Si Ginang Perez ay isang masungit at estriktong guro at higit sa lahat siya ay tumandang dalaga. Sapagkat siya ay naging pihikan pagdating sa kanyang mga manliligaw. Masyado siyang naging konsirbatibo, sapag aalala na kung sakaling magkaroon siyang manliligaw ay gusto niya na may magandang trabaho ito, na pwedeng maipagmalaki sa kanyang mga magulang.
Si Ginang Perez ay nagtapos sa pinakamataas na pamantasan ng Edukasyon pagtuturo ng Siyensya.
Ngunit dahil sa pagiging tutok lamang sa pag aaral at pagtatrabaho dahil sa kagustuhan ng kanyang magulang ay nakalimutan na niyang maging masaya para sa kanyang sarili at maglaan ng panahon para umibig.
Pagkadating nila Shane at Taiga sa klase ni Ginang Perez itoy nagtuturo na ng BioChem"
Si Ginang Perez ay nagtuturo ng BioChemistry at tinatalakay nito ang lahat na nabubuhay na oraganisismo at tumatalakay sa Nucleic acids chain to carbon molecules na makagagawa ng DNA at RNA.
Oh bakit ngayon lang kayong dalawa? Late kayo sa klase ko ng sampung minuto.. Sabi ni Ginang Perez.
Hmmmnn... Ma'am" Anu po kasi ey" Tinanghale po kasi ako ng gising" Tugon ni Shane.
Ahh.. Ako po Ma'am" natraffic po kasi ako kung kaya't ako'y nahuli sa inyong klase" Paliwanag ni Taiga kay Ginang Perez.
Sa susunod na itoy mauulit, ulit ay hindi ako magdadalawang isip na ibagdak kayo"
Maging responsable kayong mag aaral at pumasok ng maaga!!
At kung mauulit ito ay may kaukulan ng parusa para sainyong dalawa. Pasermon na tugon ni Ginang PerezPasensya na ulit po" Pangako hindi na po ito mauulit. Sambit nila Shane at Taiga.
Dapat lang!! Oh siya" pumasok na kayo at maupo. Nakakaisturbo na kayo sa klase ko. Sagot ni Ginang Perez.
Salamat po ulit Ginang Perez". Tugon nila Shane at Taiga
At naupo na sila Shane at Taiga sa kanilang kinauupuan.
Hayss.... Ang sungit naman ni Ginang Perez." Pabugtong hininga na sambit ni Shane.
Hayaan mo nalang si Ginang Perez" Ganun talaga kapag walang Love Life.
Tumandang dalaga na kasi, si Ginang Perez, kung kaya't akala mo laging may buwanang daloy, kahit hindi na naman dinadatnan." Pabirong sabi ng kanyang Katabi sa upuan na si Amanda.Baka kasi naiingit lang sainyong dalawa ni Taiga. Kasi magkasintahan kayo. Sambit ni Amanda kay Shane.
Hala? Hindi ah" Hindi ko naman Boyfriend si Taiga ey! Sagot ni Shane.
Ganun ba? Akala ko mag kasintahan kayo?Tanong ni Amanda kay Shane.
Magkasabay lang kasintahan agad? Hahaha" Tumatawang sagot ni Shane.
Hanggang napansin sila Amanda at Shane ni Ginang Perez.
Kayong dalawa? Bakit kayo nagtatawanan? Nais kung malaman kung anung dahilan ng pinagtatawanan niyong dalawa? Tanong ni Ginang Perez.
Hmmmn.. Wala po Ginang Perez. May halong takot na sagot nila Shane at Amanda.
Anung wala? Magtatawanan ba kayo, kung walang dahilan?
Anu kayo mga baliw? Na tumatawa ng walang dahilan. Pamamahiyang sambit ni Ginang Perez.Tumayo kayo kapag kinakausap ko kayo! Pagalit na sabi ni Ginang Perez.
At ikaw Shane? Diba nahuli kana nga sa klase ko" Ngunit may lakas kapa ng loob makipag daldalan. Kabago bago mo palang dito, ganyan na ang inaasal mo" Sabi ni Ginang Perez.
Natahimik naman sila Shane at Amanda habang naninirmon si Ginang Perez.
Oh siya! Para hindi kayo makaisturbo sa klase ko"
Lumabas na lamang kayo sa silid na ito. Sambit ni Ginang Perez.Agad naman itong sinunod nila Shane at Amanda. At lumabas sa silid na, nahihiya.
Umiiyak si Shane sa labas habang kinakausap siya ni Amanda.
Huwag kanang umiyak" Sabi ni Amanda kay Shane.
Lagot ako kay Tita nito kapag malaman niya ang nangyare. Baka ipatawag siya ni Ginang Perez. Pangamba at Takot na sagot ni Shane.
Manghihingi nalang tayo ng tawad kay Ginang Perez at sabihin natin na hindi na uulitin ang ginawa natin katulad kanina. Tugon ni Amanda.
Umiiyak pa rin si Shane.
Makalipas ang isang oras na pagtuturo ni Ginang Perez sa klase nila Shane ay lumabas na ito ng Silid.
Sa pag labas ni Ginang Perez ay naroon naghihintay sila Shane at Amanda sa likod ng pintuan ng kanilang silid. Upang kausapin si Ginang Perez para makapanghingi ng tawad.
Ginang Perez pwede po ba namin kayong makausap.? Sambit nila Shane at Amanda.
At anu naman ang ating pag uusapan? Kung tungkol ito sa nangyare kanina. Nais kung kausapin ang inyong mga magulang upang makausap tungkol sa nangyare at inasal niyo kanina" Sagot ni Ginang Perez.
Ginang Perez?
Pwede po bang huwag nyo nalang pong papuntahin ang aming mga magulang? Gagawin po namin lahat para po hindi nyo na po papuntahin ang aming mga magulang pakiusap." Tugon nila Shane at Amanda.Oh siya, hindi ko na papapuntahin ang inyong mga magulang kung lilinisin nyo ang C.R na katabi ng ating silid hanggang magtakip silim."Sambit ni Ginang Perez.
Pero Ginang Perez? Gagabihin kami ng pag uwi? Marahil papagalitan kami ng aming mga magulang pag kami'y ginabi. Tugon ni Shane.
Oo nga po" Gayon din namang sambit ni Amanda.
Gagawin niyo ba o papatawagin ko ang mga magulang niyo?
Sabi ni Ginang Perez.Gagawin na po namin. Napipilitang sambit nila Amanda at Shane.
Oh siya magsimula na kayo ngayon! Sabi ni Ginang Perez.
Ngayon na po agad? Sabi nila Shane at Amanda.
Oo" ngayon na nga! Tugon ni Ginang Perez.
Kung kaya't nagsimula nang maglinis sila Amanda at Shane sa C.R.