Κεφάλαιο III

28.7K 806 501
                                    

Jeremiah Lancin

"Sabi ko sa'yo, Ming, eh," palatak ni Kanor sa akin pagkaalis namin doon sa address na ibinigay ni Don Hugo sa amin. Ngayon ko napatunayan na mula noon at hanggang ngayon ay masama pa rin ang ugali ni Nike Victoria Manzanares. Akalain mo 'yon, hindi man lang nagpasalamat pagkatapos namin siyang tulungan nang ma-flat ang isang gulong ng kotse niya. Pangalawa at panghuli ay ni hindi man lang kami hinarap ng matino, hinayaan lang kaming mabilad sa mainit na araw at sa labas pa ng malaking tarangkahan! Wala man lang pakunsuwelong malamig na tubig at basta na lang kaming pinaalis, parang walang manners! "Sabi ko, hintayin natin si Señorita Byin para may kakampi tayo."

Nagbuntonghininga nalang ako dahil tapos naman na ang nangyari, wala kaming nagawa dahil ang pangit ng welcome party para sa akin. "Nasa Spain pa yata si Vien, tsaka 'wag na natin siyang istorbuhin lalo pa at nag-aaral siya roon."

"Edi, paano na 'yan ngayon? Ang sabi pa naman ni Señor ay ito ang unang araw mo pero ganito ang nangyari. Baka namukhaan ka?"

Umiling ako saka tumingin kay Kanor. Parang alam ko na yata. "Baka napagkamalan kang adik? Tingnan mo nga mga mata mo, kulang nalang ay luluwa na sa kapupuyat mo. Bold pa!"

"Gago mo naman!" Reklamo niya na ikinatawa ko. Natakot yata ang apo ni Señor sa mukha ni Kanor, mukha naman kasing adik itong kaibigan ko. Paano naman kasi, laging puyat dahil sa pagbabantay sa 24/7 na panaderia sa bayan namin. Pero malayo naman sa pagiging adik, judgemental lang talaga 'yong isang apo ng señor. "Gago mo naman, Ming. Ginawa mo naman akong hayok sa bold. Ano ba 'yon?"

"Mukha mo," asar ko. Ngumisi lang siya at inaya ko nang umalis. Babalik na rin kasi ako sa unibersidad dahil mamayang ala una ay orientation naming mga transfer students. Hindi nga lang kami magkasama ni Emrei ngayon dahil may meeting daw siya kasama ang mga ka-club niya. At dahil transferee ako, kailangan kong um-attend dahil requirement ito sa department namin.

Naghiwalay kami na kami ng landas ni Kanor sa may Kalayaan dahil babalik na siya sa Sta. Catalina, lumuwas lang siya para dalhin ang ilang mga kagamitan ko na naiwan sa bahay. Nang mawala na sa paningin ko ang jeep na sinakyan niya ay saka lang ako bumalik sa JSU, mabuti nalang at medyo familiar na rin ako sa mga pasikot-sikot rito sa unibersidad. Pinasyal ako ni Em last week para hindi na raw ako mawala kapag hindi ko siya kasama katulad ngayon.

May mga kaklase akong kasabayan sa orientation mamaya, sina Roz, Summer at Mikee na kapwa ko Education majors din. Nakapila kaming apat ngayon para pumirma sa attendance sheet ng morning activities kanina. Habang naghihintay sa turno namin ay nag-uusap muna kami about sa mga experiences at expectations in life namin, lalo na at nakapasok kami dito sa prestihiyoso at pamosong institusyon na ito.

"Teka, sino sa inyo ang nasa dorm?" Tanong ko sa kanila.

"Ako hindi," sagot ni Summer, "nasa may Gozon lang ako nakatira at malapit lang dito, mga fifteen minutes lang."

"Ako naman ay nakatira kasama ng kuya ko sa may Galatea, malapit sa Yellowcab," sagot naman ni Mikee.

Bumaling ako sa kaliwa ko, kay Roz na nakatingin ng mataman sa akin. "Ikaw, dorm or bahay?"

"Bahay, sa may Leto Extension, medyo malayo-layo siya pero one ride lang naman," sagot niya.

Natigil kami sa pag-uusap nang sumenyas si Mikee na kami na daw ang susunod na pipirma, pagkatapos ay dumiretso kami agad sa Olympus Building, ang pinaka-malaking building dito sa JSU. Dito makikita ang student mall, student center, book office, at ang May Sine Café. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano no'ng nabasa ko ang pangalan ng canteen, kahit saan ako tumingin, wala naman akong nakikitang sine dito.

Victoria Manzanares (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon