Sapphire came home tired, agad itong nagpahinga at nagpaalam sa anak ng dati nilang katulong na si Joy. Si Joy ang nagsilbing taga pangalaga ng kanilang bahay at dito narin ito nakatira kasama ang asawa at isang anak na si Angel alinsunod sa kagustohan ng mommy at daddy ni Sapphire. Once every 3years lang umuuwi ang buong pamilya ni Sapphire kaya mas mabuti na rin na merong nakatira sa bahay nila para hindi ito mag mukhang napabayaan habang nasa states sila.
Sapphire went to sleep matapos isaayos ang mga dalang gamit at kinabukasan na nang umaga nagising dahil sa subrang pagod sa byahe pabalik ng Manila.
Gaya ng nakagawian, pagka gising ay una nitong dinadampot ang kanyang cellphone to check the time. Isang message galing kay Elena ang kanyang natanggap informing her na didiritso sila ng Bicol pagdating ng Pilipinas upang bisitahin ang iba pang kaanak ng kanyang asawa. Pagkatapos mag reply ng OK bilang pagsangayon sa paalam ng kapatid ay bumaba na rin si Sapphire para mag kape.
"Ate Saf, magsisimba muna kami ng mag-ama ko ha. Pinag luto po kita ng adobo baka sakaling gutomin ka po habang wala kami. " Sabi ni Joy habang inabot kay Sapphire ang isang mangkok ng pork adobo.
"Oh thank you Joy. Namiss ko to! Sige, mag ingat kayo ha. Nasayo naman yung isang susi ng bahay diba? Magsisimba din kasi ako mamaya."
"Opo Ate Saf. Alis na po kami ha."
At umalis na ang mga ito. Pagkatpos magkapi at kumain ng agahan ay nanood muna ng tv si Sapphire tska naligo. Gusto nyang mag pahinga buong araw at wala sa plano nito ang gumala that day kaya pagkatapos mag simba ay dumiritso na itong umuwi ngunit papasuk na sana sya nang subdivision nang biglang pumotok ang gulong ng kanyang sasakyan.
"Holy Crap! Ano ba naman! Kunting kembot na lang at nasa bahay na tayo ba't bumigay kang gulong ka! Kainis naman oh!" Inis na sabi ni Sapphire.
Wala masyadong tao sa paligid para mahingan ng tulong. Kinuha nito ang kanyang cellphone para tumawag nalang ng taxi pauwi sa kanilang bahay at pakiusapan ang asawa ni Joy na magpalit ng gulong ng kanyang sasakyan. Isang Ford Ranger na sasakyan ang pumarada sa harap nya at laking gulat nya nang makitang bumaba si Carlo.
"Flat tire? Let me help you!" Pagmamagandang loob nito.
"N-no no thanks. Baka madumihan pa yang suot mo. Im calling a taxi now para makauwi muna then I will be asking someone at home na lang to go change the tire for me." Pagpigil sa kanya ni Sapphire.
"O-ok. Ako na maghahatid sayo then. Mahirap mag hanap ng taxi dito kahit tawagan mo pa."
"Its ok. I can w--"
"Please.." Pagpipilit ni Carlo.
"Sigh! Fine."
Malapit lang ang bahay nila Sapphire sa kung saan naiwan ang kanyang sasakyan. Ilang minuto lang at tinuro na ni Sapphire ang mismong gate nga bahay nila para doon mismo bumaba.
"Salamat." Akmang bubuksan ni Sapphire ang pinto ng sasakyan.
"Ah.. Let me open the door for you Saf. Baka sabihin nang kung sinong makakita na napaka ungentle man ko para hayaan kang bumaba." Pangiti-ngiti nitong sabi.
Epal talaga! Urggh! Inis na sabi ng utak ni Sapphire.
"Salamat ulit!" Huling pasasalamat nito bago buksan ang gate.
"Ah.. Saf, if you need help nasa kabilang bahay lang ako ha! I live there so dont hesitate to ring the bell anytime."
Oh my God! As in super Oh my God! magkapitbahay kami? What the-- bwesiiiit! Gulat na gulat na sabi ng isip ni Sapphire. Isang plastic na ngiti ang binitawan ni Sapphire kay Carlo at tsaka tuluyan nang pumasok sa loob ng bahay.
She stayed at home the whole day as she planned to do. Halatang wala sya sa kanyang sarili matapos malaman na magkapit bahay sila ni Carlo.
"Joy?" Tawag nito.
"Po?"
"Kilala mo ba yung kapit bahay natin? Matagal na ba silang nakatira dyan?"
"Ah opo. Last year pa po ata teh. Bakit po?"
"A-ah wala. Nacurios lang." Sabay ngiti na sabi ni Sapphire.
Umakyat ito sa kanyang kwarto at tinawagan si Janine at Mildred at wala sa kanila ang sumasagot.
"Busy siguro. Hay naku!" Sabi ni Sapphire at pagkatapos ay pinaandar ang tv upang manood.
YOU ARE READING
Bound To Be Together
RomanceNever let an old flame burn you twice.. Sapphire promised herself to protect herself from any hurt that a man can possibly brought, kaya naman right after her break up with Carlo thirteen years ago ay hindi na ulit nag karoon ng sineryosong boyfrien...