7.AT THE PARTY

29 0 0
                                    

 YOW.medyo may binago ako sa chapter 7 and 8.pakibasa na lang ulit  kung gusto nyo.thanks.

**

Ngayong gabi yung party ni Paola,medyo madami ng tao pag dating ko,sa garden ginanap yung party,sa isang side nakalagay yung mga foods saka my parang tarpaulin na may picture ni Pao at may nakaprint na Happy 17th birthday Paola!

Madaming handa,may caterer,palibhasa nag iisang anak,babae pa,ako din naman ganun,pero di kami naghahanda ng ganito karami,kami lang naman kasi ni mama kakain,yung mga kamag anakan namin eh malalayo at nasa ibang bansa din yung iba,at saka wala nga akong kaibigan diba,bat pa ko magpa'party.

Naupo muna ko sa may dulong table na medyo natatakpan ng mga halaman,nakita ko kasi si Pao,kausap mga classmate namin,halos lahat andito,pati ibang year meron din.

Kumuha na lang ako ng juice na sine'serve nung waiter at pinagmasdan yung mga tao,

BULAGA!

 muntik ko ng maibuga yung iniinom ko ng may nang gulat sakin mula sa likuran ko.

Hahaha!ay naku Ems,magugulatin ka pala,another new things about you huh.

Bakit ka ba ng gugulat ha?

Wala lang,bakit ba kasi dito ka nakapwesto?dapat dumiretso ka kay Pao at binati sya.

Mamaya na,busy pa siya,saka binati ko na siya kaninang umaga.

Ganun ba,oh di kumain ka muna.

Hindi na,nag dinner na ko samin.

Kakaiba ka naman,alam mo namang kainan pupuntahan mo,dapat dito ka na lang nag dinner,wala tuloy akong kasabay.

Ehh di si Paola,bat ako ba dapat kasabay mo?

Hayy naku,ewan ko sayo Ems.

Sige,kuha muna ko foods.tsk.

Problema nun?badtrip?

Bumalik si Jude dala ang pagkain nya,naupo sya sa upuan sa tapat ko.

Dalawang pinggan yung dala nya.

Oh eto,ikinuha kita ng desserts,kasi sabi mo kumain kana kaya eto na lang sayo,kain na Ems.

Tiningnan ko yung laman ng plate,hmm.

Leche flan na nasa cup.

Chocolate cup cakes.

And another cake,I think mocha or caramel ang flavor.

Uhh,sorry walang bavarian,kung meron yun ang dadalin ko sayo,I know its your favorite.

Di ka na dapat nagdala nito,busog talaga ko,ikaw na lang kumain nito.

Ganun ba?eh try mo pa din,masarap naman yan,gusto mo kuha kita ng iba?

Wag na,okay na talaga ko.

Okay.

Kumain lang siya at hindi na kumibo,baka nainis?

Nakita ko si Pao palapit samin.

Andito ka lang pala best!kala ko di ka pumunta eh,kanina ka pa ba?

kumain ka na ba?

Ahh hindi,mga 30 minutes pa lang.

Wag na,busog ako eh.

ay naku,kumain ka nga,buti na lang sinamahan ka ni Jude,thanks Jude ha,ang bait mo talaga,saka alam mo agad na mahihiyang lumapit si best sakin,allergic yan sa madaming tao eh.hehe

Ahh ,wala yun,nakita ko kasi siya papasok sa gate nyo kaya nilapitan ko muna since busy ka mag entertain ng bisita mo.

Ang bait mo talaga Jude!

Loving my Bestfriend's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon