ALEXANDRA
"Alexandra Scarlett Fern? "
"present Ma'am" sabi ko habang itinaas ko ang kanang kamay ko. Naplano ko na ang lahat lahat na gagawin ko.
Kung pano ko mahuhuli si 'Locker Guy ' ito ang mga plans ko:
PLAN A: Hindi ako kakain ng snack at aantayin ko si ' Locker Guy '. Tatago ako sa restroom sa mga babae at sisilipin ko siya.
Kung failed ang PLAN A. May PLAN B.
PLAN B: eewan ko ang cellphone ko sa loob ng locker ko na naka on ang video. Nagpasalamat ako sa sarili ko na hindi ako mahilig gumamit sa camera kaya malaki ang space pa nito kay kayang ma videohan hanggang 2 oras.
At kung failed nanaman. Ehhh.. meron pang PLAN C noh!
PLAN C: Kung hindi talaga successful ang plan A at plan B, itong plan C ang huling pag-asa. Papasok ako sa locker ko at tatago dun hanggang buksan niya yun. Makakasya naman ako dun kay ang payat ko! huhuhu.. pero hindi talaga masyadong payat! sakto lang.
"Si Kayden Matthew Zander?" tanong ni Ginang.
"Ahh.. Ma'am absent po siya." sabi ko. Teka, bakit nga pala absent si Matt? baka nagkasait yun? nilalagnat? imposible! o baka naman he's avoiding me dahil kahapun? huwag sana! siya lang yung ka isang-isa na kakausap sakin eh.
"Bakit absent si Kayden? " tanong ni Ginang sakin. Abay malay ko. Hindi ko naman yun gaano ka close.
"Wala po akong alam Ma'am, Wala po siyang na sabi o kahit text wala" at dun, may kumatok sa pintuan. Si Matt naman o! late pa siya ako tuloy yung tinatanong ni Ma'am.
"Umm.. excuse me Ma'am.." nag bow siya, "I'm sorry I'm late"
"pumasok ka kana Mr. Zander!" pumasok na Matt at umupo na siya tabi ko.
"Bakit late ka?" tanong ko. Nacucurios lang.
"Traffic at hindi ako naka gising ng maaga" Ahh.. ayun naman pala.
Nakakaantok pala sa klase kapag palagi lang nagsasalita yung guro. Gusto ko kasing may isusulat sila o may video na ipapakita para ma intertain ako, pero wala puro lang salita.
Hanggang nag ring yung bell para sa snack. Time na para sa mission!
Sinabihan ko si Claudia na hindi muna ako mag snack kasi busog pa ako.
Well, totoo naman marami kasi ang kinain ko sa meryenda.
Plan A, andito ako sa cr sa mga babae nagwiwi muna ako kasi namarami ata ako ng inom sa gatas. Lumabas na ako at nagtago da pintuan.
Wala pa akong nakikitang dumaan at huminto sa locker ko. Hmm? Baka absent yung tao na yun?
Patay! Hindi ko na isip yun ah. Nakakatakot dito sa hall ways lalo na kapag walang tao. Grrr.. Teka may paparating.
May footsteps akong naririnig na papalapit sa pinto ng cr.
"Bakit hindi ka kumain ng snack?" Nagulat ako nung itinaas ko ang tingin ko, na kita ko si Matt.
Kumakain siya ng as usual niyang kinakain yung hamburger.
"Ahh.." napakamot ako sa ulo ko. " LBM" excuse ko sa kanya.
Hindi niya dapat malaman kung bakit pa ako nangdun.
"HUH!?" Dinampot niya ang kamay ko at hinila niya ako. "Dadalhin kita sa clinic, uminom ka ng gamot para sa LBM mo"
I tried ko escape from his grip pero napaka firm ang pagkahawak niya sakin.
"Umm.. okay naman ako Matt.. Wala namang problema."
" Hindi, Kailangan kay uminom ng gamot!" demanding ang boses niya! nakakatakot.
Hindi ko na kayang tumangi kasi magagalit talaga toh sakin.
Nung dumating na kami sa clinic. Sunabihan na ni Matt na may LBM ako at kailan ko ng gamot. Napaka caring naman si Matt.
Sinabihan pa niya ang nurse na ipapatulog daw muna ako dito kasi nga da LBM ko.
Yan tagala si Matt, magkaklase ko siya simula nung first year pa kami akalain niyo? hanggang nag fourth year na kami kaklase ko parin siya at katabi ko pa siya palagi!
Ano yan? Destiny? Hindi ako naniniwala diyan! pero sa totoo lang, may gusto ako sa kanya pero nung 1st year palang kami!!
Ewan kung may nararamdaman pa ako ngayon.
Ngayon ko lang na realize na failed pala ang Plan ko!! hindi lang yung A pati na yung B at C.
Ayaw naman ng nurse na ipalabas ako kasi nga pinagsabihan siya ni Matt! Hay nako!! bukas nalang siguro.
Ginising ako ng nurse kasi uwian na. Haa?? Nakatulog nga pala ako sa clinic ng ilang oras at uwian na? nagmamadali akong pumunta sa locker ko para isauli yung libro na naiwan ko sa classroom kanina.
Hindi ako nag expect na may sulat pagbukas ko sa locker ko. Baka andito lang yung taong yun hindi lang siya pumunta sa locker ko.
O. . Baka si Matt na isip ko.
Baka siya nga! Hindi ako umaasa na siya pero baka siya nga yung taong naglalagay ng mga sulat. Siya yung nakita ko.
Kanina kasi nung wala pa akong naririg na footsteps na palapit sa cr. May nakita akong taong tumatayo sa harapan ng locker ko pero hindi ko nakita ang mukha kasi naka cap siya na kulay itim.
Pagkatapos nun may kumagat sakin na lamok! at dun ko na namalayan na may papadating sa cr. At si Matt yun!
Ayokong munang paghusgahan na siya nga yun pero iimbistigahan ko muna siya.
"uminom ka ng gamot para sa LBM mo :)"
Ang plano ko ngayon ay...
dapat hindi mawawala si Matt sa paningin ko.
Kung mawala man siya...
manghihinala nanaman ako na andoon siya at naglalagay ng sulat sa locker ko.
HALA! ANG SERYOSO NI ALEX NOH? LAGOT KAYO KUNG KAYO ANG NAGLALAGAY NG SULAT SA LOCKER NIYA! NYAHAHAHA!!! FAILED YUNG PLANO NIYA! SAYANG DIBA? HEHEHE..
VOTE NAMAN JAN OH! ( ^ _ + ) V
COMMENT KAYO KUNG NAGUSTOHAN NYO ANG UPDATE NATOH! SALAMAT GUYS!
-AUTHOR J.K ♥
BINABASA MO ANG
Locker Guy
DragosteNa Experience mo na ba yung feeling mo na may nakatingin palagi sayo? Or para bang stalker? Ito yung kwento ng isang simpleng babae na nagkaroon ng admirer dahil sa boses niya. May letter palagi sa locker na palagi siyang pinapangiti dahil sa mga si...