“Tara, sabay na lang kayong kumain sa’min!” alok ni Caldina. Mabuti na lamang at pang-apatan ang mesang kanilang kinaroroonan. Kanina pa kasi hanap nang hanap sina Callista at Frankielle ng mauupuan dahil okupado na ng lahat ng mga estudyante ang mga lamesa.

“Ah Caldina, siya pala si Frankielle,” pagpapakilala ni Ellarfa, “kasamahan ko siyang student assistant, sa silid-aklatan din siya ng Ancientix Tower nakadestino. Nag-aayos siya ng mga libro doon.”

“Masaya po akong makilala kayo ng personal, Princess Caldina,” malugod na bati ni Frankielle.

 Gumanti naman ng ngiti si Caldina. “Callista,” baling nito sa pinsan, “si Ellarfa, nagkakilala na kayo minsan, ‘di ba?”

“Ah oo, noong unang araw ng pasukan.” Nakangiting sagot naman ni Callista saka naupo sa tabi ni Caldina. Si Frankielle naman sa tabi ni Ellarfa.

“Teka, ba’t hindi mo kasama sina Carrina at Camilla, Callista?” tanong ni Caldina.

“Nandito ako!” dinig nilang anas ng isang babae sa kanilang likuran. Kapwa naman lumingon sina Caldina at Callista.

“Camilla, nariyan ka pala,” ani Callista, “si Carrina, nasaan?” tanong niya.

Inilapag ni Camilla ang hawak na bandeha ng pagkain sa mesa. Naghanap siya ng bakanteng upuan at sa kabilang mesa nakita niya ang babaeng maghahatid sana kagabi ng pagkain ni Frankielle sa Storage Section. Ang student assistant ni Mistress Diva Devyussa na si Natasha Song. Nilapitan niya ito at sinundan naman siya ng tingin ng apat na sina Caldina, Callista, Frankielle at Ellarfa.

“Hoy ikaw!” mataray sa sigaw ni Camilla kay Natasha na talaga namang kumuha pa ng atensyon ng ilang estudynate, “hindi ba ikaw ‘yong student assistant ni Mistress Devyussa?” paninigurado niya.

“A-ako nga po, Princess Camilla.” Medyo takot na sagot ni Natasha.

“Ipinapatawag ka niya sa’kin, ngayon na mismo!” ani Camilla. “Kaya sige na, umalis ka na! Layas! Bilis!”

Pyragonn: The Elemental ForcesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon