One Shot

131 6 0
                                    

"DARLINGGGGGGGGGGGGGGG!" sigaw ko sa katulong ko.

 Darling ang name niya kaya ang awkward banggitin nung una but I think nasanay na ko kasi high school pa lang katulong na namin siya hanggang ngayong nagtatrabaho na ko bilang editor ng isang newspaper company.

 
 "Ma'am, bakit pu?"

 "Nakabili ka na ba ng dyaryo?"

 "Ah. Upu, Ma'am. Nandun na po sa misa. Pati pu yung brikpas niyu nakahanda na."

Oh, readers wag na kayong mag-react sa sarili niyang pronounciation. Naiintindihan niyo naman siguro eh. Purong bisaya kasi si Darling.

 "Osya umalis ka na sa harapan ko, mano-nosebleed ang readers ko sayo eh."

 Nagpunta na ko sa kusina at chineck yung dyaryo while eating my breakfast.

 Anong binabasa ko? Headline? *iling* *iling* No. Wala akong paki kung magpatayan silang lahat.

 Showbiz? *iling* *iling* No. I don't care kung ano mang nangyayari sa lovelife nila. Ako nga wala akong lovelife eh, tapos pakikialaman ko pa sila. Hindi ako bitter. Defensive lang 🙈🙈🙈

 Sirit na? Psh. Mukha akong tanga.

 For sure naman alam ng readers kung ano binabasa ko sa dyaryo. Hindi naman halata sa title ng story ko no?

 Yes. Bumibili ako ng dyaryo araw-araw para basahin ang aking daily horoscope.

 Corny ba? Eh bakit mo pa binabasa itong story ko peste ka?

 Psh. "Pisces," Pisces ako since February 23 ako ipinanganak, angal ka? Ugali ko na, na binabasa ng malakas yung horoscope ko sa umaga para daw magwork yung ayon sa prediction. I know it sounds stupid but I don't really care.

 "Lucky Color: Violet

Lucky Number: 3 & 5

Ang mga numerong 3 at 5 ang magtuturo ng iyong masaganang lovelife. Huwag kang slow dahil baka mag-away lang kayo."

 Ha? Ang Weird naman. Lately, napaka weird ng mga horoscopes ko. Tss. Bahala na.

 Tinapos ko na yung kinakain ko at naligo. Nagsuot na din ako ng violet na T-shirt. Yeah. Kahit ang weird ng horoscope ko, susundin ko pa rin. Paki ba nila?

 Nagmadali na kong magpunta sa trabaho ko. Ililipat na kasi yung mga gamit ko sa bago kong office at ayokong malate dahil napakasungit ng Boss ko na daig pa ang babaeng nasa menopausal stage.

 Sumakay na ko sa newly-bought kong yellow car. I don't know why I picked a yellow one. But, who actually cares?

 Pagkadating ko dun sa building nung company na pinagtatrabahuhan ko ipinark ko na yung kotse ko at pumasok sa loob.

 "Good morning po, Ma'am Joanne," bati sakin nung janitor. I just look at him and pass.

 "Good morning, Ma'am," bati naman sa akin nung isang babae. I don't actually know her. I didn't bother looking back at her as I walk away.

 All of them don't deserve my beautiful greetings. Nakakasawa na. Araw-araw na lang ganito ang aura ko.

 I always receive greetings from everyone in this company Except from its owner. Curse him right!

Hindi naman sa pagmamalaki pero magmamalaki na rin ako. Isa ako sa mga 

PINAKARESPETADO,

PINAKAMATALINO,

PINAKAMATAAS ANG BAYAD at syempre...

 PINAKAMAGANDANG editor sa Pilipinas kaya ganyan na lang nila ako itrato. Special treatment I think. Of course dapat lang noh. I am 99.9% sure that they can't afford to lose me, a precious jewel me. Isang malaking kawalan yun para sa kanila at hindi para sa akin dahil sa oras na gustuhin kong  lumayas sa company na ito, I can entertain other bigger offers here and abroad.

Horoscope Love Story (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon