Naalala ko pa noon, siguro mga grade 1 or 2 yata, sabi ko gusto kong maging pulis. Kasi diba? Ang galing nilang manghuli ng mga kriminal. Mabilis sa takbuhan tsaka ang astig. Para bang nasa action films sila lagi.
Tapos noong grade 6, desidido na ako na maging lawyer. May napanood kasi ako na lawyer drama. Nakalimutan ko ang title. Yung way nila ng pagsolve ng kaso, ang galing. Tapos nakahiligan ko pa yung Detective Conan, lalong gusto kong may ipinaglalaban at iniimbestigahan.
Then, grade 7, gusto kong maging doctor. Napanood ko lang naman yung Doctor Stranger ni Park Hoon(LJS). Tuwang-tuwa ako kasi ang galing, nagagamot niya yung mga hindi maipaliwanag. Hahawakan niya lang ang parteng may masakit sa'yo, alam na niya kaagad kung anong gagawin. Idagdag mo pa yung Blood, na bampirang hindi mahilig sa dugo.
Dumating yung point na napagtanto kong, hindi ko pala kayang maging pulis, abogado o doktor. Mahirap tsaka maraming nakasalalay sa'yo. Itataya mo ang lahat ng pwedeng itaya.
Madami tayong pangarap sa buhay. Ang dapat lang nating gawin ay maging ma-isip. Kahit hindi ka matalino, kung mapamaraan ka naman. Kahit mahirap ka, kung ma-utak ka naman. Hangga't wala tayong naabgrabyado, wala tayong ginagawang masama.
Sa pagbuo ng ating pangarap, dapat alam natin ang lahat ng pwedeng mangyari sa hinaharap. Malay ba natin sa nakatadhana sa atin o mayroon ba talagang tadhana? Ang tangi lang natin problemahin ay ang kasalukuyan dahil iyon pa lang ang nasa harap mo. Hindi natin poproblemahin ang hinaharap, bagkus ay iisipin lang natin. Hindi pa nga nagiging problema, poproblemahin mo na? Mag-isip lang tayo ng posibleng mangyari kung saka-sakali at tsaka tayo maging payapa sa kasalukuyan.
Ang mahalaga, habang papunta ka sa pangarap mo, may natutunan ka at naging masaya ang biyahe mo. Naging kapaki-pakinabang ang naging paglalakbay mo. Nag-enjoy ka na, maraming aral pa ang pumasok sa kokote mo.
Chillax lang. Eto Judge oh.
---
16:45 170428