Kabanata 2

28 4 5
                                    


Kabanata 2

Sinigang

Nagising ako dahil sa sound nang aking alarm. Kinuha ko ang cellphone ko na nakasaksak pa sa charger at tiningnan ang oras. Di ko pa rin na dismiss ang alarm kaya patuloy pa rin ito sa pagtunog. Sinabi ko palang m-move on na ako kay Kuya Ian ngayong 9:30 am. 9:32 am na nang na-off ko yung alarm. Well, sorry next time na lang siguro ako mag m-move on, tapos na ang 9:30 e. Ma-stalk nga si Kuya Ian. Hehe. Gwapo niya talaga.

I saw one of Kuya Ian's latest tweet. 'Good Morning, Babe' daw. I was planning to reply nga e pero baka ma heart attack siya pag tinawag ko siyang babe. Ganda ko talaga kasi e. Pampamatay ang beauty ba. De joke lang. Kung sino man tong 'babe' ni Kuya Ian humanda siya. Talagang masasabunutan ko siya kapag nalaman ko ang identity niya. May natanggap akong tawag mula kay Cyan kaya agad ko itong sinagot.

"Hoy, babae anong oras na ba't wala ka pa rin hanggang ngayon, huh?" pasigaw niyang tanong kaya napalayo ko ang cellphone mula sa aking tenga.

"Nakaupo pa sa kama ko. Kakagising ko lang, bakit?"

"Naku ang sarap mong sabunutan! Diba nga 9:30 am yung call time natin tapos kakagising mo lang? Bilisan mo diyan maligo ka na. Wag ka nang mag-almusal late na tayo e. Pambihira kung anong oras yung meet up ganun rin yung oras nang gising mo. Bilisan mo na diyan at talagang aalis na kami kapag wala ka pa dito matapos ang 15 minutos!" Sigaw niya ulit at pinatayan ako nang tawag. Bastos talaga nito. Alam niyang busy pa ako sa kaka-stalk kay Kuya Ian e.

Binilisan ko ang pagligo at agad nagbihis. Sinukbit ko ang aking bag habang nagsusuklay nang buhok. Tiningnan ko ang kabuuan nang aking kwarto. Ang kalat. Yung mga unan ko galing sa upper deck ng higaan at mga damit ko mula sa cabinet nasa sahig. Bahala sila diyan late na ako mamaya ko na to aayusin.

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kwarto ni lolo't lola.

"Lo, La, penge naman pong pera. May gala kami nang mga kaibigan ko e."

"Basta umuwi ka nang maaga ha?" paalala ni lola kaya tumango nalang ako. Lolo handed me some money kaya nag pasalamat na ako at lumabas. Nakita ko naman si mama na nag-aalmusal sa kusina kaya pinuntahan ko siya.

"Ma, Penge pong pera may gala kami e. Please..." sabi ko.

"Akala ko humingi ka na sa lolo't lola mo?" tinaasan ako nang kilay ni mama. Naku kahit na noh, dami ko kayang bibilhin.

"Huh? Hindi po. Nanghiram lang ako nang suklay kay lola. Nawala yung sakin e." sabi ko sabay pasimpleng tago nang suklay sa aking bulsa.

"O siya, eto. Mag-ingat ka ha. Umuwi nang maaga, Maxine." Ganito parati yung bilin nang mga matatanda e.

"Opo, ma. Alis na po ako." Sabi ko at humalik sa kaniyang pisngi.

"Buti naman naisipan mo pang pumunta. Sabi ko 15 minutes ka lang namin aantayin hindi isang oras. 10:30 na oh. Nakakastress ka talaga kahit kalian." Pangbungad ni Cyan nang sumakay na kami sa bus.

"Edi sana nauna kayo. Di ko naman kayo pinipigilan." Oo na inaamin ko na. Thirty minutes ang pinakamabilis kong oras sa banyo. Mga two hours ang pinakamatagal.

"Ikaw pa ang may ganang umangal diyan. Ilibre mo ako nang pamasahe bwiset ka." Sabi niya ulit at sinaksak ang earphones sa tenga. Pinagtawanan naman ako nang mga kaklase namin. May film showing kasi kami ngayon. Required yun sa buong school, tsaka reserved na yung buong Cinema 1 ng mall para sa buong school naming. Pandagdag points rin yun kaya kailangan talaga naming pumunta.

Isang oras pa naman ang biyahe kaya matutulog muna ako. Ala una pa ang showing ng pelikulang papanoorin namin pero pinagplanuhan naming mga Grade 8 na dun na mananghalian sa mall kaya namin inagahan. Tsaka mauuna na kami sa sinehan noh para makapaghanap kami nang magandang puwesto. Free seating naman kaso paniguradong maaga rin ang punta nang nasa ibang grade levels.

Artificial AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon