Chapter 3

478 23 0
                                    

Kinabukasan nag-ayos na kami nang instant anak ko. Hehehe nakakatuwang may kasamang bata. Napakabibo at masayahin niya kaya nakakahawa talaga.

"Tara na baby?" Hinawakan ko naman ang kamay niya. Presko kaming lumabas nang motel.

"Gutom ka na ba baby?" Tanong ko.

"Yes po mommy." Sabi niya.

"San mo gustong kumain?" Tanong ko.

"I want to eat Jollibee po." Masigasig na sabi niya.

"Ok baby" nakangiting saad ko.
Kinuha ko naman ang wallet ko ang chineck kung magkano nalang ang natitirang pera ko. 250? Napangiwi naman ako.

"Ahh baby? Malayo ba yung sa inyo?" Tanong ko.

"Yes po" sagot niya. Naku! Pano na yan? Mukhang hindi aabot ang pera ko. Pano na to?

"Mommy?" Kinalabit naman ako ni Alex.

"Bakit baby? Ah anong gusto mo? Chicken?" Tanong ko. Tumango naman siya bilang sagot.

Pagpasok namin sa Jollibee hindi naman gaano karami ang tao kaya nakapag order agad ako. Sakto namang 250 ang bill ko. Kaya zero na ang laman nang wallet ko.

"Heto na baby, kain ka na!" Nakangiting inilapag ko ang tray na may lamang pagkain.

"Mommy!" Tawag niya sakin.
Nagsimula na akong kumain.

"Here po oh!" Sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Magkaharap lang kasi kami.

Inabot niya sakin ang isang hello kitty na wallet.

"Ang cute naman niyan baby." Nakangiting sabi ko.

"Mommy oh!" Sabi niya at binigay sakin ang wallet niyang Hello Kitty.
Nagtaka naman ako.

"Ano ba to baby?" Tanong ko.
Nung buksan ko ang wallet nanlaki bigla ang mga mata ko. As in literal na nanlaki.

May lamang 5000 cash at mga ATM cards.

"Baby san galing to?" Pinaningkitan ko siya nang mata. Baka kasi napulot niya lang itong pitakang ito kaya kailangan isauli sa may-ari.

"Its mine po. Bigay sakin ni Daddy" sabi niya at sumubo nang chicken.

"Ano? Bigay nang daddy mo?"

"Opo. He said I can use that money whenever I want. And I can buy anything that I want to. That's the reason why he keeps on working and working and he don't have time for me anymore. He said he needs to work for my own sake and his doing this for me. Pero gusto ko lang naman pong makasama siya. I'm always with my yaya because daddy has no time for me. Daddy doesn't love me." Malungkot na saad nang bata.

"Baby, don't say that. Your daddy loves you. Kaya siguro siya laging nasa work kasi gusto niyang magkaruon ka nang magandang kinabukasan. He want to give all you need and want." Sabi ko.

"Its ok mommy. I understand naman po. Pero masaya  na po ako ngayun because your here po" nakangiting saad niya.

"Sige na. Ubusin mo na yan. Kasi uuwi na tayo" sabi ko.

******

Napanganga naman ako sa laki nang bahay or should I say mansion na nasa harapan ko.

"Baby sure ka bang ito ang bahay mo?" Tanong ko.

"Yes po! Welcome home mommy!" Masayang sabi nang bata.

"Ikaw talaga" sabi ko at pinisil ang pisngi niya. Ang cute kasi eh. ^__^
Pinidot ko naman ang doorbell.

Instant Mommy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon