Crazy

9 0 0
                                    

The next day nagkita kita kami, nakita ko si tiara, then tinanong ko sya kung ok na sya, sabi nya naman ok na daw ang pakiramdam nya, ganun din naman si kylie halos nag enjoy nga sya kahapon eh. Pero nung time na kinamusta kona si kelsey, yung image nya ganun padin, i mean, tulala, tahimik, walang imik, nung time nga na nag start na yung klase nagsusulat naman sya tapos maya maya nakatulala nanaman, hanggang sa matapos yung klase namin, ganun padin sya, naguguluhan na talaga ako, simula talaga nung time na nangyari yung insidente na yun na may lumabas sa screen ng videoke, at nakita ko din ang nakita nya, hindi na nagbago si kelsey, wala na akong alam sa nangyayari sakanya, di na naman sya nagsasalita, pag tinatanong ko sya, palagi nyang sinasagot ok lang naman daw sya, kaya pinapabayaan ko nalang. After class namin, lumabas na kami ng school, at nung time na maghihiwahiwalay na kami para umuwi biglang nagsalita si kelsey:

"Gusto ko mag videoke!" sabi nya habang nakatulala padin.

"Pero Exams na bukas, kelangan natin mag aral!" sabi ko.

"Gusto ko mag videoke!" 

"sa ibang araw nalang kelsey, marami pa kasi tayong kelangan gawin!" sabi ni kylie.

after non, biglang naglakad papalayo si kelsey, hindi ko alam kung uuwi na sya, pero nung mapansin ko kung saan patungo yung direksyon nya, bigla kong naisip papunta sya sa may videoke bar.

"wag mo ng pansinin yun si kelsey, pabayaan mo nalang sya" sabi ni tiara.

"oh, pano mauna na kami umuwi, Bye!" paalam ni kylie.

"bye din sainyo, ingat pag uwi!" sabi ko.

after non hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi kaya ng konsensya ko na pabayaan si kelsey, kaibigan ko sya, sa kabigan kase, alam mo yung feeling na sila yung taong mahal na mahal mo kahit hindi mo ka ano ano?! yun ganon ang ako kay kelsey, at sa iba ko pang kaibigan, isa sya sa mahalaga sakin, halos ituring ko nadin syang parang kapatid ko! sya din ang pinaka close ko sa lahat. Sinundan ko kung saan papunta si kelsey, at nung time na yon, feeling ko yun na ang pinaka maling nagawa ko sa kaibigan ko, ang samahan sya sa videokehan. gusto kong pagsabihan si kelsey, gusto ko syang sigawan, pagsaabihan ko sya na parang kapatid, hanggang sa matauhan sya, pero di ko magawa, parang may pumupigil sakin, parang inaantay ko pa yung susunod nyang mga gagawin bago ko sya pagsabihan, di ko na alam kung anong nangyayari sakanya, feeling ko nababaliw na sya na ewan dahil dun sa babaeng nakita nya sa screen ng Videoke. pero this time kalmado lang ako kasama sya habang papunta kami sa videokehan, pagpasok namin nag rent kami ng room, just the same room 206 padin at si kelsey pa mismo ang nagrequest non sa counter. at nung nakapasok na kami, nakaupo lang kami, nag click sya ng isang song tapos nakatitig lang sya sa harap ng screen hindi kumakanta, then nung time na parang biglang nagloloko na yung screen nya kagaya nung nangyari last time, bigla pa syang lumapit papunta sa screen. tapos sinubukan ko syang pigilan papalapit sa harap ng T.V screen.

"wag kelsey! wag mong gawin yan!" this time nilakasan ko na yung loob ko para pigilan at pagsabihan sya, pero nagulat nalang ako ng bigla nya akong inalis yung kamay ko at tinulak nya ko, at napaupo ako sa sofa at hinawakan nya ko sa balikat para pigilan tumayo.

"wag mo akong pipigilan! nandyan na sya!" sabay tingin sya dun sa may screen.

bigla kong inalis yung kamay nya sa balikat ko " wag kang magpadala sa mga nakikita mo! tumigil ka, umayos ka kelsey! masama na ang nangyayari sayo"

"tumigil ka Carinaaa!" sinakal nya ko na sobrang higpit halos hindi na ako makahinga, sabay balik tingin sya dun sa screen at nag appear yung black girl, bigla nya akong binitawan at tumawa sya ng malakas, yung para bang halakhak ng demonyo, natatakot ako na baka sumapi na sa katauhan ni kelsey ang black girl na yon! pagkatapos nyang tumawa biglang lumabas yung black girl dun sa T.V grabe lang! muntik na ko mahimatay sa takot!. Paalala lang pala hindi po sya si Sadako or what ha! iba sya! iba sya kay sadako na lumalabas sa screen ng T.V. ang nakita ko kasi sa black girl na ito ay mahaba ang suot na itim, maputi ang mukha, tapos yung buhok nya gulo gulo na sobrang haba hanggang bewang nya. pagkatapos non sinakal nya si kelsey! hanggang mapahiga ito sa sahig, sumigaw si kelsey sa sobrang higpit ng pagkakasakal sakanya, tapos tumatawa yung black girl ng malakas na para din demonyo!, nilapitan ko sya at pilit syang inaalis sa pag kakasakal nya kay kelsey, natatakot ako na baka mamatay at may mangyaring masama sa kaibigan ko! at sobrang laking pagsisisi ko pag nangyari yon! pero ang nangyari tinulak nya ko at napahiga ako sa sahig, ang lakas nya, feeling ko di ko sya kayang labanan, bigla akong nanghina sa pagtulak nya sakin, sumakit ang likod ko, narinig ko nanaman yung boses nya na humahalakhak, palakas sya ng palakas, nakakabingi sobra! at sa sobrang lakas non biglang sumabog yung switch at namatay ang lahat ng ilaw, ang natira lang ay yung mga emergency lights, biglang naglabasan lahat ng tao, at unti unting nag fe fade yung tawa ng black girl at biglang lumakas yung hangin sa loob, at nung time na yon nakita ko si kelsey at nilapitan ko. thanks god at wala na sa tabi nya yung babaeng nakaitim na sumasakal sa kanya, umuubo sya ng lapitan ko at may nakita akong mga luha na tumutulo sa mga mata nya.

"kelsey! ayos ka lang ba?! umuwi na tayo, umalis na tayo dito!"

"Carina! i'm so sorry!" pagsabi nya habang umiiyak, at niyakap nya ko ng sobrang higpit.

"it's ok Kelsey!, wala na yung babae, nilayuan kana nya" naiiyak nadin ako sa sobrang pag aalala ko sakanya, at niyakap ko din sya ng mahigpit.

"Tara, umalis na tayo!" sabi ni kelsey na nagmamadali sa pagalis.

lumabas na kami at hinawakan sya ng mahigpit, at simula non hindi na kami bumalik pa sa Bar na yon, nung mga sumunod na araw, naging maayos na ang lagay ni kelsey, hindi na sya tulala, bumalik na yung sigla at saya nya. at simula rin non na trauma na sya mag videoke! kaya pag may party sakanila hindi na sya kumakanta nakikisaya nalang sya sa iba nya pang  mga kaibigan. laking tuwa ko kase maayos na ang kaibigan ko, at sana hindi na maulit yon, maayos na ang lahat, ayoko ng may dumagdag at may mangyari pang iba. masaya na ko at nakakasama ko na sila ng maayos! bumalik na yung dating sigla at saya ng magkakaibigan. sana hindi na mawala to! Ganon ko kase sila ka mahal eh. :)

                                                                                      The End 

Videoke Room 206Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon