Κεφάλαιο IV

25.7K 760 497
                                    


Mabilis lang pala ang araw rito sa ciudad, hindi katulad sa probinsya na mabagal at huli sa pagbabago ng panahon. Parang kailan lang ay nasa Sta. Catalina pa lang ako at nag-iisip ng mga plano para sa kinabukasan ko; ngayon ay meron nang kapatutunguhan ang lahat ng mga panalangin ko. At ito na nga, matatapos na ako sa pag-aayos dahil ngayong araw ang simula ng Org Fest ng unibersidad.

May naiisip na akong sasalihan pero hindi ako sigurado na matatanggap, balita ko kasi ay may kwalipikasyon pang ipapasa para maging miyembro. Pero, may gusto naman akong sasalihan na ibang club.  Medyo excited na nga ako na may halong kaba para sa araw na ito.

“Hey, what are you still doing here?” bungad ni Emrei na kapapasok pa lang sa kuwarto namin. Tapos na siguro ang cheer practice nila dahil nagpalit na siya ng damit. “Gumayak ka na, bes.”

“Kailangan ba na maging maaga?”

“For me, yes. Boring clubs na kasi ang matitira mamaya kapag hindi ka pa aalis ngayon.”

Tumango nalang ako at tinapos na ang lahat-lahat. Kinuha ko ang sling bag at tinanong siya, “eh, ikaw, hindi ka ba pupunta sa Org Fest?”

Umiling siya sabay dapa sa kama, “tapos na ako, renewal lang naman sa mga former members na gusto pang manatili sa club. But there’s one new I was eyeing kanina pero, magpapahinga muna ako. I’m so tired.”

“Sige, iwan na kita. Kita-kits mamaya!”

Nagpaalam na ako sa kaniya at lumabas na ng room namin. Sinigurado ko munang lock ang pinto bago naglakad sa harap ng elevator. Agad naman itong bumukas at pumasok na ako, huli ko nang mapansin na may sumunod pala. Pagkasara na pagkasara ng pintuan ay para kaming nanalamin, ang linis kasi. Bahagya ko tuloy namukhaan ang kasama ko.

Siya ‘yong nasa dulong kuwarto, nalimutan ko na ang pangalan pero alam kong sikat siya sa buong JSU. Siya rin ‘yong laging kasama ng kaklase kong si Jia Anastacio sa Economics subject namin. Gusto ko sanang batiin pero mukhang busy sa pagtitipa sa cellphone.

Naramdaman niya yatang may nakatingin sa kaniya at napaangat siya ng ulo, mabilis naman akong yumuko at saktong tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko. Nang tingnan ko, may dalawang mensahe akong natanggap galing kay Summer at kay Louisse Quirino na kaklase ko sa World Literature.

Kumunot ang noo ko kasi blanko ang mensahe galing kay Summer, napindot lang siguro. Sinunod ko naman ang kay Louisse na basahin, sabi niya ay magkita nalang kami sa field. Bigla na naman akong natawa dahil naaalala ko kung paano kami nagkakilala.

World Literature ang subject ko ngayon at medyo marami-rami kami kasi halos Business majors ang mga kaklase ko.

Classmates ulit tayo?”

Luminga ako, isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin. Hindi ko pa alam ang pangalan niya pero sigurado akong kaklase ko siya sa dalawang subjects. Lumapit siya sa akin at tumabi.

“World Lit, ano?”

Tumango ako, “meron ka rin nito?”  siya naman ang tumango. Pareho kaming natawa. “Uy, ‘buti naman. Hindi na ulit ako loner.

“Oo nga, eh. Hindi ko kasi kinuha to dati kaya lang, need na talaga dahil graduating na ako.”

“Wow, mabuti ka pa at malapit na sa finish line. Ako, third year pa. Tsaka, bakit pala hindi mo ‘to kinuha dati? Terror ba ang prof?”

Nagkibit-balikat siya, “pwede, si Professor Arlene Badili lang naman ang may hawak ng subject na ‘to.”

Marahas akong napalinga sa kaniya. Seryoso ba siya? “Hala, wala bang iba? Siya rin kasi sa ibang major subjects namin.”

Victoria Manzanares (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon