Sa pag alis ni "Taiga" sa clinic ay bakas sa mukha ni Shane ang pagtataka."Shane: Anu kaya ang ibig nyang sabihin"Pagkalito ni Shane.
Kay bilis lumipas ang mga oras at tumunog na ang Bell na hudyat na nang uwian "
Kay bilis naman ng oras at hindi ko napansin na uwian na pala" Sambit ni Shane.
Halikana at sasamahan na kita sa pag uwi papunta sa inyo" Sabi ni Alliah.
Naku" Huwag mo na akong alalahanin, kaya ko na ang aking sarili, salamat nalang" Tugon ni Shane.
Huwag ka nang mahiya sa akin"
Halikana at kunin na natin ang gamit mo sa taas" Sabi ni Alliah.Sinamahan na ni Alliah si Shane na kunin ang kanyang gamit sa Room"
Nang laking gulat ni Shane kung bakit wala doon ang kanyang gamit.
Saan na napunta ang gamit ko" Sambit ni Shane.
Hindi ko rin alam" Saan mo ba inilagay?Tanong ni Alliah kay Shane.
Nandito lang iyon eh" Lagot ako kanila mama at papa nito, nandoon pa naman yung cellphone na binigay nila sakin nung kaarawan ko"
Tiyak na magagalit sila sa akin"Pangamba at Takot na nadarama ni Shane.Subukan kaya nating itanong kay "Manong Jani. kung nakita ba niya...
Si Manong Jani, ang Janitor ng eskwelahan kung kaya't ang tawag sa kanya ay "Jani". Maikling pantawag para sa Janitor.
Manong Jani" May nakita po ba kayong gamit sa Room 201, katabi ng C.R.? Tanong ni Alliah.
Wala akong napansin na may naiwang gamit doon" Naglinis na ako sa bawat silid ng eskwelahan ngunit wala akong gamit na, nakita" Tugon ni Manong Jani kay Alliah.
Ah ganun po ba" Salamat po ulit" Sambit ni Alliah at Shane.
Saan na kaya iyon.....Bugtong hininga ni Shane.
Sasabihin ko nalang kanila Mama at Papa ang nangyare habang naglalakad na, nag uusap sila Shane at Alliah palabas ng paaralan.
Subukan ulit natin itanong bukas sa ating mga kaklase. Kung nakita ba nila ang gamit mo" Sabi ni Alliah kay Shane.
Huwag ka nang mag alala.. Hahanapin natin yun" Sabi ni Alliah.
Habang sila'y naglalakad
Naroon naman si Taiga, na nag aabang sa Malaking puno sa gilid ng kalsada.Nang mapansin siya ni Shane"
Oh... Bakit ka nandito? Sinisundan mo ba kami!.. Tanong ni Shane.
Ito ba ang hinahanap mo? Sabi ni Taiga. (Sabay taas sa Bag)
Bakit nasa sayo ang bag ko? Magnanakaw ka siguro noh? Magnanakaw!!! "Pabintang na sabi ni Shane.
Sa mukha kong ito napagkamalan mong magnanakaw?
Aba! Ako na nga itong tumulong ako pa tuloy naging masama"Sagot ni Taiga"Bakit kasi nasa sayo ang bag ko? Tanong ni Shane kay Taiga.
Nakita ko iyan sa Room natin kung kaya't kinuha ko, baka kasi mawala....
Ngunit hindi ko akalain na yan ang iniisip mo sakin" Sabi ni Taiga. (Inabot ang bag at dahan dahang naglakad palayo)"Natahimik si Shane.
Grabe ka naman Shane! Nagmamalasakit na nga yung tao sayo tapos pinagsalitaan mo pa ng masakit.. Sabi ni Alliah kay Shane.
Hindi ko naman kasi alam ey" May pagsisisi na pag sabi ni Shane.
Magsorry ka kaya? Sabi Alliah.
Nang napag tanto ni Shane na mali ang ginawa niya ay agad itong sumigaw ng malakas na ang sabi.
"Taiga....... SORRY sa sinabi ko" hindi ko sinasadya"
Teka lang muna anu yung ibig sabihin ng sinabi mo sa akin kanina" Pasigaw na tanong mula sa malayo."Napahinto at Napalingon ngunit nagpatuloy lang sa paglalakad si Taiga.
Hayss.. Bahala na nga! Makauwi na nga lang... Bukas nalang ako magpapasalamat sa kanya" Sabi ni Shane.
Oh siya bukas muna siya isipin.
Ayiiie..? Pangasar na sabi ni Alliah kay Shane.Hala? Anung pinagsasabi mo jan" Sabi ni Shane.
Ingat ka sa pag uwi Shane" Sabi ni Alliah.
Habang naglalakad si Shane.
Hmmmn.. Mabait naman pala siya. Nagkamali lang pala ako ng pagkakakilala sa kanya. Sambit ni Shane sa kanyang sarili.
At umuwi na si Shane" at napaisip parin kung anu ba ang ibig sabihin ni Taiga sa sinabi niya.