Jeremiah LancinAng mainit at mausok na siyudad ang sumalubong sa akin kanina nang makarating ang sinakyan kong bus sa terminal ng Gibraltar. Pasado alas nueve na kasi ng umaga kaya naman ay tirik na tirik ang haring araw sa umagang ito. Dumagdag pa ang suot kong makapal na jacket na namana ko pa kay tatay, kaya naman ay halos naligo na talaga ako sa sariling pawis, lalo nang makapasok na ako dito sa loob ng Justice Sinclair University. Pagkatapos ko kasing ma-settle ang mga gamit ko sa transient house, dito ako agad dumiretso. Kaso, hindi ko naman inasahan na mas may ikakainit pa pala ang araw na ito lalo nang makita ko kung gaano kahaba ang pila sa Registrar's Office.
Medyo sumasakit na nga ang mga paa ko sa pangangalay pero hindi ko ito ininda kahit na may mga estudyanteng sumisingit sa unahan. Sa dati kong pinapasukan ay hindi naman ganito kahaba ang pila every enrollment o kahit nga sa pagbabayad ay hindi talaga. But I can't blame JSU, this university is one of the leading schools in terms of academic and excellence throughout the country and Asia. At dahil sa dami ng estudyang pumila dito ngayon mapa-bago o luma, umabot ng halos isang oras ang pila bago ko makuha ang study load.
Umupo muna ako saglit sa isang bench para tingnan ang mga subjects na siyang ipapasa ko sa semestre na ito, lima lang pala ang nakuha ko dahil ang iba ay may pre-requisite na sa first semester lang makukuha. Medyo madami din palang credited na subjects mula sa dati kong unibersidad kaya kaunti nalang ang natitira. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti lalo pa at kaunting kembot nalang ay magtatapos na ako sa kolehiyo sa susunod na taon.
I actually stopped from college for a year dahil nagkasakit ang nanay at kinailangan kong maghanap ng pera para may pambayad at pambili sa mga gamot niya. Kung ano-anong raket ang pinasukan ko hanggang sa ipatawag ako ni Don Hugo Manzanares, ang pinakamayamang don sa bayan namin sa Sta. Catalina. Siya ang may-ari ng pinakamalawak na lupain at ang kaniyang Hacienda Victoria ang naging tahanan namin noon. Nanilbihan sa kaniya ang mga magulang ko bilang mga magsasaka ng ilang dekada bago mawala ang tatay. Mabait at matulungin si Señor sa kahit na sino kaya naman ay sobrang mahal na mahal siya ng kaniyang mga nasasakupan at ng buong Sta. Catalina.
Kaso hindi yata namana ng isang apo ni Señor ang kabaitang taglay niya. Lahat ng puwedeng maisip kong puwedeng ilarawan kay Victoria Manzanares na pangit ay naisip ko na — suplada, masungit, walang modo, pasmado ang bibig. And to top it all, her bitchiness is immeasurable.
Mabuti pa si Señorita Vivienne, ang half-sister niya, maganda na ay mabait pa. Siya ang tunay na nagmana sa matandang don at sana sa kaniya ako itinalaga ni Señor para maging bodyguard. Kaso, sa isang apo ako napunta, kay Victoria na walang ginawa kundi asarin ako sa taglay niyang katarayan sa katawan.
Señor Hugo offered me the chance to finish my studies in exchange, bantayan ko daw ang spoiled granddaughter niya. Hindi ako nagpatumpik-tumpik pa at pumayag agad ako dahil 'yon ang pangarap ko — ang makapagtapos sa pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Huli ko nang naitanong sa kaniya kung ano ang kapalit, kaya ito ako ngayon, hindi pa nga nagsisimula ay pagod na pagod na akong mag-isip kung ano ang magiging kahinatnan ko sa mga susunod na araw.
Napailing nalang ako, nandito na ako, gampanan ko nalang ang role ko bilang babysitter ng pinakamataray na babaeng nakilala ko. Hay, ang init talaga. Pero hindi man lang alintana ng ibang estudyante ang nagbabagang sikat ng araw. They were walking like ants under the scorching sun.
Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang mga stalls ng iba't-ibang produkto na nakahilera sa gilid ng isang matayog na building, nasa anim yata ang palapag nito. Binilang ko ang mga gusaling nakita ko, anim ang mga ito at hindi pa kasama iyong simbahan at ang isang building na nakikita ko sa 'di kalayuan.
BINABASA MO ANG
Victoria Manzanares (UNEDITED)
Teen FictionDate started: January 19, 2017 Date ended: August 13, 2017 **[Highest Rank Achieved: #2 in LGBT, #2 in GXG, #1 in lovewins]** Just your typical mythical bitch meets promdi girl story but with a twist. OR NOT.