~What Really Happened~

17 1 0
                                    


Section 1-Erudite

People used to differentiate us from other students. Iba ang  tingin nila samin. Tingin nila samin kami ay perpekto. Tingin nila kami ang mag-aangat ng bayan namin. People respect our section a lot. They think of us as role models. They think that other students should be like us.

But for me, as only one of the forty-two students who knows of what is really happening. I think it is much better if students would not follow our steps.

Role Models? Really?

No way. There's no such way that we should be called role models. Students should learn how to be honest. Students should not learn of how to take advantage of someone's weaknesses. Students should respect their teachers. Students should not lie and they're supposed to tell the truth. Students should not learn from us.

Actually hindi ko naman nilalahat. May iba rin namang mabubuti ang kalooban at ginagawa ang tama.

Pero di ko tinatanggi na most of us, gumagamit ng masamang paraan.

We are not what it seems to be.

Matatalino? Yes. But most of us are cruel.

Masisipag mag-aral? Hindi lahat.

Priority ang pag-aaral? Hindi din lahat. May iba na mas inuuna ang love life nila kesa ang pag-aaral. May iba na mas inuuna ang pag-fafacebook. May iba na mas iniintindi ang computer games. May iba na mas gustong makapag-wattpad kesa mag-aral kaya ang ending mukhang si Pou na hindi inalagaan.

Huwarang Estudyante? Definitely not.

Responsable? Hindi din.
Aral, aral, puro aral? Mas lalong hindi.

Palaging ginagawa ang assignments? Ginagawa nga, pero madalas copy paste. Minsan yung ibang tao pa ang gumagawa kahit napakasimple lang naman pero nagawa pang ipasa ang sariling gawain sa ibang tao. Katulad na lang ng sa projects. Pinapahirapan pa ang ibang tao kung kaya naman mismo nilang gawin.

Libro ang palaging kaharap? Nope. Madalas cellphone ang kaharap.

Teachers pet? Yung iba sadyang plastik lang talaga. Ang galing umarte sa harap ng mga teachers. Yung iba pinanganak na sigurong sipsip.

Madalas perfect ang tests? Minsan oo, minsan hindi. Kapag maraming nakaperfect ibig sabihin may isa, dalawa o tatlo ang source ng information at yung iba ay yung mga messengers na nagpapasa ng impormasyon. Answer ng isa, answer ng lahat. Mahahalata mo naman yun eh. Kung aling number nagkamali yung isa madalas dun din nagkakamali yung iba. Kaya minsan halos magkakapareho lang ng scores. Unfair dun sa ibang nag-aral talaga ng mabuti para masagutan ng maayos yung test. Kasalanan din naman yun ng nagpapakopya ng sagot. Kung hindi siya nagpapakopya walang mangongopya. Huwag niyong gawing rason na, "Kasi po kaibigan ko siya. Diba po ang magkaibigan nagtutulungan?".
Wow lang ah! Kaibigan mo siya? Kasi kung totoo ka niyang kaibigan sana hindi mo tinolerate ang kaibigan mo kung sakaling humingi siya ng sagot sayo. Akala ko ba gusto mong tulungan yung kaibigan mo? Bakit makakatulong ba yung pagkukunsinti mo sakanya? Don't let your friend be a parasite. Huwag mo siyang turuang umasa sayo dahil hindi sa lahat ng pagkakataon magkasama kayo. Baka masanay siyang dumepende sayo palagi. Hindi sa lahat ng panahon andyan ka para bigyan siya ng sagot. Your friend should learn how to find the answer his or herself. Kapag nagcollege na kayo, sure ka ba na same school pa rin kayo? 

Ginagalang ang teachers? Kung alam niyo lang kung paano sagot-sagutin ng pabalbal ng iba ang kanilang mga guro. Kapag nakatalikod minsan sinusunod pa ang gestures ng teachers. Binibigyan ng nicknames ang teachers ng hindi nila alam. Pinagtatawanan kapag nagkakamali. Masakit sa mga guro ang mapahiya at pagtawanan sa harap ng mga estudyante nila. Pinipilit niyang magturo minsan kahit masama ang pakiramdam niya. Tinitiis niya pagiging maingay at pagiging pasaway natin. Naging pangalawang nanay/tatay natin sila. Baka hindi lang natin alam na may ibang pinagdadaanan yung mga guro natin tapos hindi lang nila ipinapakita sa atin dahil ayaw nilang maabala pa tayo. Baka yung gurong nakikita nating nakangiti habang nagtuturo ay umiiyak gabi-gabi. I admit na minsan ko ring hindi nirespeto ang ibang teachers.
Pero pinagsisihan ko na yun.

Matapat? Yung iba hindi. Magaling gumawa ng kwento kaya maraming naniniwala at nauuto. Magaling umarte, pang-artista.

Katulad na lang ng pagkatapos ng isang pagsusulit.

'Huy! Maxine anong score mo?'

'Ikaw muna!'

'What? ako unang nagtanong eh!'

'Ako? Ah, ang baba ko nga eh!' Sabay emote.

'Weh, ikaw mababa? Saan ka ba nagkamali?'

'Basta marami, ang careless ko kasi eh. 16 lang ako.'

'16? Eh mas mataas pa pala ako sayo? 21 ako eh.'

'Oo nga eh! 40 items pa naman yun.'

Kapag pagkatapos ng mga pagsusulit, asahan niyo ng palaging may ganito. May kasinungalinan. Kung hindi niyo napansin nagtulakan pa muna sila kung sino yung unang magsasabi ng score. Why's that? Sabi ni Maxine, 16 yung score niya which is really not true. Si Maxine ay isa sa mga pinakamasipag mag-aral samin. But this attitude of her's really bothers me. Perfect niya talaga yung test pero nagsinungaling siya ng tanungin siya ng kaklase niya. Yung kaklase niya ring nagtanong, isa ring sinungaling. Sabi niya 21 yung score niya, which is also not true. 38 talaga yung score niya. Aware naman kami na sa seksyon namin ay may nag-eexists na competition. Healthy Competition? I think not.

Contented? Nope. Likas na sa mga tao ang hindi makuntento. Kapag nakuha na nila yung gusto nila hindi pa rin sila nakukuntento. Nagseset sila ulit ng panibagong goal at yun naman ang aachieve–bin nila. Hindi nakukuntento ang tao. Kasi nasa isip ng ng tao na, "Kaya ko pala yun eh, why not strive harder?" Gagawin lahat ng tao na maachieve yung goals nila kahit gumamit pa ng  paraan para makamit lang yun. Hindi na nila iniisip kung makakabuti ba ito sa iba o hindi. Hindi na nila iniisip kung may masaktan sila. Nasa mind set na nila yung task na yun at iyon talaga ang top priority nila.  Bahala na yung mga consequences basta makuha ko lang yung gusto ko. Okay lang naman maging selfish basta wag ka lang sumobra. May isang pagkakataon nga na nakakuha yung isa kong kaklase ng two mistakes over 50. Susmaryosep! Ang taas na nun! Yung iba kong kaklase 23, 32 yung kadalasang score. May ibang 40 up. Pero yung kaklase ko pinunit niya yung papel at nilakumos. Sa totoo lang, ako yung nanghihinayang sa score niya.

Lahat kami mabibigyan ng award? Hindi ko alam kung paano nagagawang maging masaya ng iba kong kaklase. Magiging masaya ka ba kung mabibigyan ka ng award tapos hindi pala ikaw gumawa nun? Nakapasa ka sa test, pero gawa yun ng dahil nangongopya ka. Ano, magiging masaya ka ba? Nagtataka din ako, hindi ba sila nakakaramdam ng kahit katiting na pagkaguilty?

---†---

Dito ko na lang sasabihin, sana kahit dito may magawa ako. Please po, iwasan nating mga estudyante ang mga nakasulat sa taas. Sikapin po nating maging matapat at isang huwarang estudyante.

P.S. Alam ko na posibleng maraming kokontra sakin dahil dito. Pero opinion ko po ito, please respect my opinion and I'll respect yours too.

Respeto lang po yung hinihingi ko, sana po maintindihan niyo yun. Pananaw ko po ito at sa tingin ko tama naman yung ginawa ko kaya hindi ko 'to pagsisisihan. Hindi po ako nagmamarunong.

Every Nerd's LifeWhere stories live. Discover now