Chapter 1: Alex Seth Paxton

25 1 2
                                    

.......

«kabooogsh!»

"Aray ko po, ugh, ang sakit ng bagsak ko."- dahan-dahan akong tumayo, hay naku ang tanda ko na palagi pa rin akong natutulog sa kama, este nahuhulog pala sa kama.

"Makapagluto na nga ng almusal."

Yeah, ako ang nagluluto ng aking almusal. Mag-isa lang ako sa buhay. Hindi ko alam kung nasaan o buhay pa ba ang mga magulang ko. Basta ang alam ko, iniwan daw ako sa labas ng pintuan nitong bahay paupahan na tinutuluyan ko ngayon. Yun ang sabi sa akin ng may-ari ng bahay na ito. Naawa raw sila kaya kinupkop nila ako. Pero ngayong malaki na ako dapat na raw akong tumayo sa sarili kong mga paa. Teka, teka, nakatayo naman talaga ako sa sarili kong mga paa ah, alangan naman paa nila, ano yun pinutol ko tapos kinabit ko sa akin? what the.. edi di sana sila nakakalakad ngayon. Anyway, yun nga yun. kaya ngayon magsisimula na akong mamuhay dito nang di libre, at kumayod para makapag-aral at hindi magutom.

"Para makapag-aral!" (para makapag-aral!)

"Para di magutom!" (para di magutom!)

"Para sa aking mga pangarap!" (pangarap!)

"KAKAYOD AKO!!!" (KAKAYOD AKooooooooooooooooooooooooo....)

oh I forgot, nakabukas pala ang talking Tom na app ko sa S4 ko, tsk tsk nag-hang tuloy.

Kala nyo poor ako noh? Well, hindi rin naman ako mayaman, i mean yung pamilyang nagkupkop sa akin, hindi rin kami mahirap talaga.

If you're asking how i got my S4, well, mahaba-habang istorya rin yon. Kaya next time na lng pag feel ko mag story telling.

Sikat na singer, dancer, musician, painter, doctor, makapunta sa iba't ibang lugar lalo na sa Japan.

Ano-ano to?

Yan lang naman ang mga mga pangarap ko. Konti nga lang eh, bilis ko nga sigurong matupad lahat ng yan.

Akala siguro ninyo napakadaldal kong tao. Hmmm, dito lang yan kasi nagnanarrate ako eh. haha. Kung paaandarin ko rito ang pagka- man of few words ko, siguro puro space bar at enter na lang ang pipisilin ng author na to. Then, you'll be bored. :P

Astig ng english ko no ;D (A/N: "Then, you'll be bored." lang nga sinabi mo eh.)

Heh! manahimik ka! english din yon! (A/N: Sinisigawan mo ako huh, patayin kaya kita sa story na 'to. ;/ ) Hey, cool yow, sinigawan lang kita, papatayin mo na agad ako. (A/N: k -_-  go on.)

As I was saying, astig nga ng english ko noh. Kung di niyo kasi itatanong, I'm the class valedictorian in our school. And, this coming school year college na ako. Kaya, i need to spend my summer sa pagkakayod coz it'll be the basis of which college or university ako papasok. Nakadepende ito sa maiipon ko. Ang mahal kaya maging doctor, tuition, project, suhol para sa mga prof na madamot mamigay ng mataas na grade,...ops ops ops, exclude the latter dahil hinding-hindi mangyayari yon, asa kayong babagsak ako at saka honest to noh promise.

Pero sa totoo lang, mahal naman talaga maging doctor kaya magsisikap ako pra makaipon at makapag-aral sa U of O. (A/N: U of O?) Yeah, bakit? (A/N: U of O, di ba yun yung sasakyan ni Kokey, Unidentified Flying Object?) No no, it's not that. U of O, yun yung sa ilog na may maraming elevated na bahay tas sa baba may maraming Unidentified Floating Object. (A/N: sucks, ang kadiri mo. -_-)

Actually, U of O stands for University of Otton, the most prestigious university, specialty on medicine.

That is my dream school.

I, ALEX SETH PAXTON, taking the challenge of life fated for me.

FOR MY DREAMS!

I'LL CONQUER IT ALL!

DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon