~Behind Those Achievements~

17 1 0
                                    


"And the Champion for Division Wizardry Competition is no other than Pia Santos from Margian Archaic Academy!"

Si Pia Santos ay ang aking kaklase. Oo, siya ay nagmula sa Section 1-Erudite. Ang seksyon na kinabibilangan ko. Ang seksyon na ginagalang ng marami. Ang seksyon na hinahangad ng halos lahat na makapasok. Ang seksyon na binubuo ng mga "matatalinong" estudyante.

"Congratulations Section 1-Erudite! You made it all! All of you have passed the 3rd Erudite's test! As your Adviser, I'm so privileged to handle a section of smart students! Keep up the good work guys! Dahil lahat kayo ay nakapasa lahat kayo ay makakatanggap ng award!"

Yes. Nakapasa kaming lahat. Pero hindi nila alam kung paano. They didn't know how others pass the test. Ang alam lang ng mga tao ay lahat kami nakapasa. Ganyan naman palagi eh. Yung front lang yung palaging nakikita. They didn't even bother to know the real reason behind. Alam niyo kung bakit? Kasi wala naman silang pakialam.

Makakatanggap kaming lahat ng award? Psh. Hindi ko alam kung masaya yung iba kung kaklase eh. Ay oo nga pala masaya sila pero ang tanong ko, paano nila nagagawang maging masaya?

"Alam mo bang maraming tao ang nangangarap na makapasok sa Section na yan? Kahit makapasok lang sa Margian Archaic Academy, malaking blessing na yun! Kaya dahil nakapasok ka, wag mong sasayangin yung opportunity ha?"

Yes. Ganyan din ako noong una. I feel so blessed dahil nakapasa ako. Hindi ko naman sinasayang yung opportunity. Pero once na nakapasok ka na. Kapag na-experience mo na, alam mo na kung anong nangyayari at mga kalakalan sa seksyon niyo. Ayaw ko sa ginagawa ng iba. Masama. Alam mo yung nangyayari sa loob. May alam ka na hindi alam ng iba. Nakakaguilty yung feeling eh. Yung alam mong may magagawa ka pero natatakot ka. Binigyan ako ng pagkakataon na maayos yung lukot sa seksyon niyo. Pero hind ko ginawa. Binigyan ako ng pagkakataon na maituwid yung baluktot. Pero hindi ko ginawa. May gusto akong gawin pero may pumipigil sa kaloob-looban ko. Atsaka paano mo mababago ang isang grupo kung ang iba sa kanila ay hindi mismo nakikisama? How can you change a group when some of the members doesn't even care?

"As expected from this section, naibigay niyo na sakin ang inyong mga projects kahit malayo pa ang deadline."

Ito pang isa. Siguro para sa ibang tao mabuti ang makapasa ng projects ng advance. Marami pa silang hindi alam tungkol sa seksyon namin.

"Talaga? Ang swerte mo pala at nakapasa ka sa Entrance Exam at Interview para sa qualifiers sa Section 1-Erudite. Ang tatalino pala ng mga kaklase mo. Siguradong maguguide ka din diyan."

Matatalino? Yes. Matatalino ang mga kaklase ko pero madalas nila itong ginagamit sa masama. Madalas nila itong ginagamit para sa pakinabang ng kanilang mga saril. They use the gift of God in a wrong way, which is bad. They're so cruel.

Every Nerd's LifeWhere stories live. Discover now