CHAPTER 6

6.3K 165 7
                                    




Nung gabing iyon, natutulog na si Elena at Oscar ngunit gising pa din si Asunta, nasa silid siya at kinuha niya ang benditas at kaniya itong pinagmasdan.  

"Hindi ko akalain na mayroong ganitong bulaklak."    

Makalipas ang ilang sandali ay kinuha ni Asunta ang enigma at kumuha siya ng posporo at nagpunta ng kanilang bakuran sa may likuran nito.

Natatakot si Asunta habang ginagawa niya ito, natatakot siyang baka magpakita sa kaniya ang Estatwa ni Kasandra.

Nilakasan niya ang kaniyang loob, Binuksan niya ang garapon ng enigma at itinapon niya ang mga laman nito sa sahig at sisindihan niya ng posporo ngunit biglang may narinig siyang himig ng piano " Do mi fa la so " ..
At ng nawala ang himig ay nakarinig sya ng mga yabag ng isang matigas na bagay...TIk...TIK....TIK..... Narinig na niya ang mga himiig ng piano at yabag na iyon ng siya ay nasa gubat, nanginig ang kalamnan ni Asunta sa takot, nararamdaman nyang papalapit si Kasandra, at biglang nagpakita ang estatwa ni Kasandra sa kaniyang harapan.

Nakatayo ito at nakatingin ng masama sa kaniya.

Napasigaw sa takot si Asunta, "ahhhhhhh" ngunit walang nakakarinig sa kaniya, at napaatras siya sa sobrang takot , at bigla siyang napatakbo papasok sa loob ng bahay at kinandado niya agad ang pinto at nagpunta ng silid, takot na takot si Asunta.

Nagtalukbong siya ng kumot.Humangin sa paligid ng silid.
Maya maya ay dahan dahan niyang inalis ang kumot na nakatakip sa kaniyang mga mukha at tumingin siya sa paligid, at laking gulat siya sa kaniyang nakita..

Nakita niya ang garapon ng enigma na nakapatong sa tukador.Nagtaka si Asunta kung papano napunta iyon doon.Nagtakip ulit ng kumot si Asunta...

"Bakit napunta ulit yung enigma dito? " nagtatakang sabi ni Asunta sa sarili.

At nawala na ang hangin at tumahimik ang paligid..

At makalipas ang ilang sandali siya ay nakatulog.

Kinabukasan ay binigyan si Asunta ni Elena ng pera upang makapag umpisa sa Maynila.

"Ang laki naman nito tiyang."

"Kulang pa nga yan, mahal bilihin sa Maynila, basta pagdating mo doon maghanap ka agad ng mauupahan mo, meron daw doon na mga lady bed spacer, yun ang hanapin mo at maghanap ka ng trabaho."

"Opo, salamat po tiyang di ko po makakalimutan ang mga bilin ninyo sa akin ni tiyo Oscar."

"Tawagan mo ako sa cellphone ko pag nandon ka na, makitawag na ka muna at pag may trabaho ka na bumili ka at tawagan mo ako madalas."

"Opo Tiyang."

"Mga nasa pitong oras ang biyanhe kaya mga bandang alas dos ka na ng hapon makakarating doon." at nag paalamanan na sila at sumakay na si Asunta ng tricycle papuntang bayan para sumakay ng bus papuntang Maynila,

Habang nasa tricycle si Asunta ay binuksan niya ang kaniyang bag at kinuha niya ang garapon ng enigma at kanya itong binuksan at inihagis sa daan, itinapon na din niya ang garapon.

"Hindi kita kailangan!!" Sabi ni Asunta at kaniya itong itinapon.

Pagdating sa bayan ay kumuha ng pambayad si Asunta sa kaniyang bag at ng kaniya itong buksan ay laking gulat niya na nandoon ulit ang garapon ng enigma.

......

Pagsakay ng bus ay natatakot siya sa enigma, hindi niya alam ang gagawin para mawala na ang mga ito.
Naisip ni Asunta na hindi na niya maaaring itapon o sunugin ang enigma dahil bumabalik pa rin ito sa kaniya.

........

Nakaupo si Jerico sa kaniyang magarang opisina ng nag ring ang telepono, tumatawag ang kaniyang sekretarya.
May ari si Jerico ng isang modelling and advertising agency.

"Hello." sagot ni Jerico.

"Sir nasa linya po si Mr. Hudson." sabi ng sekretaryang si Jessica.

Nasorpresa si Jerico.

"Wow talaga, ok kakausapin ko."

Pinindot ni Jerico ang telepono.

"Hello sir, what a surprise! what can I do for you?" masiglang sabi ni Jerico.

Habang nag uusap sila ni Hudson sa telepono ay may mga ngiti sa mukha si Jerico at excited siya sa mga sinasabi ni Hudson sa kaniya.

"Oh this is great sir, Thank you so much, you can count on me sir! "

Masayang masaya si jerico ng ibinaba niya ang telepono.

"Yes! " masayang sabi ni jerico sa kaniyang sarili, tinawag niya ang kaniyang sekretarya.

"Sir?" Sabi ni jessica.

"This is great, tawagan mo ang mga models natin at pati na rin ang mga manager , mag papa audition tayo ngayon."

"Ngayon na po sir?"

"Yup! Sa akin kumukuha ng model si Hudson "

"Talaga sir wow!"

"Imagine H&G beauty product sikat sa buong mundo, sa atin nakikipag transact, at ang company na rin natin ang gagawa ng production para sa commercial "

"That's nice!"

"Yes this is it! kapag naging successful ito, this is an opportunity para mapenetrate ko ang international market, kaya kailangan yung pinaka magandang model ang maipakita sa kaniya, ayokong mapahiya kay Hudson kaya sasalain kong mabuti ang mapipili "

"That's amazing sir, iisa isahin ko na po sila tawagan ngayon."

Paglabas ni Jessica ay huminga ng malalim si Jerico at masayang masaya ito at sa sobramg excited ay tinawagan niya si Lara upang ibalita.Isa ng modelo si Lara at kinuhanan ni Jerico ito ng sariling condo, walang balak maki pag live in ni Jerico kay Lara dahil ni minsan ay hindi niya ito ginagawa sa mga nakaraang kasintahan niya.

"Talaga? Sigurado na ako ang kukunin mong model para dyan diba sweetheart?"

Hindi agad nakakibo si Jerico, alam niyang maganda si Lara ngunit may iba siya na iniimagine na isang babae na babagay sa magiging model ng product na iyon, ngunit hindi niya alam kung saan siya makakatagpo ng ganoong klase ng babae.

"Sweetheart ako ang kukunin mo diba?" Inulit ni Lara ang kaniyang sinabi.

"Ah eh, pasensya na, kasi ang kailangan yung maputi, morena ka at napakaganda mo pero hindi morena ang kailangan sweetheart."

"Hmmn sige na nga, marami pa naman akong naka linyang mga photo shoot at commercial, pero sayang international pa naman yan."

"Una pa lang to sweetheart, marami pang susunod, ang importante eto na ang umpisa for international."

"Congrats, miss na kita."

"I'll see you tonight."

"See you I love you."

The Creepy Statue of Kasandra 2 'The Model"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon