Black Girl

12 0 0
                                    

Pagkatapos kong kumanta si Kelsey na yung sumunod. Habang kumakanta sya kami naman nagsasayawan, nakakaaliw kasi yung pinili nyang kanta, kakawala ng stress! dahil sa sobrang kakulitan nya di nya na napigilan sumayaw nadin sya habang kumakanta ahahaha! mag baliw ko talagang kaibigan oh! ang sarap sa feeling na may kasama kang ganito, di bali ng konti lang sila, atleast totoo naman sila sayo.

kumakanta si Kelsey at kami naman nagsasayawan sa likod nya. Mayamaya bigla syang napatigil tapos ako unang nakapansin sakanya, habang si Tiara at Kylie parang baliw parin na nagsasayaw, hindi nila napansin na parang nasisira yung videoke, napansin ko kase na nag napatigil si kelsey sa pagkanta at natulala sya sa TV screen, tapos napatingin ako sakanya at dun sa videoke, na parang nag rerewind yung mga scene sa TV ng videoke. Tapos bigla syang nag blackout then may lumabas na isang Black Girl sa Screen. biglang napaupo si kelsey sa nakita nya, tapos inalalayan ko sya tumayo, napansin kami ni tiara at kylie, tapos biglang namatay yung Videoke. nung makatayo si kelsey..

"Nakita nyo ba yon?"

"Ang alin?" sabi ni kylie.

"yung babae sa Screen!"

"wala ah, ang alam lang namin kumakanta ka" sabi naman ni tiara.

"bakit namatay yung Videoke? anyare?!" tanong ni kylie.

"wala, nagloko lang ata siguro" sabi ko.

tapos after that monent biglang nagbukas ulit yung videoke and this time nasa maayos na ulit sa hindi na sya nagrerewind. Tatawag na sana kami ng crew para ipacheck pero, bago pa namin gawin yon, bigla nalang nagbukas ulit yung videoke na parang wala namang sira.

"oh ok naman pala eh!, kanta kana ulit" sabi ni kylie.

"oo nga, ang gaganda ng kanta mo eh, nakakaaliw kaya Go na ulit!" sabi naman ni Tiara.

"ayoko na!, may nakita talaga ako promise!" sabi ni Kelsey na sobrang takot sa nakita nya "Babae na nakaitim!,  nakita nyo ba huh?!"

"wala talaga kaming nakita friend! diba noh?" tingin samin si kylie na parang ineexpress nya na wala din kaming nakita.

"Tama na, siguro, oras na para umuwi tayo. siguro mga pagod na tayo, tara uwi na tayo." Sabi ko.

"mmm sige, sabagay, malapit na din mag gabi, kelangan na natin umuwi, baka matraffic pa tayo." sabi ni Tiara.

after non lumabas na kami ng kwarto at nagbayad ng nirentahan naming videoke. hinawakan ko sa braso si kelsey hanggang paglabas ng videokehan, nag aalala kasi ako sakanya, kahit ako din kase nakita ko yung nakita nya at kinilabutan sa takot, pero hindi ko nalang sinabi kayna tiara at kylie kahit si kelsey hindi rin alam na nakita ko ang nakita nya, baka humaba lang yung usapan, kung pag tatalunan pa namin yung bagay na yon. kaya pinalipas ko nalang at sinabi ko na umuwi nalang kami.

"Thank you mam, Come Again!" sabi nung lalaki sa counter.

nung palabas na kami ng videoke-han binalikan ko ng tingin yung lalaki sa counter, tapos nakatingin din sya samin habang palabas kami, at bigla ko nanamang naisip kung bakit yung room 206 na yon ay hindi nila pinaparentahan even though maayos naman yung room na iyon.

Videoke Room 206Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon