"Misteryo"

109 7 0
                                    

Mahiwagang gabi at puno ng misteryo ang naganap  noong ipinanganak si "Shane" ng kanyang ina na si Alma

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mahiwagang gabi at puno ng misteryo ang naganap noong ipinanganak si "Shane" ng kanyang ina na si Alma.
Umaalulong na aso at pusang nakatayo ang balahibo na tila may nakikita na hindi nakikita ng ating mga ordinaryong mata.

Si "Shane ay nag iisaang anak ng kanyang magulang. Masayahing bata at napaka ganda at nagtataglay nang maamong mukha"
Nakatira si Shane sa isang malayong probinsya sa paanan ng bundok, na ang kalapit ay ang simenteryo na ang pagkakaayos ng puntod ay hugis bungo.

Si Shane ay may angking katalinuhan sa klase, kung kaya't sa eskwelahan ay laging aktibo.

Ngunit habang lumalaki si Shane at hanggang makatungtong ng 2nd year High School ay tila nag bago ito"
Naging tahimik nalang at walang imik.
Hanggang mapansin ito ng kanyang mga magulang. Nangangamba sila kung anung nangyayare kay Shane"

Kung kaya't napag desisyunan ng mga magulang ni Shane na pag-aralin siya sa Maynila at pansamantalang tumira sa kapatid na babae ng kanyang Ama"

Sinang ayunan naman ito ni Shane tungkol sa plano ng kanyang magulang na papuntahin siya sa Maynila"

Sapagkat nais niyang makapag aral sa Maynila nang 3rd year High School hanggang kolehiyo sa isang pampublikong paaralan at magkaroon ng Scholarship upang makatulong sa kanyang mga magulang.
At higit sa lahat nagbabakasakali siyang mawala ang mga hindi ordinaryong bagay na gumugulo sa kanyang isipan"

Pagka umagahan ay maagang inihatid si Shane ng kanyang ama sa maynila. Sapagkat tatlong araw na lamang ay pasukan na nito.
May bakas sa mga labi ni Shane ang kasiyahan at kagalakan na makita ang bagong paaralan na papasukan niya at makilala ang mga bago niyang kamag aral at higit sa lahat nagagalak na siyang makilala ang kanyang Tita"

Nang makarating si Shane sa bahay ng kapatid ng kanyang ama ay agad namang lumisan pauwi ang kanyang ama pabalik sa probinsya ..

Kay bilis lumipas ng araw at pasukan na"
Kung kaya't maagang pumasok si Shane sa Eskwela na may kagalakan"

Sa wakas at nakarating na ako"
Ang laki naman pala ng paaralan dito sa Maynila" Sambit ni Shane sa kanyang sarili.

Tumunog na ang Bell at hudyat na, nagsimula na ang klase"

Paano ito! hindi ko pa alam kung saan ang silid ko" Pangamba ni Shane sa kanyang sarili.

Kung kayat nagtanong siya sa mga tao na nakakasabay niya kung saan ba ang Room 201"

Ate" pwede po bang magtanong? Saan po ba ang Room 201?.Sabi ni Shane"

Sa 3rd building sa gitna tapos 2nd Floor malapit sa C.R" Tugon ng nakasabay na babae ni Shane.

Nagmadaling hinanap ni Shane ang kanyang silid sa tulong na binigay ng babaeng nakasabay niya.

Sa wakas natagpuan ko rin" Pabugtong hininga ni Shane sa harap ng pintuan sa kanyang silid dahil sa pagod.

Nang nagtinginan ang lahat ng mga kaklase niya sa kanya.

Bakit ngayon ka lang? Tanong ni Ginang Alvarez kay Shane"

Hinagilap ko pa po kasi kung saan po ang aking silid na papasukan, kung kaya't akoy nahuli sa klase" Tugon ni Shane kay Ginang Alvarez.

Oh siya umupo kana" Sagot ni Ginang Alavarez.

Habang nagtuturo si Ginang Alvarez ay hindi mapalagay si Shane sa kinauupuan nito dahil siya ay gusto ng umihi ngunit natatakot siyang magpaalam.

Nang mapansin siya ni Ginang Alvarez" Anung nangyayare sayo?

Maaa..m? Nais ko po sanang magpaalam kung pwede po ba akong lumabas? Sabi ni Shane na may halong takot.

Yun lang ba?
Oh siya bilisan mo at pagkatpos nitong tinuturo ko ay isa isang magpapakilala sa klase ang bawat isa sainyo" Tugon ni Ginang Alvarez.

Pagkadating sa C.R may narinig si Shane na may nag pa Flash sa banyo"
Kung kaya't kinatok niya kung may tao ba.

Tao po? May tao po ba?
Nais ko po sanang, ako ang sumunod sainyo pagkatapos niyo po.
Mukhang barado kasi yung isang banyo. Sabi ni Shane"

Ngunit walang nagsalita" o kahit imik man lang.

Kung kaya't nag desisyon na si Shane na silipin upang malaman kung may tao nga ba"

Ngunit wala siyang nakita matapos niyang silipin.

Kaya siya na lamang ang gumamit dahil kanina pa siya naiihi sa kinauupuan niya dahil sa pagod.

Nang biglang lumamig ang paligid at tila nakakaramdam na si Shane ng kakaiba, tumatayo ang kanyang balahibo senyales na may taong nagmamatyag sa kanya"

Sino yan? May tao po ba jan? Sabi ni Shane.

Ngunit walang man lang ni isang sumagot sa tanong niya"

Kinakalibutan na si Shane"
At pag tingala niya sa Kisame ng banyo ay may isang babaeng mahaba ang buhok nakalambitin sa uluhan niya" Ito'y naka yuniporme tulad ng yuniporme na suot niya..

Dali dali siyang umalis sa C.R àt bumalik sa klase at kinalimutan ang nangyare"

Habang nasa gitna ng pagtuturo si Ginang Alvarez ay napansin niya na tulala si Shane at tila malalim ang iniisipip"

Miss Shane! Nakikinig kaba sa tinuturo ko" Pasigaw na Sabi ni Ginang Alvarez kay Shane.

Ngunit walang kibo si Shane na para bang binabalot ng bagabag at halata ang takot sa kanyang mga mata..

Parte De La VidaWhere stories live. Discover now