Zach
"Ano na ngayon ang Plano mo?" Tanong sila ng tanong sakin kaso Hindi ko rin alam Kaya Hindi ko nasasagot.
"Dapat yung bongga, zach. Para sure na mapapasagot mo sya. Why not being her service? Fetch her then paguwian, ihatid mo sa house nila." Sabi ni Kate pero Hindi sakin nakatingin kundi sa salamin Nya at May nilalagay na kung ano sa mukha Nya.
"Tsk. Ang kulit! Sabi na ngang ginawa ko na yan kanina kaso sabi ng katulong nila Maaga daw syang umalis. Tska Hindi mo na Kailangang ipaalala sakin ang bagay na yan dahil matagal ko ng naisip yan." Sabi ko habang nakasandal sa sofa ng cafe at nakapulupot ang mga kamay sa isat isa.
"Okay!" Tanging nasabi Nya pagkatapos Nya sa ginagawa Nya.
"Pero mas okay narin talaga yung bongga para sure nga namang magiging kayo. Tska guys--" Hindi na natuloy ni Ingrid ang sasabihin nya ng biglang naubo si mikey. Hindi ko na dapat sya titignan kaso nagsalita sya. "Sorry. Nabulunan lang sa sarili kong laway." Kala ko naman kung ano. Psh! Di naman tinatanong.
"Pero kahit wag naman yung sobrang 'BONGGA', yung mga simpleng panliligaw lang. Magiging kayo parin naman kahit Anong mangyar-- kahit Anong gawin mong panliligaw. Sino ba namang babae ang Hindi mahuhumaling sa isang zach Perez?" Dagdag pa Nya.
"Nako mikey! Ang sabihin mo, nababakla ka nanaman dyan sa BestFriend mo!" Biglang sabat ni Keith.
"Tapos zach, pag naging kayo na.. Magpa-party ka!" Dagdag pa Nya. Maya maya lang bigla nalang napatayo at nahampas ni Clifford yung lamesa na para bang amazed na amazed.
"Wow naman! Nagsalita ka Keith? At himala wala pala ngayon ang mahiwaga mong headphone. Tinapon mo na? Anyare brad?" Pagkatapos Nya yun sabihin, umupo na rin sya. Hindi nalang sya pinansin ni Keith.
Oo nga! Parang may nagbago sa aura Nya.
Maya-maya pa bigla nalang nagkatinginan si Kate at ingrid.
"Naiisip mo ba kung Anong naiisip ko, Kate?" Tanong ni Ingrid Kay na nakatingin parin sa isa't isa. Tumango naman si Kate na may makahulugang ngiti. At sabay pa silang tumayo at palabas na sana ng bumalik ulit si Kate.
"Sorry guys, mauna na kami. We have something important to do." Pagkasabi ni Kate non Naglakad na sila paalis pero may pahabol pa si Clifford.
"May isa ka pang subject ah! Pero 10 minutes pa bago mag start yun!" Sigaw Nya. Pinagtinginan pa sya ng ibang Tao dito Sa cafeteria kaso nabalik din sa ginagawa nila ng tignan sila ni Clifford ng masama. Hindi nalang sya pinansin ni Kate at tuloy tuloy parin sa paglabas.
May naisip nanaman sigurong kabaliwan yung dalawa.
"Naiisip nyo ba kung Anong naiisip ko?" Tanong ni Clifford na parang ginaya pa ang pwesto kanina ni Ingrid pati rin yun boses.
"Kailangan mo Muna magkaroon ng isip para maisip rin namin na may naiisip ka pala." Sabat ni Keith na syang dahilan para tumawa si mikey.
Tinignan naman ni Clifford si Keith na para bang Hindi makapaniwala. Tinignan rin sya Nung isa at tinaasan ng kilay na para bang hinihintay yung sasabihin ni clifford.
"A-ako? Hoy Keith! Lamang ka lang ng isang ligo sakin" sigaw ni Clifford habang turo-turo pa ang sarili Nya. Inilingan nalang sya ni Keith at hanggang ngayon tawa parin ng tawa yung isa. Mga baliw!
Nauna na akong lumabas sa kanila dahil naririndi Nako sa pagbabangayan Nung dalawa. Pagpasok ko Tska saktong nagbell, umupo naman ako agad sa upuan ko.
BINABASA MO ANG
You Will Be Mine
Teen FictionGaano mo kakilala ang iyong karelasyon? At sino ang nakakaalam ng katagang 'Pain makes people change'? Paanong change, in a good way or bad way? Pag naloko kana ba Kailangan manloko ka rin ng iba? (SaranghaeOppa_291)