Part 1

223 2 0
                                    

"Thanks God! Oh my. Yes! Yes!" Tuwang tuwang sambit ni Sapphire habang nasa harap ng kanyang laptop at nagbabasa ng email galing sa pinagtratrabahuang fashion agency sa New York. Her request for two months leave para sa kasal ng nakababatang kapatid nito na si Elena ay na approved na rin sa wakas.

Maituturing na ika pangatlong balik na sa Pilipinaa ito ni Sapphire mula nang umalis ito thirteen years ago. After finishing college, umalis tungong America si Sapphire upang doon na manirahan kasama ang mga magulang at dalawang kapatid na babae. Her mom at the age of fourty eight is still working as a head nurse sa isang kilalang hospital sa New York at ang daddy naman niya ay isa namang surgeon sa parehong hospital.

Panganay si Sapphire sa magkakapatid kaya naman noong nalaman ng lahat na ikakasal na si Elena ay halos mabingi sya sa kakakantyaw ng mga kaibigan at kapamilya. She's turning twenty nine this year pero kahit boyfriend ay wala sya.

Pinaalam ni Sapphire ang magandang balita tungkol sa kanyang approved leave ay lahat ay excited na umuwi para sa isang malaking salo-salo. Sapphire was never worried of coming back home anymore noong nakapag patayo na sila ng bahay na mauuwian sa Maynila, malayo sa lugar na kinalakihan nya na kun saan naka tira ang lalaking lubos nyang kinasusuklaman.

Bound To Be TogetherWhere stories live. Discover now