2.Meet Ems

38 0 0
                                    

Umaga na naman,bukod sa baon ano pa nga ba dahilan kung bat ako maagang pumapasok?hm.early bird ba..

Classroom

Maaga pa ko,kala ko nauna ko sa lahat,pero hindi.

Nakita ko si Jude na nakaupo na sa arm chair nya,my sinusulat sa notebook nya.

Hindi ako kumibo kasi nahihiya ako,saka di talaga ko palasalita.

Naupo na muna ko sa last row,pero nabunggo ko yung chair,yan tuloy napansin nya ko.

Ahh.kaw pala Ems,aga mo ah.

Hehe,kaw din nga,nauna ka pa.

Sorry naistorbo ba kita?

Hindi.Hindi.okay Lang.

Lumapit sya sakin,nabigla ako.

Patingin nga ng kamay mo.

Kinuha nya bigla yung kamay ko,hinawakan nya yung palad ko at pinisil.

Ano bang ginagawa nya?!

Huhulaan ba ko nito?

Ang lambot ng kamay mo,di ka siguro gumagawa ng gawain bahay noh?

Ha?ano?ahh.di ah.syempre tumutulong ako samin.

tsk,ba yan,napagkamalan pang tamad.

Eh bat ang lambot ng palad mo?

Sabi nya na hawak pa din ang kamay ko,peste,nakatitig lang ako sa mata nya,nakakainggit talaga.

Ahh.sige.balik na ko sa upuan ko.

Bigla nyang sabi sabay tayo,di na ko nakapag react kasi dumating na din iba naming classmate pati si best.

Nakakapagtaka talaga yung ginawa nya kasi di ko naman nakita na ginawa nya yun kay Pao eh.

Pumasok na si ma'am

Good morning class.

Good morning ma'am

Good Morning class!Sit down.

I aanounce ko lang sainyo yung about sa upcoming nating foundation anniversary natin and every year isa sa mga high lights ng event ay ang Mr. and Ms.Foundation which is my representative tayo every year level.

So meron ba sainyong gustong mag volunteer na sumali?

Ma'am sila Jude at Paola na lang tutal eh pareho sila matalino saka

maganda't gwapo tapos my chemistry talaga sila kasi real life lover ehh.

sabi ng isa sa barkada ni Jude.

Yeeh!oo nga.!

oo sila na lang!

sigaw din ng iba.

okay,lets ask them first kung payag sila.

Sure ma'am.

si Pao.

Okay, payag na si Paola.

how about you Jude?

Hm.sure thing ma'am,

Yess!yun oh.

malaki chance natin manalo nito!

sigaw ng isa naming kaklase.

Okay,so Mr.Velasco and Ms.Zamora will be our class representative,so class beside the pagent there will be also some contest just check out the bulletin board ,is that clear?

Yes ma'am!

okay,that's all,we will still have a meeting,use your time to prepare for the foundation day,goodbye.

Goodbye ma'am,thank you!

Pag labas ni ma'am agad nag chirmisan ang klase,my mga lumapit kay Jude at Pao,may ngtatanong at nag aadvice sa mga dapat gawin,busy sila kaya lumabas muna ko,punta muna ko sa paborito kong tambayan.

Nandito ko nakaupo sa my sanga ng mangga malapit sa basketball court at soccer field,dito ko gusto kasi pakiramdam ko tanaw ko silang lahat,yung mga tao,ung buong ground saka paborito ko din ang soccer at basketball kaya ayos,napapagitnaan nila ko.

Dito kahit mag isa ko okay lang,yung hangin,yung dahon at mga ibon sapat na sakin para di ko maisip na loner talaga ko.

Oo.tama kayo,isa kong loner,si Pao?yeah.best tawagan namin,but sya lang nag insist nun,sya din naman may gusto na maging friends kami,ewan ko din..dami naman dyan magaganda at matatalino na katulad nya.

Basta sabi nya iba daw ako,kasi hindi ako plastic atsaka kahit tahimik ako may sense naman daw ako kausap.

Wala akong kaibigan maliban kay Pao,pero wala din naman akong kaaway.

Sabi nila suplada ko at parang masungit,di daw ba ko napapanisan ng laway kasi bilang lang ang salitang naririnig nila sakin.

Di daw yata ako normal,biro pa nila.

Eeh?haha.normal kaya ako,siguro kasi di ko lang ugaling i express yung sarili ko,bakit pa?

I want a normal high school life.

Sa ayaw at gusto nila,ako na to,wala na silang magagawa kundi tanggapin na nag eexist ang isang

EMERALD GONZALES.

Loving my Bestfriend's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon