Monday ngayon, syempre nagkita kita nanaman kami, more chikahan, lalo na si kylie na pala kwento palagi, at sinabayan pa nitong si tiara na madaldal din. Pagkatapos kong makipag kwentuhan sa kanila, tinabihan ko naman si kelsey, pero nung time na umupo ako sa tabi nya tulala lang sya, yung para bang sa lahat ng mga ligalig namin kanina at ingay namin, patay malisya lang sya, di ko maintindihan naguguluhan ako :(
"Kelsey ok ka lang ba?" tanong ko sakanya, pero hindi sya nagsasalita, yung parang meron syang pinagmamasdan don sa kabilang gilid ng park.
"Guys! anong nangyari kay kelsey?" tanong ko naman kay tiara at kylie.
"Di namin alam, basta pagpasok nya, ganyan na sya" sabi ni tiara.
"kinakausap namin sya pero di naman sya sumasagot eh" sabi naman ni kylie
Hinawakan ko sa magkabilang braso si kelsey at iniharap ko ang mukha ko sakanya at tinanong sya.
"Kelsey, ok ka lang ba huh? may problema ba? ano? paguusapan natin. tell me please! im so worried!.
after 5 seconds humarap sya sakin at nagsalita sya.
"Wag kang mag alala, ok lang ako."
"Sure? kase hindi ako Comportable pag ganyan ka, bawal ang sad sa magkakaibigan, remember? basta pag may problema ka magsabi ka lang, nandito naman kame eh ok?"
di na sya sumagot ng mga oras na yon, tapos bumalik nalang ulit sya ng tingin kung saan sya nakatingin kanina. grabe ngayon lang to nangyari sakanya, di ko to expect, di ko alam kung napano to si kelsey eh, yung salita nya malumanay, mahinhin ang dating, tapos parang wala pa syang tulog. yung para bang sa istura nya, parang mukha syang may sakit. Naisip ko wala naman tong boyfriend kaya bakit sya mag eemote ng ganyan, napaisip din ako na baka may problema sya sa pamilya nya kaya sya ganyan, o di kaya dahil to sa nangyari nung sabado sa videoke-han, hay nako ang dami kong naiisip.
"nako pumasok na tayo sa classroom baka ma late pa tayo, Go!" sabi ni tiara.
"kalma ka lang Carina, matatauhan din yan si kelsey, baka stress lang yan, dont panic!" sabi naman ni kylie.
tapos tumayo na kami, habang papunta kami ng classroom tulala padin si kelsey, kasabay ko sya maglakad, tapos si tiara at kylie naman ang magkasabay. habang naglalakad kami biglang nagsalita si kelsey.
"Gusto ko mag videoke! punta tayo don gusto ko kumanta, Gusto ko magvideoke!"
after nya magsalita napatigil sa paglalakad sa unahan sina kylie at tiara, tapos nagkatinginan kaming tatlo, at napatingin kami kay kelsey. lumapit si kylie sakanya at hinawakan sya sa magkabilang braso.
"uy te, umagang tapat! videoke? ok kalang?" sabi ni kylie habang natatawa sya.
"ano te? hanggang ngayon may hang over padin? di maka get over?" sabi naman ni tiara.
pagkatapos non tulala lang si kelsey, di sya sumasagot, nagpasya na lang ako na pumasok kami sa classroom, pero nung time na nasa klase na kami, habang nagtuturo ng lecture yung prof. namin napansin ko nanaman si kelsey na tulala, tapos nung nasusulat na kami ng notes, nag ikot ikot yung prof namin at napansin sya, hinarap pa nga ng prof namin yung ulo nya sa harap, tinanong sya ng prof namin kung san sya nakatingin pero di sya sumasagot. di ko na talaga alam kung anong nagyayari sa kaibigan ko na to.
after class, pauwi na kami magkakaibigan tapos bigla nanaman nagsalita si kelsey na gusto nya daw mag videoke, tapos nagulat nalang ako nung time na bigla din nag agree si tiara at kylie sa sinabi ni kelsey, syempre wala na akong magagawa kaya sumama nalang din ako, pero sabi ko sakanila na wag kaming magpagabi masyado, dahil may pasok pa kami kinabukasan.
at eto na nga, nandito na ulit kami sa videoke-han. si kylie na ang pumunta sa counter para makipagusap, pero this time babae na yung naka assign sa counter hindi na yung lalaking dati naming nakita.
"Hi! Good afternoon may vacant room pa po ba dito?"
"yes mam meron pong dalawang vacant room kakatapos lang pong gamitin."
"gusto ko sa room 206!" biglang sabi ni kelsey pagkatapos magsalit nung babae sa counter.
nagulat nalang ako nung nagsalita sya, kahit si kylie napatingin din sakanya. yun din kasi yung room na ni rent namin dati nung huling punta namin dito, hindi ko alam kung bakit ni request ni kelsey yon, di ko na talaga alam, medyo pagod nadin kase ako.
"yes mam vacant po yung room na yon."
"oh, tara Go!" sabi ni tiara, na naunang nagpunta sa room na yon, na parang excited.
nasa room 206 na kami, syempre kantahan nanaman actually si kylie at tiara lang ang kumakanta, tapos ako naman nakikisayaw lang sakanila, di na ko masyadong nagharot dahil nagaalala padin ako kay kelsey, kase yung itsura nya, nakaupo lang sya, walang pakelam, walang imik, at nakatitig lang sya dun sa screen ng videoke, tulala nanaman, yung para bang may inaantay sya. nung napatingin ako sa screen kung san nakatingin si kelsey bigla kong naalala yung time na nakita ko kung anong nakita ni kelsey yung Black Girl, kinikilabutan ako na di ko maintindihan, then habang kumakanta si tiara, biglang nagloko yung videoke, nagloko sya kung ano yung nakita ko dati. tapos biglang napatayo si kelsey at lumapit dun sa harap ng screen.
"ayan na sya!" sabi ni kelsey.
"hey what happend?" sabi ni tiara
"baka naman maluwag lang yung Connection sa likod." sabi ko. sabay lumapit ako sa likod ng screen ng videoke tapos tinignan ko yung wire baka maluwag lang, pero wala di padin sya naayos, then habang inaayos ko yung wire nya, bigla akong napatingin dun sa sahig sa likod ng videoke, para kasing may nakadikit na papel, tapos may nakasulat na di ko maintindihan, tapos may parang plato sya na lagayan then sa tabi nya may kandila. sa sobrang takot ko sa naisip ko, bigla kong napaiwas sa videoke, tapos di ko alam nasa likod ko pala si kylie, nahawakan nya ako sa balikat ko.
"Ano, ok ka lang?" sabi ni kylie. "wag mo na ayusin yan, papatawag nalang tayo ng crew para maayos yan."
tatawag na sana sya ng crew ng bigla nyang napansin si tiara na nakaupo at parang namimilipit.
"Tiara, ok ka lang?!"
"tiara anong nangyari?" tanong ko.
"wala to, nilalamig ako, bigla akong gininaw, anlamig dito." sagot ni tiara. "Gusto ko na umuwi."
bigla akong napatingin sa relos ko nakita ko 6 pm na, at nagpasya na kaming umuwi, bawal kaming gabihin.
"o sige na, tumayo kana kunin nyo na yung gamit nyo, aalis na tayo, kelangan na natin umuwi." sabi ko.
"pero ang aga pa, mamaya na!" sabi ni kelsey na nakatitig padin sa screen ng videoke habang nasisira.
"kelangan na natin umuwi halika na tara na!"
kinuha ko ang gamit ko at gamit nya at hinila ko na sya palabas, sumunod nadin si kylie at tiara. until now, di padin mawalay yung tingin ni kelsey dun sa screen, para talaga syang may inaabangan, di ko na talaga maintindihan ang nangyayari sakanya kaya umuwi nalang ako, naghiwahiwalay na kami at umuwi na din sila.
BINABASA MO ANG
Videoke Room 206
KorkuPaano mo matutulungan ang isa mong kaibigan na Sinapian ng isang Ligaw na kaluluwa? Matutulungan mo ba siya? o Papabayaan nalang?