Kinabukasan ay pinanonood nila Jerico at mga staff ang commercial at ang lahat ay nakatulala sa sobrang ganda ni Asunta.
Matapos nilang panoorin ay binati nila si Jerico.
"Sir congrats! Ang ganda sir siguradong matutuwa si Mr. Hudson kapag napanood niya yan."
"Salamat sa inyong lahat."
Maya maya ay dumating si Hudson..
Pagdating ni Hudson ay si Assunta kaagad ang kaniyang hinahanap.
"Good morning! Sir" sabi ni Jessica.
"I need to see Ms. Assunta."
Pinapasok ni Jessica si Hudson sa loob ng conference room kung saan naroon si Jerico at pinakita sa kaniya ang commercial video, at habang pinapanood ito ni Hudson ay lalo siyang nag aasam na makita si Assunta.
Inutusan ni Hudson na kunin ng kaniyang mga staff ang kopya ng video commercial na yon ni Assunta upang maumpisahan ng maipalabas sa tv sa ibang bansa.
"I love it, where is she? I want to see her right now!"
Nagkatinginan ang mga staff ni Jerico, bilin nito na hindi na maaaring makita ni Hudson si Assunta, ngunit wala syang nagawa at pinagbigyan ni Jerico si Hudson at sinama niya ito sa kaniyang silid kung saan naghihintay si Assunta.
Pagpasok ng silid ay nilapitan agad ni Hudson si Assunta at hinawakan sa mga kamay at hinalikan sa pisngi. Walang nagawa si Jerico sa ginawa ni Hudson nagtimpi na lamang ito.
"Mr. illustre I want to take her out for dinner, please fogive me, I'll be leaving soon."
Tumingin si Asunta kay Jerico.
"Well ok then, pero hindi kayo maaaring magtagal ok." napilitan na sabi ni Jerico, naisip nya na aalis na si Hudson pabalik ng Amerika kaya pinagbigyan na nya ang hiling nito.
Masayang masaya si Hudson ng pumayag si Jerico.
.........
Habang nagdidinner sina Hudson at Asunta sa isang restaurant ay naghintay naman si Jerico sa coffee shop na katabi ng restaurant na yon, salamin ang mga haligi nito kaya nakikita niya sila sa loob.
"This is crazy, I dont know how to say this." sabi ni Hudson kay Asunta.
Nakatingin lamang si Asunta sa kaniya.
"I love you and I want to marry you, come with me to America, I'll make you happy."
"No Sir I cant."
"Dont say that or I'll die , I'll be crazy over you!"
Hinawakan ni Hudson ang mga kamay ni Asunta, ayaw na niyang pakawalan ito, nararamdaman ni Hudson na hindi siya gusto ni Asunta at hindi ito maaaring mangyari, matindi ang gayuma ng mga benditas, mababaliw ang lalaki sa kaniya kung hindi niya ito mamahalin.
Napatayo si Assunta, napansin niyang ayaw na siyang pakawalan ni Hudson.
"Im sorry!" Sabi ni Assunta at tumalikod siya ngunit hinabol siya ni Hudson at pinagyayakap.
"Asunta don't do this to me, tell me that you love me, I can't let you go !"
Nagpupumiglas si Assunta..
...
Samantala nakita ni Jerico mula sa coffee shop na kanyang kinauupuan ang mga nangyayari, nandilat ang kanyang mga mata sa kanyang nakita at pinuntahahan agad ito ni Jerico.
Nang nakita siya ni Assunta na humahangos palapit ay pinilit niyang bumitaw kay Hudson at lumapit kay Jerico at niyakap siya nito..
Lumapit si Hudson at pilit na hahawakan si Assunta..
At tinulak niya si Hudson.
"What is wrong with you Mr. Hudson?"
Matapos sabihin ito ni Jerico ay umalis na sila ni Asunta,
Nagwawala si Hudson sa loob ng restaurant at pilit niyang aabutin si Asunta ngunit pinigilan ito ng mga guard..
...
Pagdating nila ng condo ay hinalikan agad ni Jerico si Assunta at unti unti nitong hinuhubad ang kaniyang mga damit.
"You know, mababaliw ako sa kagandahan mo, ngayon ko lang naranasan to, mahal na mahal kita."
Napapikit si Asunta ng hinahalikan siya ni Jerico sa buong katawan at unti unting inaalis ang kaniyang suot na damit.
Ngunit ng malapit ng gawin ito ni Jerico ay narinig na naman ni Assunta ang himig ng piano.
Napasigaw si Assunta at naitulak niya si Jerico.
"Bakit? Ano nangyari?"
Hindi masabi ni Asunta ang kanyang narinig, alam niyang magpapakita na si Kasandra.
Tinakpan nila ang kanilang mga katawan at naupo sa dining.
Nakatakip ng tuwalya ang ibaba ni Jerico at sinuot naman ni Asunta ang kaniyang robe.
Kumuha si Jerico ng juice sa ref.
Kinakabahan si Assunta na baka siya sapian ni Kasandra at si Jerico ang gawing biktima.
"Ano ang nakita mo? May nakita ka bang halimaw?"
"Wala, naalala ko lang yung mga nakaraan na nakita natin."
"ligtas tayo dito kaya huwag ka ng mag isip ng ganyan,"
Niyakap niya sa bewang si Assunta at hinalikan siya nito sa kaniyang leeg.
Napapapikit si Assunta sa ginagawa ni Jerico at napapakagat siya ng labi,
At biglang Nakita niya si Kasandra na nakatayo sa tabi.At nang kaniya itong nakita ay napabitiw siyang muli kay Jerico.
"Sorry Jerico,"
At nahiga na sa kama si Assunta at nagkumot.
......
Kinabukasan ay nagpunta si Gail at Jake sa opisina ni Jerico..
Ngunit hindi ito pumasok ng araw na iyon.
"Wala po ngayon si Sir."
"Maaari bang makuha ang kontak number niya nais lamang namin siyang makausap?"
"Regarding saan?" sabi ng babae sa lobby desk, nagkatinginan si Jake at Gail.
"Ah sa kaniya na lamang namin gusto itong sabihin, babalik na lamang kami salamat."
At lumabas na sila ng building.Pagkasakay nila sa kotse..
"Papano kaya natin makakausap si Sir Jerico."
"Sa tingin mo ba matutuwa siya sa sasabihin natin, mukhang girlfriend niya yung babae, magagalit pa sa atin yun."
"Alam ko, pero kailangan niyang malaman to."
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 2 'The Model"
HorrorSi Assunta ay ang nakababatang kapatid sa ina ni Kasandra. At sya ang sumunod na nakaalam ng lihim ng kanilang pamilya. At kaniyang ginamit ang kambal na bulaklak kung kaya't sya ay gumanda ng walang katulad. Kaniyang pinaibig ang lalaking pinapang...