Tumigil muna ako saglit dito sa nadaanan kong park. Hays! Gabi na at wala parin akong nahahanap na matutuluyan. Kunti lang ang pera ko dahil hindi ko pa nakukuha ang last pay. Hays! Sobra naman yatang kaparusahan to! Torture na to ah!Nakaupo lang ako dito sa duyan at nag momoment. Kumusta na kaya si Ate? Hinahanap niya rin kaya ako?
Nakimiss ko na siya. T_TAng hirap nang mag-isa. Wala rin naman akong kaibigang pwedeng matuluyan. Loner kasi ako kaya I don't have friends or should I say I don't make friends. They hate me kasi nga naiinsecure sila sakin. Ang ganda ko kasi eh! Charot! Pero honestly.
For me its better to be alone than having fake friends. Mabuti nang mag-isa ako keysa naman makibagay sa mga taong hindi ako belong.Nang makaramdam ako nang gutom pumunta ako sa isang karinderya at duon kumain. Pagkatapos napagdesisyunan kong mag stay muna sa isang mumurahing motel para magpalipas nang gabi.
"Ito na po ang room number niyo ma'am, enjoy your night" sabi nang front desk. Tumango lang ako at nagtungo na sa room ko Pagpasok ko sa luob nang kwarto, maliit lang siya pero keri na to keysa naman matulog ako sa kalsada diba? Bumulagta na ako sa maliit na kama. Hays! Nakakapgod tong araw na to. Bukas ko nalang puproblemahin kung san ako tutuloy. For now, gusto ko munang matulog kaya hinayaan ko munang lamunin ako nang antok.
Kinabukasan nandito na naman ako sa kalsada naglalakad habang hindi alam ang patutunguhan. Hays! Buti nalang at maayo ang tulog ko kanina at nakapagshower ako sa motel kaya ready akong sumabak ngayun. Maghahanap ako nang mapagtatrabahuan. Nakapagcharge din ako nang phone kanina kaya nakafull charge ito.
Nakailang tanong na ako kung pwede bang makapag apply nang trabaho pero tila walang nagpapa apply. Kaya napagdesisyunan kong pumunta sa isang mall at maglibot libot muna. Sobrang init kasi sa labas at pagod narin ako. Habang hila hila ko ang maleta ko pumasok muna ako nang comfort room kasi ihing ihi na talaga ako. Paglabas ko may batang babae ang bumangga sa hita ko.
"Oh my! I'm sorry baby girl" lumuhod ako para magkapantay kami. I think she's 6 to 7 years old? Ang cute niya! ^__^
Tumingala naman siya sakin pero bigla siyang napatakip nang bibig.
"Are you ok baby?" Tanong ko.
Pero nagulat nalang ako nang bigla niya akong yakapin at nagsimula na siyang humikbi. Oh gosh! Anong gagawin ko? Nataranta naman ako."Baby girl. Anong problema?" Natatarantang tanong ko.
"M-mommy, mommy I thought wala ka na po but your here po." Humihikbing sabi niya. Napa huh? Naman ako. M-mommy? Akala nang batang to ako ang mommy niya.
"But baby girl I'm not your mommy, nasan ba ang guardian mo?" Tanong ko.
"No! Mommy po kita" sabi niya at yumakap nang mahigpit sakin.
"Fine, ok baby, mommy mo muna ako for now, pero asan ba ang kasama mo?" Tanong ko. Pinunasan ko muna ang luha niya gamit ang panyo ko.
"I runaway from home po, daddy is always busy for work eh and he dont have time for me anymore. But I'm happy that your here now mommy" kwento nang bata.
"Ok. But where's your mom?" Tanong ko
"Your my mommy" natutuwang sabi niya.
"I mean where I have been? Bakit mo hinahanap si mommy?" Ano ba yan ang hirap makipag-usap sa bata.
"I don't know po where have you been, but daddy said, your in the far far away place. A place where I can't go" sabi niya. Madaldal na bata at matalino.
"What's your name baby?" Tanong ko.
"You don't know my name po? I'm Alexandria Smith your daughter." pagpapakilala niya sa sarili. Mukhang may lahi itong batang to.
"I'm sorry baby its just, mommy has a short memory lost" I lied. Kailangan kong isuli ang batang to sa totoong magulang niya. Pero ang nakapagtataka bakit niya akong napagkamalang mommy niya?
"Ahh baby, what's your I mean our address?" Tanong ko.
"Your going home na po that's why you bring your things?" Inosenteng tanong niya habang tinuturo ang maletang bitbit ko.
"Ah maybe?"
"Yehey! Mommy is going home" tuwang tuwa siya. Oh gosh! What am I gonna do?
"Behave baby, or else hindi sasama si mommy" sabi ko
"Ok po" bibong sabi nito. Nagpara naman ako nang cab. Hays! Ano namang gagawin ko sa batang ito?
Dylan POV
"Excuse me sir. You have a call, Emergency daw." sabi ng assistant ko.
Inabot niya naman sakin ang phone.
He bowed then lumabas na sa opisina ko."Yes hello"
"Sir. Pasensiya na po pero si Alex po. nawawala." Sabi ni Yaya Jane sa kabilang linya.
"What? Ok! Pauwi na ako!" Sabi ko at pinatay na ang tawag.
"Randy!"
"Yes sir!" Pumasok naman agad ang assistant ko.
"Cancel all my appointments. My daughter is missing, I need to find her. Sabihan mo rin lahat nang mga bodyguards to find my daughter at sabihan mo silang wag magpapakita sakin hanggat hindi nila nakikita ang anak ko. Understood?" Sabi ko.
"Yes sir!" Agad naman siyang lumabas ng office ko.
I grab my keys at nagmadaling lumabas nang office.
I can't lose my daughter. I can't.!
Tiffany POV
"Baby, san na ang address niyo? Can you tell mommy na" pagsusuyo ko sa bata.
"But mommy, if I'll tell you our address iiwan niyo na po ako agad. I won't mommy. I want to be with you" umiiling na sabi niya. Nagbabadya naring tumulo ang mga luha niya.
"But baby, you need to go home. Sasamahan ka naman ni mommy eh!" Sabi ko.
"No mommy please. I don't wanna go home. Wala naman pong time si daddy for me. Please mommy..please" pagmamakaawa pa nito. Napapikit naman ako nang mariin. Goodness gracious anong gagawin ko?
"Fine. Hindi kita iuuwi ngayun. I'll let you stay with me this time. But, tomorrow morning sasabihin mo na sakin ang address niyo. Ok ba yun?" Sabi ko.
"Ok po mommy" tuwang tuwa naman siya. Napangiti na lamang ako sa reaksiyon nang bata. Mukhang nangungulila nga talaga ito sa kalinga nang isang Ina. Naawa tuloy ako sa bata.
"Kuya, sa GV motel po kami" sabi ko sa driver nang taxi.
"Ok po ma'am."
Hays! Mukhang hindi pa ako makakahanap nang matutuluyan ko ngayun ah! Napatingin naman ako sa bata na ngayoy mahimbing na natutulog sa lap ko. Napatitig ako sa kaniya. May kamukha ang batang ito. Ewan ko ba pero, Unang kita ko sa kaniya. Parang may something sa mga mata niya.
"I love you mommy"
Napangiti nalang ako habang hinahaplos ang buhok niya. She's sleep talking.