"Klase"

53 3 0
                                    

Unang simula pa lamang ng klase ay may mga kababalaghan na agad na, naranasan ni Shane sa kanyang pagpasok"

Habang nasa gitna na ng pagpapakilala sa bawat isa sa klase at kung sino sila.

Si "Shane ay nakaupo lamang sa kanyang silya at nakikinig sa bawat isa sa kanyang mga kaklase.

Nang biglang natulala at nangangatog ito sa takot, dahil sa kanyang nakita.
"Isang babae na nakayuniporme na nakita niya sa C.R na nakatingin sa kanya mula sa bintana na kinatatayuan nito"Mahaba ang buhok, namumula ang mga mata at bakas sa kanyang leeg ang latak ng lubid.
Tinawag ni Ginang Alvarez si Shane upang magpakilala sa klase"

Miss Shane...? Ipakilala mo ang iyong sarili sa amin" Sabi ni Ginang Alvarez.

Ngunit walang imik si Shane at nakatulala ito. Kung kaya't nahinto pansamantala ang pagpapakilala ng bawat isa"

Shane! Shane! "sigaw ng kanyang mga kaklase maging si Gng Alvarez'

Si Shane ay nakatulala lamang at hindi alam ng kanyang mga kaklase, at maging si Ginang Alvarez kung anung nangyayare sa kanya.

Dalhin niyo sya sa Clinic sabi ni Ginang Alvarez sa kanyang mga estudyante"

Kung kaya't si "Shane ay dinala pansamantala sa Clinic upang malaman kung anung dahilan.

Si Nurse Marie ang umasikaso kay Shane.

"Idilat mo ang mata mo upang matingnan ko"Sabi ni Nurse Marie"
Habang dahan dahan naman dinidilat ni Shane ang kanyang mata."
Wala namang problema sa mga mata mo....? Patanong na sabi ni Nurse Marie.

Marahil dala lamang ng pagod iyan, mahiga ka muna dito ng makapagpahinga ka" Mahinahon na sabi ni Nurse Marie.

Habang walang imik naman si Shane"

Maya maya lamang...Binisita siya ng kanyang mga kaklase na si Alliah at Marco"

Ako nga pala si Marco" Anung nangyare sayo at bakit ka natulala kanina?

Ako nga rin pala si Alliah" Bakit parang napakalalim yata ng iniisip mo"
Ilang beses nang sumisigaw si Ma'am ngunit parang wala kang naririnig" Sabi ni Alliah.

Ngumiti lamang si Shane sa Tanong ni Alliah&Marco"

Salamat ulit sa pagbisita ninyong dalawa. Huwag kayong mag alala ayos na ako, marahil dala lang ito ng pagod" Tugon ni Shane"

Habang nandoon naman si Taiga Izugawa sa kabilang kwarto ng Clinic" na nakatingin at nakikinig sa pinag uusapan nila.

Bakit ka nakatingin dito? At bakit ka nakikinig sa usapan namin? Pagalit na sambit ni Shane"

Anung pakialam mo!! Tugon ni Taiga.

Aba!! Tsismoso na ngang tao hindi pa marunong gumalang"
Kalalake mong tao nakikinig ka ng usapan ng iba!! Pairita na sagot ni Shane"

OMG!! Ikaw ba si Taiga Izugawa? Yung bago rin Transferee sa amin?
Bakit hindi ka pumasok sa klase ni Ginang Alvarez? Sabay singit na tanong ni Alliah"

Akoy nahuli lamang ng pagpasok at nabigla ako kung bakit madaming tao dito kung kaya't napagpasyahan kung sumilip saglit" Walang kabuhay buhay na sagot ni Taiga.

"Alliah: Hmmmn.. Ang Gwapo mo pala" Tama nga yung balita sa klase..

(Blooming) Tsaka Singkit at may Dimple pa" Pabulong na sabi ni Alliah.

Ah ganun ba" Tugon ni Alliah.

Habang walang imik lamang si Marco. At bumalik na sa silid nito.

Tsismoso ka pala talaga!! Painis na sabi ni Shane kay Taiga.

Pwede ko ba syang makausap ng kaming dalawa lang? Sabi ni Taiga kay Alliah.

Habang lumabas naman si Alliah sa Clinic gaya ng kagustuhan ni Taiga.

Anu ba kasi pag uusapan natin?
Hindi pa nga kitang lubos na kilala ey! Sabi ni Shane kay Taiga.

Nakikita mo rin ba sila? Huwag kang mag alala, hindi ka nag iisa" nakikita ko rin sila' Tugon ni Taiga kay Shane..

(Natahimik)

Pagulat na Reaksyon ni Shane.

Anu? Nagbibiro kaba? Anung pinagsasabi mo" Pakunwaring walang alam

"Alam kong alam mo ang sinasabi ko! Ihanda mo na ang iyong sarili.Sabay alis sa Clinic.

Parte De La VidaWhere stories live. Discover now