Kabanata 1

1.6K 56 11
                                        

Gisselle

Inis kong hinilot ang sentido at napairap nang lihim. Maka-ilang ulit kong kinusot-kusot ang mga talukap na nais nang magsara dahil sa kaantukan.

“Hoy! Matutulog ka na? Huwag muna, ha!”

Bahagya akong nag-angat ng tingin kay Althea at inis na umismid. “Anong oras pa ba kasi natin ito tatapusin? Haler, hindi naman tayo mga aswang na panggabi ang raket, ’no. May bukas pa, Thea.”

Nagkamot ito ng kilay at napanguso. Wala itong nagawa kundi ang ligpitin ang mga banner na ginawa namin. Tumulong na rin ako sa pagligpit ng mga kalat namin dahil hating-gabi na at heto pa rin kami at abalang-abala.

Kung hindi lang para sa grades, at sa mga dancer namin na representative ng section namin para sa isang activity na gaganapin sa school ay hindi ako mag-aaksaya ng oras at pagod dito. Ligtas nga kami mula sa pagsasayaw, hindi naman sa ganito na paggawa ng props.

“Oh, gabing-gabi na. Matulog na kayo.”

Napa-ayos ako ng tayo nang marinig ang boses ni Auntie Melanie, Althea’s older sister, na kapatid naman ni Mom. Ito na lamang ang kasa-kasama ni Thea rito sa bahay nila dahil nagsipag-asawa na ang mga nakatatandang kapatid niya.

“Oo, ’te. Saglit na lang ito at nagliligpit na kami,” anang Thea at pinagsasalpak sa lagayan ang mga gamit namin.

“At ikaw naman, Gisselle, kanina ka pa hinahanap ni Ate Keehana at ng Papa mo. Umuwi ka na rin,” baling sa akin ni Auntie na ikinatango ko nang walang imik.

Nagpaalam lang ako sa kanila, matapos ay dumeretso sa labas. Magkatapat lang naman ang bahay namin ng mga auntie ko kaya walang problema kahit pa gabihin ako sa bahay ni Thea.

“Psst, Kisses!” sitsit ko sa kapatid nang makita ko ito sa sala ng bahay at may isinusulat. Agad naman itong lumingon sa akin. “Where are they?” dugtong ko na agad naman nitong tinugon.

“Nasa itaas na at baka tulog na. Kanina ka pa nila hinahanap dahil hating-gabi na. Lagi ka na lang daw nagpupuyat,” anito na ikinakibit-balikat ko.

Dumeretso ako sa kuwarto ko at pabagsak na nahiga sa marangyang kama.

Hindi agad ako nakatulog dahil tila nawala bigla ang antok ko. Hindi ko tuloy naiwasan ang pagkatulala sa nangingislap na kisame ng kuwarto ko.

It’s full of stars, kumikinang at nakaka-aliw tingnan. Akong-ako noong bata pa ako hanggang sa paglaki ko, pero ngayong disi-ocho na ako ay nagbago na ang lahat. Too painful to even think about those dark days of mine that made me like this...

Tanghali na ako nagising kinabukasan. Naabutan ko pa ang manliligaw ni Kisses na hindi ko maintindihan kung anong klaseng tao.

“Good morning po. Si Kisses?”

Blangko ko itong tiningnan habang sumisimsim ng tubig. Ang aga naman nito mambuwisit dito. Usually ay mga hapon o gabi ito dumadalaw para umakyat ng ligaw sa kapatid ko.

Umangat ang kilay ko matapos ilapag sa mesa ang baso. “Gumagawa pa ata ’yon ng schoolworks niya lalo’t weekend ngayon. Busy ang kapatid ko,” kaswal kong sambit na ikinatango niya.

Hindi na ako umimik at nagtungo na lang sa kusina para tingnan kung may pagkain na ba. Good thing mayroon na.

“Ate Melda, where’s Dad and Mom?” sigaw ko habang nagsasandok ng pagkain. Saglit ko pa itong tinanaw mula sa bintana, at nakita ko itong nagbabalot ng mga gulay at prutas kasama ang mga kalalakihan sa ilalim ng puno, sa tabi lang din ng bahay.

“Umalis sila, hija. Baka mamayang hapon pa ang dating nila...”

Oh, okay. Nagpasalamat ako rito bago bumalik sa sala, na ikina-angat ng tingin sa akin ng lalaking sa pagkakatanda ko ay Hunter ang pangalan.

Loved and ChainedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon