"Pagliban"

11 1 0
                                    


Pagod na pagod si Shane nung makarating siya sa kanilang bahay kagabi.
Kung kaya't kinabukasan ay sobrang sakit ng kanyang buong katawan.

Sa pagbangon ni Shane sa kanyang higaan ay naramdam talaga siya ng pananakit ng buong katawan. Pinilit ni Shane na pumasok ngunit hindi talaga kaya ng kaniyang katawan

Kung kaya't pinasabi nalang ni Shane sa kanyang Tita na magpadala ng sulat sa kanyang guro na siya ay makakaliban muna sa klase sa pagkat siya ay may sakit.

Ang kanyang tita isabel ay isang byuda. At may nag iisang anak na lalake na kasing edan ni Shane.

Si Isabel ay nagtatrabaho sa isang pribadong kompanya kung kaya't kaya niyang tustusan ang pagpapaaral ni Shane sa pampubliko lamang at maging sa pag aaral ng kanyang Anak na si Carlo sa pribadong paaralan.

Tita Isabel? Pwede po bang sabihin niyo sa aking guro na akoy hindi muna makakapasok dahil akoy may sakit. Nanghihina na sambit ni Shane sa kanyang tita.

Ah ganun ba. Anu ba kasing nangyare at bakit ka nagkasakit?
Anu ba nangyare, at ginabi ka pag uwi kagabi. ? Tanong ng tita ni Shane na si Isabel.

Naglinis pa po kasi kami, kung kaya't ginabi po ako ng uwi. Sagot ni Shane.

Sinong kami? Tugon ng kanyang tita"

Si Amanda po. Ang aking babaeng kaklase na kaibigan. Sagot ni Shane sa tanong ng kanyang tita.

Oh siya. Pupunta ako sa iyong paaralan upang ibibigay itong mensahe para sa iyong guro. Sambit ng kanyang Tita.

Salamat po tita" Sagot ni Shane.

Magpahinga kana muna at baka mabinat ka" At kung nagugutom ka naman, may niluto ako jan na Sinigang na bangus. Kumain kana lang kung nagugutom ka." Bilin ng kanyang tita Isabel.

At kung nagising na si Carlo ay pakisabihan na pumasok ito at kung manghihingi ng baon ay nariyan sa kabenet yung iniwan kung pera.
Maiwan na kita at pupunta pa akong opisina. Idadaan ko na lamang ito sa iyong paaralan." Sambit ng kanyang Tita Isabel.

Sige po tita Isabel. Mag iingat po kayo" Sabi ni Shane.

Lumipas ang mga ilang minuto at nagising na ang pinsan ni Shane na si Carlo.

Si Carlo ay nag iisang anak ni Isabel. Ito'y nagseselos kay Shane dahil sa mabuting pakikitungo at pakikisama ng kanyang ina.
Iniisip niya na may kaagaw na siya sa atensyon ng kanyang ina.
Masama ang pakikitungo ni Carlo kay Shane nais niya itong pabalikin sa probinsya nika uoang mawalan na siya ng kakompetinsya sa pag aaruga ng kanyang ina sa kanaya.

Gising kana pala? May inihanda si Tita na bangus diyan.
Kumain kana at baka mahuli ka sa iyong pagpasok. Nariyan ang baon mo sa kabinet kunin mo na lamang kung aalis kana" Sabi ni Shane.

Ah ganun ba? Oh siya kakain na ako ngunit hindi ako papasok ngayon." Sagot ni Carlo.

At bakit naman? Ang sabi sa akin ni tita pumasok ka daw". Sambit ni Shane.

Kumain lang si Carlo ng walang imik.

Carlo! Lagot ka, kay tita mamaya pagka uwi nun." Sabi ni Shane.

Bakit ako malalagot? Bakit! Isusumbong mo ako! Subukan mo lang".Pagbabanta na sagot ni Carlo kay Shane.

At bakit? Kung isusumbobg nga kita? Anung gagawin mo sa akin! Papalayasin mo ako dito? Sisiraan kay tita. Ganun ba? Sagot ni Shane.

Tinulak si Shane ni Carlo at umalis ng bahay na walang paalam at kinuha ang pera sa Kabinet.

At naiwan na makalat ang bahay at tambak ang hugasin sa kusina.

Agad namang pumunta si Shane sa kanyang kwarto at nagmuni muni.

Umiiyak si Shane sa kanyang kwarto. Nagtatanong sa kanyang sarili kung matitiis nya pa ba ang masamang ugali ng kanyang pinsan.
At hindi maayos na pakikitungo nito sa kanya.

Bakit ba siya ganun"
Mula nung ng makarating ako sa bahay na ito, iba na agad ang pakikitungo niya sa akin.
Wala naman akong ginagawang masama sa kanya.
Hindi man lang siya manapag linis, wala man lang siyang malasakit sa akin kahit bilang pinsan man lamang o awa man lang sa akin." Umiiyak na tanong ni Shane sa kanyang sarili.

Ngunit naisipan ni Shane kung hahayaan niya lang na magmukmok siya sa kwarto sa kakaiyak ay wala siyang matatapos na gawain na kahit isa man lang.

At baka magalit ang kanyang tita pag kauwi galing sa trabaho.

Kung kaya't sinumulan na ni Shane ang paglilinis.

Sa kalagitnaan ng paglilinis ni Shane ay nakaramdam siya ng panghihilo. Tila bang umiikot ang kanyang paningin at kunti kunti napapapikit ang kanyang mga mata at agarang natumba sa sahig.
Ngunit walang makatutulong sa kanya dahil nag iisa lamang siya sa kanilang bahay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 07, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Parte De La VidaWhere stories live. Discover now