A rebellious woman and a policeman. Will she accept that she was loved and chained by him?Tunay nga na kapag tumitigas ang ulo ng isang bata, kailangang dinidisiplina. Pero sa kaso ni Gisselle na dalaga na, hindi niya matanggap na dinidisiplina siya ng isang pulis na hindi niya naman kilala.
Ang nais niya lang naman ay magrebelde dahil sa sama ng loob niya sa sarili niyang ama na dating pulis, na aniya'y tila wala naman daw sa katuwiran, at abusado sa karapatan ng kababaihan. Naging party girl siya dahil sa mga barkada niya at sinasadyang magpa-late ng uwi upang inisin ang kaniyang ama.
Pero ang hindi niya alam, iyon na pala ang huling beses na magagawa niya ang mga bagay na 'yon. Nahuli siya ng mga pulis na pagala-gala sa kalsada nang hating-gabi, at naging buena manong curfew violator sa gabing iyon.
Napatawan siya ng community service sa loob ng isang buwan na hindi niya naisip ni minsan sa tanang buhay niya, at ang lalong hindi niya matanggap ay mismong ama niya pa ang sumusuporta sa punishment na natanggap niya mula sa mga pulis. Ito pa ang naghahatid sa kaniya araw-araw sa 'huling hantungan' niya, at tila gusto pa nitong dagdagan ang punishment niya para lalo siyang mahirapan. Gumaganti ito sa kaniya dahil sa pagiging pasaway niya.
Naiinis siya sa tuwing nakakakita siya ng mga pulis, lalo na 'yong may mataas na katungkulan na pulis na nagpataw sa kaniya ng parusa, ang lalaking hindi niya inaasahang makikilala niya.
Katuwiran niya, wala siyang tiwala sa mga pulis dahil kadalasan sa mga ito ay nangre-rape ng mga kababaihan, pumapatay ng mga inosente at patola pa.
Naiinis siya lalo dahil desidido itong palambutin ang ulo niya. Tahimik lamang itong lalaki pero walang sinoman ang kayang bumali sa mga salita nito. Hindi niya rin ito halos magawang palagan dahil kahit papaano ay takot din siyang makulong oras na bastusin niya ito at gawan ng kalokohan.
Hanggang sa hindi niya namamalayan na nag-iiba na pala ang tingin at pananaw niya sa mga pulis, na hindi pala lahat ay masasama tulad ng iniisip niya noon. May tulad pa rin pala ni PCol. Carlos Joseph Guevarra na matino at disiplinadong pulis na magpapatino sa kaniyang rebeldeng pag-iisip.
Lingid sa kaalaman ng dalaga, may lihim palang interes sa kaniya ang single at treinta y tres anyos na pulis. Kaya naman pala kahit na anong gawin niya ay pinapansin agad nito at todo kung makaprotekta sa kaniya.
Papaano niya kaya mapipigilan ang lalaki kung siya mismo ay hindi ito magawang mapaikot sa mga kamay niya?
BINABASA MO ANG
Loved and Chained
General FictionMontehermoso Series 6 (COMPLETED) (GENERAL FICTION) Gisselle Leanne Montehermoso and Carlos Joseph Guevarra NOTE: YOU CAN READ THIS ON GOODNOVEL Available na rin po ang book ng Loved and Chained sa Ukiyoto. : ) June 7, 2021 - September 1, 2021