Kathryn's Point of View
Andito kami ngayon ng banda ko!
Yup tama may Banda ako. Mga kababata ko silang lahat dahil magpipinsan kami, actually tatlo lang sa kanila. Nga pala ang banda namin ay MANUEL BAND, kaya manuel dahil kami ng mga pinsan ko ang bumuo ng bandang to. Yung isa naming kasama bestfriend lang ni kuya Kats.
Ako - ang vocalist
Katsumi Manuel Kabe - guitarist
Sedric Gothico Manuel - guitarist
John Chris Manuel Cruz - keyboard
Lester Giri - drummer
Ako ang bunso sa kanila kaya alaga nila ako. Every friday may gig kami sa Bar na pagmamay-ari nila Kuya Sed. Hehe.
So ngayon andito kami sa bandroom namin sa bahay. pinagawa ko to, hindi pa buo ang grupo namin. Mahilig lang talaga ako sa music kaya yun pinagawa ko kay daddy.
Sa ngayon andito kami kasi napapractice kami para sa birthday ni Tita Mindy (mom ni Kuya Seth). Ganyan talaga sa family namin pag may magbibirthday parang may reunion na nagaganap. Kaya eto kami practice ng practice dahil may performance kami!
"Kath anong song ang kakantahin natin?" - tanong ni Kuya Kats habang nagsta-strum ng Guitar niya!
"Ano ba paboritong kanta ni Tita Kuya Seth?" - tanong ko kay Kuya since nanay niya yun siyempre dapat alam niya yun!
"Basta meron yun silang kinakanta ni Papa! Yun yata yung themesong nila." - Sagot ni Kuya sa akin
"Ano yun?" - tanong ni Kuya Jc
"*nag-iisip* Ahhh!! Alam ko na!!" - biglaang sigaw ni Kuya Seth
Napalingon kaming lahat sa kanya!
"Yung kantang HILING !! Alam niyo yun?" - kuya seth
Bigla naman akong napako sa kinakatayuan ko! Ayaw na ayaw ko talagang nakakarinig ng mga Salitang " HILING, WISH, O kung ano-ano pa".
Biglang napatingin sa akin si Kuya Kats! Tinitigan niya ako sa mata. At ramdam kong alam niya kung anong iniisip ko!
"Ahh wag nalang yan! Iba nalang kantahin, wag lang yan!" mariin na sabi ni Kuya Kats.
"Hah? Bakit naman?" - pagmamaktol ni Kuya Lester
"Ahh Kuya punta muna akong kusina! Ginutom ako kakaisip ehh." - pagdadahilan ko para maka alis dito.
" Hah? Aalis ka? " - Kuya Jc
" A-ahh... o-oo K-kuya, S-sige alis na ako!"
Tumakbo na kaagad ako!
ayoko talaga sa mga ganung usapan! Dahil naaalala ko lang siya. Kung paano niya ko sina- .. tama na nga kaiisip sa kanya Kathryn. Kalimutan mo na ang walang kwentang tao na yun!
Ayun,, pumunta na ako sa kusina! Kinuha ko yung isang galloon na ice cream dun sa freezer. Eto lang naman ang stress-reliever ko! -_-'
maya maya may narinig akong nagbabangayan!
"Wag nalang kasi!"
"Ehh bakit ba?"
"Basta"
"Bahala kayo jan!"
tapos narinig ko na ang mga paang feeling ko pababa na ng hagdan!
![](https://img.wattpad.com/cover/11793390-288-k120430.jpg)