Unahin ko na sa pamilya.
If you are a good child naman, edi wala nang problema. Pero kung hindi gano'n ka-good, bakit di mo subukang magbago? Subok lang naman, hindi mo kailangang maglabas ng pera para mag-try.
If you are having troubles with what you have:
Subukan mong kausapin parents mo. Again, walang masama sa pagta-try. Pero syempre bago yun, isipin mo muna kung ano ba ang wala ka, at bakit nga ba wala ka nun? Hindi yung pinoproblema mo tapos maiisip mo na lang, wala palang kakuwenta-kuwenta iyon. So think.
As I was saying, ask your parents. Kapag ang reply nila is "Ano ba ang gagawin mo dun?" Honestly answer them. Yung totoo ah, hindi yung kaplastikan isasagot mo. Sabihin mo, mahalaga sayo na magkaroon ka nun kasi makakatulong talaga sa yun sa buhay mo. Tell them na, it is 100% life saver kapag nagkataon na mayroon ka. Baka naman pagbigyan ka sa hiling mo, basta alam mo kung paano magbalik ng utang na loob ha. Kahit na parents mo yun, iba pa rin kapag may tiwala sila sayo even if you said na it's part of their duty having you as a child.
If their reply naman is "Nako, anak, wala pa akong pera eh." Sabihin mo, "Ah sige po, try ko na lang pong mag-ipon. /then smile/" Hindi yung sisigaw ka pa kasi tungkulin nila na ibigay ang kailangan mo. Hello! Magulang mo sila, 'di mo sila alipin. Kasalanan ba nilang mahirap sila at ang naibigay na anak sa kanila ay demanding. Tsaka base nga sa dapat mong i-reply, mag-ipon ka. Pag-ipunan mo yung kung ano man ang gusto mo kasi ikaw naman ang makikinabang dun. Alam mo na worth it yun bakit 'di mo paghirapan.
Kung ang sagot naman "Bigyan mo muna ako ng magandang grade." Kung nag-aaral ka pa, aba, dapat lang na bigyan mo sila ng ipagmamalaki nila. Make sure na you make them proud of you. Then, one day, they'll say na they are very proud of you and if there is anything you want, tell us. O diba? Sila na mismo magtatanong kung ano ba ang gusto mo kasi deserve mo yun. Hindi masama na humiling ng malaki, pero dapat alam mo din ang limits niyo. Alam mo dapat kung ano lang ang kaya nilang ibigay sayo. Kapag naman natango na lang sila, 'wag ka agad umasa na yun mismo yun. Wala namang kasiguraduhan sa buhay. Kung ano man ang maibigay sayo, accept it wholeheartedly. Huwag nang magtanim pa ng sama ng loob. Parang tanga ka lang if that happens.
Pero kung ang problema mo naman is sa tingin mo kulang ka sa pagmamahal, walang mali o tama diyan. Hindi mo naman kasi natuturuan ang pagmamahal, kaya kung ano ang nararamdamn mo, i-open mo. Pero kung nahihiya ka, lapit ka sa Diyos. Isumamo mo muna yung sarili mo kanya, but never doubt His doings. Lahat ng kung anuman ang nangyayari sayo, remember it is for best of you. Then lapit ka sa family mo, observe them, and open yourself unto them. Again, walang masama. Pero if family problems talaga yan, try to be your better self. Gawin mong kapaki-pakinabang lahat ng ginagawa mo, huwag ka nang dumagdag pa sa problema. Tapos, 'di mo lang namamalayan, maayos na lahat, para bang walang nangyari, kasi ginawa mo yung best mo, ginawa mo yung makakabuti sayo.
If you are having troubles with your siblings or being an only child:
Kapatid? Hahahaha, ang saya 'no? Laging may sumusuntok sayo, nang-aasar, nang-aagaw... Kapag inutusan kayo, magtuturuan pa kung sino ang kikilos, imbis na magkusa na lang. Kapag inuwian kayo ng pasalubong, mag-uunahan kung kanino yung pinakamaki, kung sino ang dapat lamang, pero kadalasan, kapag bunso ka, lagi kang lugi. Wala ka namang magagawa eh, mas matanda siya kaysa sayo, kaya sorry na lang. Kapag pinagalitan, tapos umalis na yung magulang, aasarin ka pa ng todo, tatanungin kung may masakit ba tapos sasaktan ka pa lalo. Ikaw namang si ganti, ayun sinaktan mo rin, ang ending, never ending na hampasan ang naganap. Si lola/lolo mo naman, feeling mapuputulan na ng litid sa kakasaway sa inyo.
Pero ganun pa man, kapatid mo pa rin yan. It means you should be with each other through ups and downs. Sa tuwing may mang-aaway naman sayo na iba, lagi silang nandiyan, ipagtatanggol ka. Kapag heartbroken ka, nandiyan sila giving their comfort. Ganun lang naman yun so be thankful that you have them in life. Kahit na sabihin mong puro sakit sa ulo ang dala nila sayo, never doubt Him why did He gave them to you. Be thankful.
Only child? Mahirap kasi sabi nila laging ikaw? Kapag bad trip magulang mo, ikaw na agad ang puntirya. Kapag may utos, walang iba, ikaw na ang dapat sumunod. Kapag may problema, ikaw lang ang maapektuhan.
Pero no. Be optimist. Isipin mo, masaya din naman being an only child, diba? Aminin mo, you get all the things you want /maybe/. You are a spoiled brat. You get all the attention from your parents. You are so much loved. Ikaw na, as in. Lahat ng pangangailangan mo, naibibigay sayo. /Pero depende pa rin naman yan kung may-kaya talaga kayo./ Well at least, sayo sila naka-focus, ayaw mo ba nun?
Pero alam ko naman na hindi sa lahat ng pagkakataon. Base nga sa MOST IMPORTANT RULE: Just be yourself. Malay ba natin sa future mo?