Chapter 4

5 0 0
                                    

(Lyshei's P.O.V)

Naglakad ako papalapit sa kanila .

"Nandito rin kayo?" Obvious naman pero tinanong ko pa rin.

Umupo ako sa tabi ni Crisna . Parang wala namang pake ang dalawang lalaki sa tabi nila .

"Hindi Ly, picture lang namin toh." Sarcastic na sabi ni Crisna .

Inirapan ko lang siya . Tumayo si Paker at nakabusangot na pumunta sa tabi ko.

"Oh? Bat biyernes santo iyang mukha mo " tanong ko.

"Makakita ka Ba naman ng demonyo sa umaga e ." sabi niya sabay tingin kay Yun na walang pake at nakikiusyoso sa kay JL na busy sa cellphone niya.

"Wew . Ang gwapong demonyo naman ata niyan . swerte mo nga." Swerte naman talaga . Andaming naghahabol diyan e.

"Oh? Edi sayo na . Punyeta." At padabog na umupo sa tabi ko.

Ay. Di mabiro . Dumating naman si Yobab na galing ata sa loob ng bahay nila .

"Tara na ? OK na raw yung computer room." Aniya.

Tumayo sina JL at Yun at naunang naglakad papasok. Wow ? Bahay nila ? Kaya sumunod na rin ang dalawang babaita.

"Hoy. Tara na ." sabi ni Yobab . "Ano pang hinihintay mo diyan ?" Dagdag niya.

Inirapan ko lang siya at pumasok na. Hindi ko mapigilang mamangha pagkapasok ko . Pati nga sina Crisna ay napapawow. Kung sa labas ay maganda na ito , lalo na sa loob.

May staircase papuntang 2nd floor na nasa gitna ng bahay at yun talaga ang bubungad sayo pagkapasok . May chandelier din na pagkalaki at pati na ang red and yellow carpet na nakalatag sa gitna ng hallway up to sa staircase. Malaki ang 1st floor. Para siyang hall . May mga pictures na nakadikit sa halos lahat ng pader , may malalaki at malilit . Sa left side ng bahay ay may transparent glass wall at sliding door . Kitang kita ang garden at ang fountain na si kupido. May 6 na silid sa left side ng bahay . Habang sa kanan ay mayroong grand piano na nasa gilid lamang ng staircase at ang kanilang dining area na masisilip mo mula dito dahil walang pintuan. Sa second floor naman ay puro rooms na. Sabi ni Ace ay may third floor pa raw pero hindi na masyadong importante ang naroon.

Nagtitingin ako ng pictures doon habang si Yobab ay magpapahanda lang daw ng makakain saka kami pupunta sa com. room sa second floor.

Andaming pictures ng ibat ibang tao. Siguro ay mga kamag anak nila . Anlaki pala nilang pamilya. May isang malaking picture doon na halos masakop ang buong pader sa may kanan malapit sa glass wall at pintuan patungong garden. Isang magandang Babae na nasa mid 30's ata . at lalaking nasa 40's . Nasa gitna nila ay isang matipunong binata na mukhang kaedad ko . Hindi sila nakawacky o ano . simpleng family picture pose lang . Nakapagtataka at magkamukha ang tatlo pati si Yobab. Ito ata ang mama at papa niya pero sino iyong binatang lalaki? Kamukha niya si Yobab. Tinutukan ko ang bawat anggulo ng mukha nung lalaki at ang masasabi ko lang ay "Perfect". Gwapo siya . Mukhang piece of art ang mukha niya . He's hot too . Sino kaya siya ? May Kuya kaya si Yobab ? Siguro yun nga . Baka matagal na itong picture.

"Woi!"

"Aypusanggala!" Bwesit ! "Bat ka ba nangugulat ?!" Lanya. Si Yobab lang pala .

"Tch . e pano Ba naman masiyado kang focus kakatitig diyan sa lalaking nasa picture !" Hala ! Nakakahiya! Baka isipin niyang may gusto ako sa kuya niya.

"H-ha? H-hindi ko tinitignan yan ano !" Nag iwas ako ng tingin at yumuko nalang . Ang pula ko siguro.

"Hm . ok . Mabuti baka ma in love ka pag tinitigan mo yan. Hahaha" sabi niya at naglakad na palayo.

"Yabang !" Tahimik lang akong sumunod sa kaniya. Hindi maalis sa isip ko ang mukha nung lalaki.

"Nandito na tayo ." hindi ko napansin . Masyadong occupied ang utak ko tungkol dun sa guy.

Pumasok kami sa loob na puro computer units ang laman at may isang bookshelf doon . World map at globo pati encyclopedias .

"Tara dito !" Tawag ni Yobab sakin.

"Ano nga ulit iyong topic sa presentation?" Tanong niya . sabay pindot ng kung anu-ano sa computer.

"Ah . Laws of Motion . Pili lang daw tayo." Science iyong subject namin . At itong presentation ay parang review lang sa aming mga natutunan last year.

Tumango siya at nagsimula ng magtype. Ang bilis niyang magtype kahit Hindi siya nakatingin sa keyboard. Wala akong masyadong alam sa computer kaya wala akong maitutulong . Sa reporting or presenting nalang siguro ako.

Nakatingin lang ako sa kaniya . Kung tutuusin ay gwapo naman siya. Kaso nga lang Hindi nahahighlight dahil sa katabaan niya. Napangiwi ako . Nagmamantika na naman siya kahit air conditioned itong room .

"Magpunas ka nga ng pawis mo." Bigla kong nasabi .

Pinunasan niya naman at bumalik sa pagtatype . Focus siya masiyado .

"Bat ang taba mo?" Ops . nasabi ko bigla.

Nilingon niya ako ng nakakunot ang noo. "E ikaw bat ang payat niyang dibdib mo?" Wah! Napatingin ako sa dibdib ko at pabalik sa kaniya.

"Wah! Maniyak!" Sabay palo sa kaniya. Nangangamatis na ata ako ngayon.

"A-aray Ano Ba !" Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Tsk . o kita mo nagtatanong lang ako nagagalit ka agad" aniya.

"Eh syempre ! Tama Ba namang sagutin mo ng tanong ang tanong ko ! Atsaka anong klaseng tanong naman yan ha !?" Sigaw ko sa kaniya . at inalis ang kamay ko sa kaniyang pagkakahawak.

"Wag ka ngang sumigaw tsk . With "basis" naman iyong tanong ko." Abat ! Grr ! Sarap ihawin nitong baboy na toh!

"Oh? So anong pinalalabas mo?! Hindi ako flat !" Ipahawak ko pa sa kaniya ito e ! Tignan natin kung flat toh!

"Bro . D kami makaconcentrate." Sabi nung JL .

Hindi nalang nagsalita pa si Yobab . Pati ako rin hmpf . Ayaw ko rin naman siyang kausap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Hot SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon