Nung araw na yon, Birthday ng isa kong kaibigan na si Tiara, inimbitahan nya kami sa bahay nila syempre para kumain, bonding nadin kahit araw araw naman kami magkakasama. At kinabukasan non ay Sabado napagplanuhan namin na mamasyal kung saan saan, para pampalipas oras man lang kahit minsan, araw araw nga kami magkakasama sa school pero syempre hindi sa lahat ng oras magsasaya kami, syempre kelangan din mag seryoso sa pagaaral, kelangan eh! syempre buhay College nga naman. napagisipan namin na sa Mall nalang magpunta. Nag window shopping kami, tumigin ng mga pang girl stuffs, naglibang at naglaro sa quantum, at ng nakaramdam kami ng pagod nagpahinga muna kami saglit at kumain sa Food Court. Pagkatapos non, balak na sana namin umuwi, pero biglang nagrequest si Kylie na magpalipas muna kami ng oras sa Videoke, yung iba ko namang kasama bigla din nag agree sa sinabi ni Kylie kaya napilitan narin akong sumama. di na talaga dapat ako sasama, dahil sa sobrang pagod ko, pero dahil mga kaibigan ko naman ang kasama ko, kahit saan pa yan, basta magkakasama kami, masaya ako, tyaka naisip ko na minsan lang din naman tong bonding namin kaya susulitin kona.
***
At pumunta ng kami videoke-han at lumapit si Kylie sa Counter kung saan mag rerent ka ng isang Room for Videoke.
"Hello mam, Good Afternoon" sabi nung lalaking naka assign dun sa Counter.
"Ah yes may available pa ba na Videoke room for 4 persons?"
"Ah Please wait mam, Check ko lang po" then lumabas yung lalaki dun sa counter para mag check ng available room for Videoke. Actually malalaman naman agad kung may available ba na room, kase may nakalagay naman sa taas ng door kung Occupied ba sya o hindi.
"Oh mam Sorry, pero wala na po kaming vacant room for videoke, all of our rooms are Occupied."
"wala na talaga?, ahmm, siguro we'll just wait nalang."
"Ok mam"
Dun sa tabi ng Counter may mga upuan, umupo muna kami, si Tiara pumunta dun sa gilid dahil may call sya kaya pumunta sya don para makakuha sya ng signal. Medyo kulog kasi dito, tapos yung mga ilaw dim light pa, kaya medyo masakit din sa mata. pagkabalik ni Tiara, sabi nya samin may nakita daw syang vacant room dun sa dulo, kaya lumapit si Tiara sa counter para makipag usap.
"Ahm Excuse me?! sabi mo walang available na room para magvideoke, pero bakit parang may nakita ako na Vacant dun sa dulo yung Room 206?"
"Ah mam sorry di po namin pinaparent yung kwarto na yon."
"sayang naman pero, payagan mo na kami na kunin yon sige na, naiinip na kasi kami eh"
"mam sorry hindi po talaga pwede, ah eh, madumi po kasi dun at di pa nalilinis sorry po mam"
bigla rin lumapit si Kylie sa Counter para pilitin yung lalaki na payagan kami dun sa room na yon para makapag videoke na kami. sabay nilang pinilit yung lalaki na pumayag, at di nagtagal, pumayag nadin yung lalaki, pumunta sya dun sa room na yon para Linisin at ayusin, then pinapasok nya na kami. Nakita ko mukha namang maayos yung room, pero naisip ko kung bakit di nila piaparentahan ito?, pinabayaan ko nalang pagod narin kasi ako, ayoko na magisip, kaya nagsaya nalang ako kasama sila. Pagkapasok namin umorder kami ng snacks and drinks good for 4 persons, para habang nagkakantahan kami, may pulutan kami, para di nakaka Gutom. Then after mag order, nagsimula na kami magkantahan, nauna si kylie kumanta, sumunod si Tiara, ako at ang huli si Kelsey. ang sarap talagang kasama nitong mga to. minsan pag kasama ko sila di mo maalis ang pagka PDA eh! Public Display of Abnormality! AHAHAHAHA! XD!

BINABASA MO ANG
Videoke Room 206
TerrorPaano mo matutulungan ang isa mong kaibigan na Sinapian ng isang Ligaw na kaluluwa? Matutulungan mo ba siya? o Papabayaan nalang?