Sino ba nagsabi na madali mag-aral? As a student/former student, ramdam mo na ang hirap, right?
School. Ayon kay Manong Google: "An institution for educating children"; "Any institution at which instruction is given in a particular discipline"
See? Madali intindihin ang school o eskwelahan/paaralan sa tagalog. Simple lang, isang organisasyon o institusyon na nagtuturo ng disiplina sa mga bata. BATA. Bata pa rin ba kapag below 18 ka lang? Siguro...
Base kasi sa aking research: four key periods of growth and human development: infancy (birth to 2 years old), early childhood (3 to 8 years old), middle childhood (9 to 11 years old), and adolescence (12 to 18 years old)
Ibig sabihin bata pa nga? Ah, ewan. Basta alam ko, ang edukasyon ay para sa lahat.
Walang pinipili na edad. Hangga't gusto mong matuto, hala sige, mag-aral ka. Sabi nga nila, Edukasyon ang tanging yaman na kahit kailan ay 'di mananakaw sayo. Edi instant milyonaryo ka na kapag nakapagtapos ka.
Lahat ng paghihirap na nararanasan mo ngayon, keribels lang yan. There's no success without struggle, sabi nga nila.
Projects/School Tasks:
Sus. Ikaw pa. Eh napaka-creative mo in your own way. Kayang kaya mo ipasa yan on time, perfect ka na kaagad sa pamantayang: Pagpasa sa tamang oras:
Kapag ibinigay na sa inyo yung scope nung project, make sure to work on it na by later when you go home. Hindi yung ipapagpabukas mo pa. Kasi hindi lahat ng sinasandali, nakapaghihintay.
So, yun nga. Gawin mo na. Ilabas mo yung pagiging creative mo. Pagandahin mo. Gawin mo ng buong puso. Malay mo mai-display yan sa exhibit room niyo. O diba? Instant inspiration ka pa.
Kapag grupo naman kayo, huwag ka muna magtetake ng role as a leader, hayaan mo muna groupmates mo. Depende na lang kung talagang masipag ka at may leadership ka, so huwag mo na intindihin yung sinabi ko... Usap-usap muna kayo paano ba ang plano. Kapag shy ang mga kagrupo mo, at ayaw magsalita, wala ka ng choice, it's your turn na. Ask them what is their plan. Siguro naman sasagot sila papaano. Kunin mo lang lahat ng ideas nila. Ilista mo na sa utak mo. Suggest ka rin para alam mo na magugustuhan mo yung kalalabasan ng gagawin niyo.
Kapag nagtanong sila kung paano niyo gagawin yun, ibalik mo rin yung tanong na yun. Again, hayaan mo muna silang mag-suggest para walang lamangan. Kung sa school niyo ginagawa yun, edi no problem. May lugar na kaagad kayo. So later that day, bumili na kaagad kayo ng materials/mga kailangan niyong gamitin. And tomorrow na nagkita-kita kayo, simulan niyo na agad, 'wag nang petiks pa. Mas maagap, mag madaling matatapos.
Debates:
'Kung di ka naman representative, bakit ka mamomroblema?' Kadalasan natin naririnig, kaya heto tayo, umaasa sa iba everytime na may pinagdedebatehan.
Kapag debates, syempre kailangan pag-aralan mo yung ipaglalaban mo, hindi yung para kang tanga na nagbblurted out ng kung ano ano. Kung di mo naman kailangan pag-aralan, ibig sabihin, yun na yung paniniwala mo. Sino ba sila para kuwestyunin yung paniniwala mo. Ang purpose ng debate ay yung mahayag mo yung sarili mo, at intindihin yung kung anumang paniniwala mayroon sila. 'Wag na 'wag mong huhusgahan yung kabilang kampo dahil kapag nagkataon, magkakaroon pa kayo ng '2nd round'. Kumbaga, pagkatapos ng concert, eh mayroon pa kayong after party.
Habang hinahayag mo yung sarili mo, make sure na linawan mo yung pag-iisip mo. Alam mo na dapat kung ano yung isasagot, at dapat alam mo yung kung anuman ang itatanong nila. At kung mablangko man yung panig mo, wag pahahalata, ulitin mo yung sinabi mo nung umpisa pa lang tapos laruin mo lang. Ikutin mo yung nangyayaring diskusyon at pagkatapos, magbato ka sa kanila ng tanong na base sa sinabi nila bago ka mablangko.
At kapag nakikipagdebate ka, tandaan mo na kailangan mo ng mahabang pasensya. Kapag umiksi na at naputol iyon, ikaw rin ang mapapahamak. Ibig sabihin lang nun, walang kwenta at halaga sayo yung pinaglalaban mo kasi sinukuan mo.
Program/Events
Kapag naman may program o kung anumang pagdiriwang, makihalubilo ka sa tao. Sa schoolmates mo. Make yourself comfortable kahit ano pa yang theme na meron for that event. Kung alam mo na may talent ka, sali ka sa mga presentation, 'wag kang mahiya, walang mararating yan. Kapag may humingi sayo ng tulong, teacher man yan or kapwa estudyante lang, tulungan mo. Lahat ng kabutihang ginagawa mo, babalik yan sayo ng mas doble pa sa ginawa mo.
Whatever the event is, make yourself happy at the end of the day.
Don't forget to take pictures. Kahit ang sabi nila ay mas maganda na nasa alaala mo na lang ang lahat, mas maganda pa rin na may maisheshare kang memories.
---
A/N
Papalapit na event namin. Wala pa rin akong costume. :(
170220 00:42Update:
Feeling ko kulang pa yung part na to sa 'School' so may part 2 ito. Bigla ko na lang kasing napindot yung -Publish-
170220 00:58