Chapter I Rose

161 17 0
                                    

ALEXANDRA

Hindi ka asa-asa pero sabi ng guro ko ay ipapasali daw ako sa isang "Singing Contest" sa school. Hindi ko naman kayang tumangi kasi wala naman akong ipapalusot kung bakit hindi ako sasali at sa bagay kada seksyon ay dapat may isang representative at wala namang gustong sumali sa seksyon namin, kasin hindi raw sila kagandahan ng boses, kaya wala akong magagawa kundi ako nalang.

"Alex, siguradohin mo na mananalo ka ha? ililibre talaga kita ng favorite cheesecake mo!" Sabi ni Claudia.

Si Claudia yung bestfriend ko. parati kaming magkasama at gumagawa ng masasayang bagay. Bestfreind ko siya simula nung pinanganak pa kami.

Bestfriend kasi parents namin eh. Tatlong araw nalang at kakanta nako sa harapan ng buong school. Hindi ko man gusto, gugustohin ko nalang para lang ito sa seksyon namin. Naman oh!

"So, anong kakantahin mo? love song? lonely song? broken hearted song? ano?" Naglakad kami papuntang canteen ni Claudia kasi snack time na eh.

"Hindi ko alam." Sabi ko. Wala akong ganang mag-isip kong ano ang kakantahin ko sa bagay kakanta lang naman ako diba? madali lang yun eh. Tyaka ayoko munang mag isip ngayong ang gutom kasi kakatapos lang ang subject na math.

"ANO!? Hindi mo alam?" Nagulat ako nung sinabi yun ni Claudia sa mga cute na tinga ko. Nagulat din naman yung tindera.

"Hinaan mo nga boses mo." binulong ko sa kanya.

"Ano ba kasi ang kakantahin mo? bakit hindi kapa naka handa ng kanta?"

"Sus! Madali lang yan ehh.. Huwag ka ngang ma problema jan!" Hinila ko sa Claudia pabalik sa classrooom para dun kumain. Ayaw ko kasing kumain dun sa canteen. Ang ingay! 15 minutes lang yung break naman, so kakatapos lang akong kumain nag ring na yung bell.

Pumunta na ako sa locker ko para kunin akong aklat. Hindi ako yung tipo na tao na kukunin ang lahat na libro sa locker nila. Gusto ko isa-isa lang.

Pagbukas ko may nalaglag na papel.

Kinuha ko ito at binasa.

"Hindi kapa naka decide ng kanta? kantahin mo nalang paborito mong 'There's a kind of Hush' by Carpeners ;)"

Teka, pano naman niya alam ang paborito kong kanta?

Sino ba talaga tong tao na to?

Stalker ko ba sya?

Ano!?

Kinuha ko nalang yung librong kukunin ko. Nagtataka talaga ako kung sino yun nagsusulat nun. Nagsimula na yung klase.

"Alexandra, Sino ang mga taong unang nagpsakop sa ating bansa?" Sabi ni Ginang.

"Umm.. Mga ispanyol..?"

"Nagtatanong kaba sa sagot mo?"

"Hindi po."

"So ano?"

"Mga Ispanyol." sabi ko. Ang taray talaga ni Ginang! Kung hindi lang siya matanda sa akin ay.. susungitan ko talaga. 

Ang oras ay madaling lumipas at kukuha na namn ako ng libro sa locker ko.

Hindi ko naman inaasahang may sulat na naman.

"Nagtataka ka ba kung bakit ko alam ang paborito mong kanta?" 

OHH! That give me creeps. Pano ba kasi, alam niya kung nagtataka ako sa kanya. Sino kayang hindi matatakot jan sa ginagawa niya. Para siyang ispiritu na suno ng sunod sakin. Nakakatakot! Kinuha ko na ang libro at bumalik sa classroom.

Baka classmate ko lang yun at pinaglalaruan lang ako?

Baka stalker ko nga yun?

Eh. pano ako magkakaroon ng stalker kung hindi man ako kasing ganda nang artista? HMM?

Ewan.

Hindi nagtagal lunch time na at baon ko ang paboritong fried chicken ko!

"Ano baon mo Alex?"

Ang sarap talaga ng chicken eh. Kaya gusto kong mag baon nito.

"Hoy, Ano baon mo?"

May dala pa akong gravy! Powder siya, pero manghihingi nalang ako sa canteen ng mainit na tubig para sa gravy ko.

"ALEXANDRA SCARLETT FERN!!!" Nawala ang imanihasyon ko sa baon kong manok kasi sumigaw si Claudia.

"Ano?" Tanong ko sa kanya. Bakit ba kasi palagi siyang sumigigaw ha? Ano bang problema niya?

"Ano? Kanina pa ako tanong ng tanong sayo kung ano ang baon mo!  Baka manok na naman yang baon kasi nakatulala ka lang jan!"

"Oo, manok nga ang baon ko. HAHAHAH!!!" Tumawa lang ako sa harapan niya. Eh pano, yung mukha niya galit na galit! Ang cute nga eh! Half chinese kasi siya. Yung mata niya parang hindi ko na makikita eh! ang liit!!!

"Kain na nga lang tayo!" Sabi niya. Inis na inis yata to si Claudia sakin.

Pagkatapos namin kumain, naglaro muna kami ng cellphone games namin hangang sa nag ring na yung bell. Bumalik na kami sa classroom at inilagay ang gamit ko sa upuan ko at lumabas para sa libro.

Inaasahan kung may papel na naman pero wala sa pag bukas ko. kinuha ko na ang libro at bumalik.

Ilang oras ay natapos na ang klase. pumunta ako sa locker ko at may nakita akong napa ka healthy at maganda na pulang rosas katabi nito ang papel. Kinuha ko ang binasa.

"Ingat ka sa pag uwi at magpraktis ka na sa kakantahin mo. (^_^) V."

May pa peace sign pa yung tao oh. pero sa kung iisipin napaka sweet niya. Sana malaman ko kung sino siya.

HI GUYS! ITO YUNG FIRST UPDATE NG STORY NATO. SANA NAGUSTOHAN NIYO!! (^_^)V SUPORTAHAN NIYO NAMAN ANG STORY KO NA "CRUSHED HEARTS".

SALAMAT GUYS!

VOTE NAMAN JAN OH! ( ^ _ ^ ) V

-AUTHOR J.K ♥

Locker GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon