CHAPTER 3

7.1K 188 10
                                    


THE SECRET                                    

Pagadating ni Assunta sa kaniyang silid ay nalungkot ito at labis na nasaktan, iniisip niya na sana siya na lang si Lara nung mga gabing iyon.       

"Ano kaya ang pakiramdam ng halikan ni Jerico? hay sana ako na lang si Lara." 

......        

Makalipas ang ilang araw.

Nagtungo sa bakuran si Elena at kinukuha niya ang kaniyang mga sinampay na mga damit.
Maya maya ay lumapit si Asunta upang tulungan siya nito.

" Tulungan ko na po kayo."

" Salamat iha."

" Eh Tiyang may gusto po sana ako itanong sa inyo ?"

" Ano yon ?"

" Tungkol sa sinabi niyo sa akin?"                      
"Ano yon?"

"Yung tungkol sa benditas po."

Ng sinabi ito ni Asunta ay napahinto sa ginagawa si Elena ..

"Kalimutan mo na yung sinabi ko sayo Asunta, di totoo yon!"

Maya maya ay dumating si Celia.

" Magandang hapon po!"

" Celia, napasyal ka?" Sabi ni Asunta

"May sasabihin lang ako sayo."

"Halika doon tayo sa loob,....... tiyang don lang po kami."

Umupo sila sa sala.

"O anong sasabihin mo?"

"Naiinis kasi ako dyan kay Lara, mula ng sila ni Jerico ang yabang yabang na niya eh at Alam mo ba, isasama ni Jerico si Lara sa Maynila, gagawin daw niyang model, diba may agency si Jerico doon."

"Anong Agency?"

"Naghahanap siya ng mga model para sa mga commercial at magazine, si Jerico ang may ari at sikat daw yun sa Maynila."

"Mabuti naman at may maganda ng trabaho si Lara kahit hindi pa siya tapos mag aral."

"Mabuti nga pero lalong yayabang na naman yun akala mo kung sino, e ikaw mag papa enroll ka ba sa pasukan?"

"Matagal pa naman ang pasukan pero Hindi ko alam, baka huminto na ako."

"Bakit naman?"

" Baka di na ako kaya pag aralin ng Tiyang."

"Ano balak mo ngayon?"

Hindi nakakibo si Asunta dahil meron siyang ibang iniisip...                         

"Sa tingin ko iiwan din sya ni Jerico pag nabuko ugali nya, pagkaharap nya si Jerico parang di sya makabasag pinggan pero huwag ka pag hinalikan na sya ni Jerico di nya mapigilan sarili nya." Sabi ni Celia.                                                                                                                                                                                          
"Hayaan mo na si Lara, masaya na sila. "

.......

Sumunod na mga araw ay sinabi rin ni Elena kay Asunta ang kanilang buong lihim tungkol sa Benditas at kung papano makukuha ito ng ligtas.

" Totoo po ba ang lahat ng yan?"
" Totoo lahat yan ngunit tandaan mo, kapag nakapag desisyon ka ng pumunta doon ay huwag mong kukunin ang enigma, may susunod sayo at gaya ng sinabi ko sayo may masamang maidudulot ito!"
" Opo, nauunawaan ko po tiya Elena."

The Creepy Statue of Kasandra 2 'The Model"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon