KAYDEN (For the first time? xD)
"Kung?"
"Anong gagawin mo kung ako yung taong nag - iiwan ng sulat sa locker mo? Tinanog ko si Alex at nanglaki ang mga mata niya sa oras na sinabi ko yun.
" Anong ibig mong sabihin? Na ikaw si.."
" Nagtatanong lang ako kung ano ang gagawin mo kung ako yun."
"ahhh.. wala lang magpapasalamat lang ako sayo. " sabi niya.
"Okay. Balik na tayo sa room. " Dinampot ko ang kamay niya at wala lang naman sa kanya yun. Nag ring na kasi yung bell tapos na ang snack time namin.
Hindi ko pala namalayan na sinundan pala ako ni Alex papunta sa locker niya, Muntik na akong mahuli. Baka pinaghihinalaan na niya ako.
Nasa silid na kami at nagsimula na yung bagong session ng klase.
Kalmado lang ata si Alex nung sinabi ko yun sa kanya ni ako hindi.
Oo, ako ang naglalagay ng mga sulat sa locker ni Alex. Matagal na akong may gusto sa kanya pero I thought na wala siyang feelings para sakin.
Wala akong lakas ng loob para sabihin ko yun sa kanya. Kaya edadaan ko nalang sa mga sulat yung gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko masasabi sa personal.
Nagsimula ang lahat dahil sa tinulungan niya ako sa science na hindi ko na intindihan.
*flashback
pano ba to? ano ba kasi ang distanceat ang rate sa speed? hindi ko makuha.
"gusto mo ng tulong ko?" nagtanong ang isang babae.
"ahhh.. ehh.. hindi ko makuha ang distance at ang rate." sabi ko.
"ahh.. ganito lang yun.. *blah blah blah" hindi ko pala namalayan na hindi na ako nakikinig at nakatitig lang ako sa kanyang mukha, tumabi kasi siya sakin at nag turo sakin.
"ano? kuha mo na?"
"ahhh.. Oo, salamat ahh?"
"wala yun! magkaklase tayo kaya dapat magtulongan!" at doon nagsmile siya sakin.
simula nun, palagi na ata akong nakatingin sa direksyon niya. hanggang sa nalaman ko ang nararamdaman ko.
*end
Napakatorpe kong tao. Kung mauunahan ako sa iba, wala na akong pag asa kasi...
"Mr.Zander?"
"Ano po ma'am? "
"Ahh. wala wala.. akala ko di ka nakikinig."
Nung nag ring na yung bell, lumabas na ako at hindi muna ako maglalagay ng sulat sa locker niya baka mahuli na naman ako.
Papalabas lang sana ako sa classroom ng..
"Oi! Matt! sabay na tayo!"
"Ahh.. okay lang."
"sige nah!!! ngayon lang naman e.."
"sige na nga."
pumunta na kami sa canteen at bumili na ng pagkain, siya pumunta na siya sa pwesto nila ni claudia.
Para nga naman akong bakla na sumasabay ng kain sa mga babae?
Nakita ko si Alex na kumakaway sakin at pumunta na ako sa kanya.
"Ang bagal mo naman kumilos!"
kumain lang kami ng tahimik hanggang sa natapos narin.
"umm. alex.. una na ako ha?"
"ha? usap muna tayo!"
ano batong babaeng to? baka tatanongin nanaman ako tungkol dun.
"anong pag uusapan natin?"
"umm.. may..as.."
"may as?" tanong ko.
"may assignment kaba sa Math? hindi ako naka gawa e."
Phew! pinawisan yata ako dun ah.
"ahh.. yung lang pala? sige.. tuturuan nalang kita."
"talaga? salamat Matt!" tapos hinug niya ako at nagulat ako kay umiling ako ng kunti. Namalayan niya rin yun at bumitaw na.
dalawang periods kasi ang math namin sa umaga at sa hapon. yung assignment kanina kahapon yunv binigay.. at ngayon na assignment kaninang umaga lang. ang hirap naman nito. pero atleast pinapansin niya ako at nalalapit ako sa kanya dahil dito.
hay! salamat at marunong ako sa math! pero huwag lang sa problem solving! hirap eh.
Matapos ko siyang turuan, nag ring na yung bell kay bumalik na kami sa silid.
Wala na akong pag asang makalagay ng sulat kay alex kaya nung nagsimula yung klase nag excuse ako para pumunta sa cr.. pero instead sa cr pumunta ako sa locker ni alex at nilagay ko yung sulat ko.
"Mag aral ka ng mabuti sa math ah? ;)"
Ang corny ko diba? pero masaya na ako nun.. na nababasa niya ang gusto kong sabihin na hindi masabi saking bibig.

BINABASA MO ANG
Locker Guy
רומנטיקהNa Experience mo na ba yung feeling mo na may nakatingin palagi sayo? Or para bang stalker? Ito yung kwento ng isang simpleng babae na nagkaroon ng admirer dahil sa boses niya. May letter palagi sa locker na palagi siyang pinapangiti dahil sa mga si...