EmS POV
Parang ang bilis ng mga pangyayari,mula sa pagiging mag on nila Paola at Jude,kahit na may mali sa mga pangyayari,umh,alam nyo na yun,and then ngayon naman ay ang pag confess ni Joriel sakin.
Pero sa totoo lang,wala naman naging epekto sakin yung pag amin Joriel,I mean walang nag bago sa desisyon ko.
Na a-appreciate ko ang effort niya,pero hindi ko naman pwedeng pilitin yung sarili ko na gustuhin siya.
Ipinaliwanag ko naman sakanya na wala pa talaga kong balak makipag relasyon.Naiintindihan naman daw niya,mag hihintay daw siya until maging ready na ko.
At maniniwala ba kayo kung sasabihin kong mas close pa kami ni Joriel kesa kay Paola!haha,maniwala kayo,dahil totoo.
Princess!Tara na!mag i-start na yung practice,tara na na hall!
Natatawa lang ako habang hila hila ko ni Joriel na nakakapit sa braso ko,nakakatawa lang,parang siya pa yung babae.
Practice to para sa graduation ceremony namin.
Oo,ilang months na din ang nakalipas at eto na nga,
Talak ng talak si Joriel habang naglalakad,kung titingnan kami para kaming mag bf-gf,ang sweet kasi nya sakin.Simula nung nag usap kami ito yung hiniling niya,ang payagan ko siyang maging malapit sakin.
Nung una awkward,kasi hindi ako sanay na lagi siyang nakabuntot sakin,sabayan pa ng mga chismosang school mates,which eventually humupa din naman ang mga usapan,nasanay na din sila sa pagbabago ng image ni Joriel,from a playboy to a lover boy daw.
Pero aaminin ko,masaya ako.Mas masaya pala yung ganito.Yung may kaibigan na makakasama at umaalalay sayo.
Salamat kina Pao at Joriel.
Mas naging palatawa at palasalita ako.Natutuwa din si mama sa pagbabagong ito.
Ano ba Yell,tumigil ka nga diyan,napakakulit mo talaga.
Ang cute mo kasi prinsesa ko.
Urghh!makinig ka nga sa teacher.
Nasanay na din ako sa pag tawag niya sakin na Prinsesa.
Hmp,sige na nga,maya na lang.
Andito na kasi kami sa Hall ng school,dito gaganapin yung graduation ceremony.
Katabi ko si Yell,tawag ko kay Joriel,sabi niya kasi iyon daw ang itawag ko sakanya,endearment daw,daming alam.
Di ba nga Gonzales apelido ko,at siya naman Henarez,malamang magkatabi kami,ang kulit nga eh,panay daldal.
Matatapos na din ang practice,si Jude ang valedictorian namin,si Paola naman first honorble mention.
They are really smart,bagay sila.
Sa ilang buwan na relasyon nila nakikita kong masaya talaga si Pao,good thing na rin ang pagiging close namin ni Yell kasi hindi ko na kailangang gumawa ng paraan para magkaroon sila ng privacy at hindi na din nagui-guilty si Pao dahil wala na daw siyang time sakin kahit sanabi ko na okay lang naman yun.
Natapos na yung practice ng magyaya si Yell na mag food trip daw kami sakanila since wala naman kaming gagawin,wala na kasing lectures,tapos na lahat ng exams.
Oh ano pareng Jude,tara sa bahay,food trip lang tayo!tayong apat lang naman nila Paola at Ems.
Uyy!sige gusto ko yan,tara Hon,sama tayo. --Pao
Next time na lang pare.--Jude
Hon naman,sumama na tayo,wala na naman tayong gagawin ehh,please,sama na tayo!--Pao
Oo nga naman pareng Jude,tayo tayo lang naman wag kang KJ!haha.--Yell
Oo nga hon,please,masaya kaya magkakapag bonding tayo before graduation,kasi for sure magiging busy na tayo for college.--Pao
Di talaga,pasensya na may gagawin kasi ko sa bahay.--Jude
Ganun ba pre,sayang naman--Yell
Hayss,sige kung talagang ayaw mo,uwi na lang tayo--Pao
Pwede ka namang sumama sa kanila Pao,okay lang sakin--Jude
Ano ka ba hon,kung di ka sasama syempre ganun din ako,sige best,Joriel una na kami pauwi ha,ingat kayo--Pao
Halatang dissappointed si Pao,nalungkot siya bigla,eto yung isang mali sa relasyon nila,oo nga at mabait si Jude pero napapansin ko na kapag inayawan niya ang isang bagay,kahit anong pilit ni Pao,hindi na niya mababago ang desisyon ni Jude.
At alam kong kahit gusto ni Pao,hindi niya magawang ipilit,dahil siguro sa takot na magalit si Jude at maging dahilan pa ng pag hihiwalay nila,ganun niya kamahal si Jude.
Kung talagang ayaw nila Jude eh di tara na prinsesa ko,sama ka pa din ba sa bahay namin?
Bumaling sakin si Yell habang nakakailang hakbang na sila Pao paalis.
Sumama ka na.
Huh?Ano yun prinsesa ko?
Sabi ko sumama ka na samin Jude,sumama na kayo ni Pao.
Hindi ko na pigilan sabihin,nakaramdam kasi ko ng inis sakanya.
Uhh,best,wag na,okay lang naman kung talagang ayaw ni Jude sumama,okay lang ako.
Sige.Sasama na tayo.
Ano yun hon?--Pao.
Sama na tayo.
Talaga?Thanks hon!Oh tara na best,Joriel!
Oh sige,text ko na si mama,inform ko na pupunta tayo sa bahay.
Pumayag siya?Anyare?
Hindi ko naisip na papayag siya sa isang salita ko lang,ano yun may magic ba yung salita ko?funny,pero okay na din,atleast masaya si Pao.