** Anong meron sa pagkain ng mag kasabay?
Jude's POV
Hey!First time.hehe.
Anyway nandito ko at nag hahalungkat sa ref nila.Menudo lang pala eh,easy!hehe.yabang.
Natuwa talaga ako nung nagustuhan ni mama yung ginawa naming cake,atleast may reason ako para makapunta ulit dito.Ang totoo kabisado ko na talaga gawin,napansin nga ni Ems eh,masyadong observer.Manhid naman.
I know nagtataka kayo kung bakit ganito inaasta ko,hindi ko naman tinatanggi na may gusto ko kay Ems,pero hindi ko din naman inaamin sakanya.
Simula first year napansin ko na talaga siya.Bakit?kasi iba siya.
Siya yung tipo na loner at bihirang ngumingiti.Pero super cute ng dimple nya.
Matalino din siya,di man palakibo pero magaling sa written,siguro dala ng pagka mahiyain niya kaya di siya active sa mga recitation.
Maganda siya,pero hindi niya alam.
Kung maka akyat kasi ng puno parang di nakapalda,hehe.madalas ko siya makita na pumupunta dun sa may puno sa tabi ng court,at ewan ko ba,naging habit ko na yung tanawin siya mula sa window ng room namin.
Simpleng crush lang nung una.
Pero habang tumatagal lalong lumala yung nararamdan ko eh.
Hindi ako nagkaron ng interes sa ibang babae dahil sakanya.Madami na kong nalaman about kay Ems,o should I say inalam ko talaga.
Stalker?nah.Admirer lang,gwapo eh.hehe.
Kaso masyado siyang mailap.
Naalala ko pa yung sinabi ni Joriel sakin.
Pre gustong gusto ko talaga siya eh,kaso hindi ko kayang ligawan.
Haha,pre nagpapatawa ka ba?ikaw?ang pinakamatinik sa babae,wala ka pang linigawan na hindi mo napasagot.
Yun na nga pre,dahil na din sa pagiging babaero ko kaya lalong bawas point sakanya eh.For sure aayawan ako nun.
Ikaw kasi inabuso mo kagwapuhan mo,haha.tama ba namang magpalit ng gf kada buwan.
Yan si Joriel,barkada ko,pinaka close ko sa lahat,classmate kami since elementary,siya yung matatawag kong best buddy ko.gwapo,may kaya din kagaya ko pero babaero hindi kagaya ko,good boy.haha.
Oo na,oo na.
Problema pa nga masyado mailap pre,ang ganda pa naman,sobrang na chachallege ako sakanya eh.Ni hindi ko nga malapitan.
Napatigil ako sa pagtawa.
Teka pare,wag mong sabihin na si---
Emerald,oo pare,siya nga.
Grabe pare,tinamaan yata talaga ko sakanya,nakipag break na ko sa gf ko para maligawan ko na sya,kaso hindi ko alam kung pano magsisimula eh.
Nawala bigla yung ngiti ko,bakit?
Of all people,bakit si Emerald pa ang nagustuhan nya?
Hui?pare natulala ka na dyan.
Ahh,pare pasensya na,ano ulit yun?
Sabi ko pwede mo ba ko tulungan kay Ems,pre di ko talaga alam kung pano sisimulan.
Pre naman,ikaw nga na ubod ng tinik sa chicks eh hindi alam ang gagawin,ako pa kaya,good boy to noh!haha.
Sige pre,kaw na,ikaw na,haha.
Hay naku,eto pare,payong kaibigan,hanap ka na lang ng iba,madami dyan oh,tulad nun!
sabay turo ko na babaeng mapapadaan samin.
Shit,sexy!-joriel
Oh diba,mas madali tiyak ligawan yan kesa kay Ems.
Oo pre,kaso hindi,ayoko ng iba,si Emerald ang gusto ko.
Sinabi niya yun sakin ng nakatingin sa mga mata ko,and this time,I am sure that my cassanova friend have fallen.
And it hurts inside.
Matatapos na ba yan?
Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Ems.
Yeah,5 mins na lang,gutom ka na ba?
Medyo.Ihahanda ko na yung plates para makakain na tayo.
Napangiti ako pagtalikod ni Ems,ewan ko ba,anong meron sa pagkain ng magkasabay?haha,baliw ka na Jude.Baliw ka na kay Ems.
