Mikey Shin
Paglabas Nung dalawang babae ay umalis narin kami.
"Sabihin nyo nga sakin, ano bang sinabi kong Mali at umalis bigla si Kate?" Tanong ni Clifford na halata sa muka ang kyuryosidad. Tinignan lang sya ni zach habang nakapamulsa at binalik na ulit ang tingin Nya Sa daan.
Nagkibit Balikat Naman si Keith at sinuot nalang ang headphone Nya na nakasabit sa batok Nya.
Nilapitan ko naman si Clifford at inakbayan kahit mas matangkad pa sya sakin.
"Ganyan talaga ang mga babae, Clifford. Wag mo kasing masyadong kulitin. Hintayin mo nalang. Kasi medyo nakakairita nga naman kasi yon." Sabi ko sa kanya habang nakangiti.
"Oo na! At kung pwede ba, dumistansya ka ng konti? Kung ayaw mong masapak." Tinanggal ko naman ang pagkakaakbay ko sa kanya. Napakabayolente talaga netong lalaki nato. Kaya linggo-linggong nagkakapasa eh.
Naghiwahiwalay na kami ng makasakay na kami.
Kay zach Nako sumabay, Tutal parehas lang naman kami ng subdivision pati rin si Kate. Yung tatlo naman nasa kabilang subdivision pa.
Paguwi ko ng bahay dumeretso agad ako sa kusina at kumuha ng makakain tsaka ako umakyat sa kwarto ko.
Nasabi naba ni zach kung sino kami sa buhay Nya? Parang Hindi. Ang tahimik kasi eh. Except kung kasama Nya si Heidee. Pero kahit Hindi sya nagsasalita kapag kami ang kasama Nya, Siguro pinapatay Nya na kami sa isip nya.
So.. Eto na nga.
I'm mikey shin 16 years old. BestFriend ako ni zach Simula pagkabata. Dahil Simula kindergarten mag kaklase na kami hanggang ngayon. Ay, Hindi pala! May isang beses na Hindi kami magkaklase yung second year kami. Yung napunta sya sa star section at ako naman pang second lang.
Wherein naging kaklase Nya si Heidee. Kahit paganyan-ganyan lang si zach, akala mo Hindi nakikinig sa mga teachers.. May tinatagong Talino naman sya sa katawan Nya. Parang si Keith.
Si zach seryoso lang sya, walang imik. Pero Minsan nagiging makulit din pero dalawang beses lang ata Sa isang taon. Ayaw Nya Sa maingay o makulit. Pero ipakita mo lang na mabait ka, bibigay rin sya.
Sa tingin ko ako ang pinakaclose nya saming magkakaibigan dahil ako ang BestFriend Nya. Pero ewan Hindi naman Nya sinasabi. Ewan ko nga kung alam ba nyang kaibigan Nya kami eh.
Pero.. Ako nga pala talaga ang pinakaclose Nya. Bestfriends eh. Hahaha!
Sabi nila para na daw akong tanga dahil lagi nalang akong Masaya parang si Ingrid.
Wala namang Masama dun diba? Mas masayang mabuhay kung walang problema.
Isa lang naman ang problema ko eh. Yung lovelife ng BestFriend ko.
Masyado syang umaasa na magugustuhan rin sya ni Ingrid, Kaya Nung nalaman Nya na pwede na syang manligaw umabot hanggang tenga ang ngiti Nya pero balik rin sa original 'poker face'.
Ewan ko kung bakit sya ganyan, yung parang walang pake sa mundo. Hindi nga kasi sya nagkukwento. Pero Minsan nagsasabi rin sya. Siguro kapag naramdaman Nya na sobrang curious namin o Kaya nakukulitan na sya Kaya napipilitan syang magsalita.
At ang sinasabi Nya, naiinis daw sya sa mga magulang Nya. Lagi lang yon ang sinasabi Nya.. Walang explanation. Kaya yun lang ang pinanghahawakan ko.
Parehas lang sila ni keith na masyadong tahimik at may tinatagong kababalaghan. Este katalinuhan.
Pero mas wild si Keith compared to zach. Kaya mas gugustuhin mo nalang na nasa isang sulok lang sya palagi at nakikinig ng music sa mahiwaga nyang headphone.
Pag natripan Nya kasing magingay, talagang maingay. Wala syang tigil sa kadadada o sa kakatawa.
At ang mas malala, pagnatripan nyang pagtripan ka. Hindi sya titigil hanggat hindi ka umiyak.
Pero ang mas madalas nyang matripan ang pagiging 'emo'. Pero marunong rin syang makipagaway, parang si clifford.
Pero mas malala si Clifford. Yung aabot na sa puntong aakalain mong isa syang leader ng gang kung Hindi mo sya lubusang kilala. Linggo-linggo nalang syang may kaaway at buti nalang Hindi araw-araw.
Hindi ata sya titigil kung Hindi sya Mao-ospital at ma 50:50.
Proud pa nga syang may kabugbugan sya. Tska Pasaway rin sya. Hindi sya natatakot sa mga teachers Kaya palagi rin syang na ga-guidance.
Halos lahat ng estudyante takot dun sa tatlo. Sakin lang Hindi. Mabait kasi ako.
Pero Hindi naman sa Hindi sila mabait, syempre mababait sila.. Sobra! Magiging kaibigan ko ba sila kung Hindi?
Takot sila Kay Clifford kasi baka mabugbog. Takot sila Kay Keith kase baka mapagtripan.
At takot sila Kay zach kasi.. Ewan ko!
Basta takot lang daw sila. Kahit kami rin Minsan natatakot sa kanya. Tignan ka lang Nya eh, Basta nakakatakot yung pagiging tahimik Nya. Hindi naman sa may gagawin syang Masama sayo.
Basta pag tinignan ka Nya, ayos lang na wag ka ng magsalita. Pero! Hindi sya multo.
At isa pa, may iba rin namang mga estudyante na Hindi natatakot sa kanila.
Merong Hindi natatakot kasi ginagawa lang nilang joke yung ganong side nung tatlo. Hindi nalang nila pinapansin. Dahil alam din naman nilang mas gusto namin na Hindi sila kinatatakutan.
At ang iba namang Hindi takot, literal na Hindi takot. Kasi sasabayan pa nila yung tatlo.
Pag galit si Clifford, lalo pa nilang gagalitin. Pag nangtrip si Keith, gagantihan din nila. At pag Hindi na talaga kumibo si zach, lalo pa silang magiingay para lalo pang mabwiset yung isa.
Kung may pare-pareho man kaming ugali, yun yung marunong makipagbasagan ulo. Pero Hindi ko masyadong nilalabas yun dahil Hindi naman ako agad-agad nauubusan ng pasensya.
Nagkataon lang na niramble na yung sections Kaya magkakaklase kami ngayon. Section 1 lang ang Hindi binago.
Panong ramble? Yung merong matatalino at Hindi as isang section. Parang heterogenous, ganon.
Naging magkaklase rin naman kami Nung grade 6 pero Hindi kami naging close non. Naging close talaga kami Nung naging magkakapitbahay kaming apat. Ako, si zach, sya pati si Kate. Kaso lumipat din sila sa kabilang subdivision kung San nakatira si Keith at Ingrid.
Dun din ata nakatira yung crush ni Keith na Sandra lim ata yung pangalan. At parang classmate namin sya. Naririnig ko Lang na binabanggit yung pangalan Nya Sa room.
Si Clifford, may gusto daw talaga sya Kay Kate kaso Hindi Nya yun sinasabi sa dalawang babae. Pangpaparinig lang ang ginagawa Nya pag andyan si Kate. Ewan ko lang kung nakakahalata sila, baka nga nandidiri pa si Kate.
Si Keith ang gusto Nya si Sandra na kaklase DAW namin na Hindi naman namin kilala pero baka nakita na namin sa personal kaso Hindi ko lang alam kasi Hindi rin namin alam ang itsura.
Pero ng dahil sa kaklase naman DAW namin sya makikilala rin namin sya. 2nd day palang naman Kaya ok lang.
Ako? Siguro ang crush ko si Ingrid. Ewan ko? Niloloko ko lang naman sya dun sa 'ikaw Ingrid, kailan moko papayagang manligaw?'
Pero kung papapiliin ako, si Ingrid ang pipiliin ko.
Mukang barbie. Pero Hindi ako naglalaro nun. Cute, mabait, masayahin, matalino. Wow! Alam ko pala ang mga bagay na yun? Pero Hindi naman kasi sya mahirap magustuhan.
Si zach? Obvious namang si Heidee.
1st time nyang manliligaw kasya sigurado akong kinakabahan at excited na sya. Hindi lang halata dahil Hindi Nya pinapakita.
Masyado na akong Maraming sinabi, daldal ko kasi. Makaligo na nga lang.
BINABASA MO ANG
You Will Be Mine
Fiksi RemajaGaano mo kakilala ang iyong karelasyon? At sino ang nakakaalam ng katagang 'Pain makes people change'? Paanong change, in a good way or bad way? Pag naloko kana ba Kailangan manloko ka rin ng iba? (SaranghaeOppa_291)