Kabanata 1

33 5 6
                                    


Kabanata 1

Seen

There's no class today. Isang himala na hindi pumasok si Ms. Hagardo para magklase sa geometry. Nakakastress rin siya minsan. Ay, madalas pala and mind you, not the subject but her. Bagay talaga sa kaniya ang apilyedo niyang hagardo. Nakakahagardo rin siya ng mukha at brain cells e.

"Ba't wala si Ms. Hags ngayon?" tanong ni Francis sa aming mga kaklase.

"Baka na lbm na naman siguro!" pagsisingit ni Dave at nagtawanan naman silang lahat.

"'Wag niyo na nga siyang isipin baka dumating pa yun dito ng wala sa oras." ani Rose.

"Babalik, huh? E kahit anong isip ko nga sa kaniya di pa rin naman siya bumabalik..." paghuhugot ni Dae.

"Heto na naman tayo sa hugot-hugot na yan! Wala namang connect kaya tumahahimik na nga lang kayo." Pagmamaldita ni Cyan. May dalaw siguro.

"Ysabelle, pwede na bang lumabas? Nagugutom na kami tsaka wala naman si Ms. Hagardo." Tanong ni Rose sa aming class president.

"Sige. Everyone, listen first!" pagpapatipon sa amin ni Ysabelle na kakapasok lang sa room. Agad naman kaming nagsibalikan sa kaniya-kaniyang upuan.

"I received a letter from the office saying that Ms. Hagardo is currently out for a meeting with the Mathematics Association League and that explains the question why she's not here with us today. Also, we were not given any substitute teachers nor any seat works and activities. So, by the power vested in me as the president of this class you may now use the time of this subject as your free time. Class dismissed!" ma-autoridad na wika ni Ysabelle. Aba! Iba rin si ate.

Napalinga-linga ako at nakitang unti-unting nalaglag ang panga nang aking mga kaklase. Si Paul na may gusto kay Ysabelle napa-slow clap pa. Ito talagang si Miss President napaka-shocking! No wonder she was elected to be one.

Nang makabalik sa kanilang huwisyo agad naman nagpaligsahan ang mga kaklase kong lumabas ng classroom. Gutom na ang mga yun panigurado. Wala pa naman kaming break time kaya buti nalang talaga wala si Miss ngayon. Sa totoo nga lang gutom na rin ako e. Konting tiis nalang matatapos na rin naman siguro sa kakatsismis tong mga kaibigan kong malalaki ang bunganga. Mga tsismoso't tsismosa ba naman kasi.

"Hala, nako-nako! Namumutla na si Max baka nagugutom na yan. Sayang ang taba niya!" pagbigay pansin ni Rose sa akin.

Agad naman silang napatawa. Mga loko talaga.

"Hoy hindi ako mataba noh! Chubby lang ang mukha ko tsaka malaki lang talaga ang blouse ng uniform ko pero may curves ako." Sabat ko naman.

"Ayan na naman tayo sa palusot mo, Maxine. Wag mo na kasing ikahiya ang mga taba mo, mahal ka niyan. Leggo people, kumain na tayo alam kong gutom na kayo!" pag-aaya ni Cyan at tumayo na sa kaniyang upuan.

"Baka ikaw ang gutom kamo..." pambabara ko sa kaniya.

"Heh! Tumahimik ka nga diyan, Maria." Pagtatawag niya sa first name ko na ayaw na ayaw kong pakinggan.

Nagsitayuan na ang lahat kaya tumayo na rin ako. Hindi naman ako mataba...medyo lang.

Mataba pa rin yun, Max...

Bulong ng magaling kong konsensiya. Wala man lang support.

Tumahimik ka diyan. Pati ikaw nambibwiset e!

Sabi ko sa aking sarili at sumunod na sa kanila.

"Parang himala na kanina ka pa tahimik ah?" tanong ni Rose.

Artificial AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon